Survival Dream

10 0 0
                                    

"Tricia!!! Bumalik ka rito! Lintek na yan! Triciaaaaa!!"

No. Ayoko. Ayoko doon. Di ko alam kung bakit pero gusto kong lumayo. Gusto kong tumakas.

"Triciaaa!"

Agad akong humawak sa railings sa kilid ng highway. May gubat sa ilalim. Ito nalang ang alam kong paraan para matakasan sila.

Tumalon ako. Parang slow motion ang lahat. Dang! Naalala ko nandito sa gubat na 'to so Jude. Ayokong magkita kami. Di ko alam pero ayoko talaga.

Naging matiwasay naman ang bagsak ko. Ngayon. Anong gagawin ko?

"Tricia!" Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses. Napatingin ako sa mataas na flat form malapit sa tinatatayuan ko.

"Pia!" Sigaw ko sa babaeng tumawag ng pangalan ko. May kasama siya. Si Gem. Agad akong pumunta sa kanila. Tinulungan naman nila akong makaakyat sa flat form.

Ang flat form na ito ay nakadikit sa wall na sa sobrang taas ay pwede na kaming makaakyat sa pabalik sa highway.

"Anong ginagawa mo rito? Diba survivor kana? Bakit kapa sumali ulit?" Nagtatakang tanong ni Pia.

Napaisip ako. Anong survi-- wait parang may naaalala ako. Isa ako sa mga survivor sa kauna-unahang Shen Game na naganap ilang linggo pa lamang ang nakalilipas. Agad naman akong napatingin sa wrist ko.

"Tangina!" Napamura na ako.

"Malapit ng magsimula ang laro. At official player ka na." Sabi ni Gem. Hanggang ngayon nasa state of shock parin ako. Nakatingin ako sa bracelet na nakasuot sa wrist ko. Nag-appear ito noong mismong tumapak ako sa gubat na to. Bwisit bakit ba kase nakalimutan ko na ngayon yung ikalawang Shen Game.

Ang Shen Game ay isang survival game kung saan kailangan mong mahanap ang Safe Place para makasurvive. Syempre hindi ito magiging survival kapag walang twist. Dito sa gubat may mga nagkalat na Shendrinas.

Ang mga Shendrinas ang mga nilalang na mukhang white lady pero may mga visible veins na features sa kanilang mukha. Napakacreepy nila. And kapag makagat, or kahit malagyan lang ng kamandag nila ang open wound mo ay maari kang maging isa ring Shendrina. And once na naging Shendrina kana. You will surely die kapag natapos ang game. The game will only last for one day so ang hindi makakarating ng Safe Place within the end time ay mamatay kasama ng mga Shendrinas. There's no other way out of this game. Official player kana once nag-appear ang metal bracelet na may pangalan mo sa wrist mo. At hindi ito mawawala sa wrist mk unless nakasurvive ka aa game.

There two ways in joining this game. First is kapag nagparegister ka talaga sa Shen Center, then ikalawa is kapag pumunta ka sa gubat na ito. And to my stupidity ay tumalon ako sa gubat na to without even thinking na mapapasali ako sa game for the second time.

Surviving the first game is a facing death and it's seriously not damn easy. Anytime pwede kang mamatay. Maari kayong magpatayan ng mga kasama mo. Mas marami kang mapapatay, mas mapapadali ang pagkapanalo mo. Why? Kasi kapag konti nalang ang players, konti nalang rin mabibigyan ng kamandag ng mga Shendrinas, mas madaling patayin ang kapwa player habang tao pa ito. Lalakas kasi ito kapag naging Shendrina na sya.

I don't know kung paano ako napasali sa unang Shen Game. Wala akong naaalala maliban sa idea ng game na ito at sa fact na nakasurvive ako aa unang Shen Game. I don't even know why I know these people, even Pia. Basta ang alam ko, kilala ko sila.

"Its 11:59 PM" sabi ni Gem na parang matataranta na. Sht. Nagsisimula ang Shen Game ng alas dose ng gabi at matatapos din ito bukas ng hating-gabi rin. Natigilan kaming tatlo nang biglang tumunog, kapareho ng tunog na ito ang tunog ng machine (Di ko alam. Sorry. Haha) sa ospital kapag namamatay ang isang tao.

Survival Dream [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon