Fall 1 - Anudaw?

14 1 1
                                    

"Ang ganda ko talaga. Ang ganda ganda ko. Hihi. Ang ganda gan--" naputol ang pagpuri ko sa aking sarili nang tawagin ako ni inay.

" Indddaaaaayyy, Bumili ka ng toyo sa tindahan, Bilis" saad ni Inay

Nagdadabog na bumaba ako galing sa ilalim ng puno. Tambayan ko iyon kapag gusto kong purihin ang sarili kong ganda. "Nay naman, Tawagin niyo akong Shin o Eah wag lang Inday!" Nagdadabog ko pa ring sabi.

"Wag kang maingay jan, Sabihin pa nang ibang tao na tinuturuan kitang magsinungaling" Inay

"Bakit naman po?" Ako

"kanina ka pa sabi ng sabi na maganda ka pero hindi naman. Hala layas at ng makabili ka na ng toyo sa tindahan" Inay

Nagdadabog na lumabas ako ng bahay. Nakakasakit talaga ng damdamin si inay. Nga pala ang pangalan ko ay Shineah Louise Andrade. 19 years old. Huminto ako sa pag-aaral dahil lubog kami sa utang ngayon dahil sa pagpapalibing kay itay. Wala rin naman akong magawa dahil mahirap lang kami. Hay! Buhay nga naman.

*****

"Shit!, Gurl look at him. Ang gwapo niya talaga. OMG! OMG! Dadaan siya dito" sigaw ng isang babae sa Mall

"Oo nga, Ang gwapo talaga niya lalo na sa personal pero masungit daw yan" sabi ng kaibigan nito

"Nagbubulungan ba talaga sila. Ang lalakas naman ng boses. Babae nga naman nakakairita." aniya ko.

Hello ladies! Im John Daniel Buenaventura. 21 years old. Famous Bachelor in town and Owner of Buenaventura Wine Industry. Many of them says that I look like an Angel. And I will definitely agree with that. (wink)

*****

Shin's POV

"Nayyyy!! Asan na ang mga ulam na ititinda ko. Dalii!!" Nagmamadaling tanong ko kay inay

"Alam mo na kung saan iyon nilalagay Eah kunin mo na lang. May mata ka para hanapin yun at kamay para kunin." Nagtataray na sabi ni Inay

"Sinabi ko bang wala akong mata at kamay nay?. Tingnan niyo nga ako. Meron naman aa." Pilosopang sabi ko

"Sumasagot ka pa talaga. Layas na at nang makabenta kana" pagtataboy nito

Nagmamarchang umalis ako nang bahay. Ganito palagi ang ginagawa ko. Nagbebenta ng ulam sa kompanya ng mga Buenaventura. Mabait naman ang mga tao roon at suki ko na sa ulam na itinitinda.

(Buenaventura's Wine Company)

"Kuya ang gwapo mo bili kana ng ulam oh! bente lang yan" pang uuto ko sa mga empleyado

"Naku iha kung di ka lang maganda ay hindi na ako bibili sayo" aniya

"Nako kuya dahil nagsabi ka nang totoo ten pesos na lang itong ulam, sige na kuyya bili kana." Natatawang saad ko rito

"O sigee na n---" naputol ang kanyang pagsasalita ng may isang lalaking pumasok.

"Anong nangyayari dito?" Malakas ang kanyang boses habang sinasabi ito. Samantalang ako---

"Holy Heaven's, Anong ginagawa ng isang Anghel dito ??" Nakangangang sabi ko

Napatingin naman silang lahat sa akin. Gayundin ang lalaking ang mukha ay parang anghel.

"And who the hell are you?"

Wala akong nasabi nang dahan dahan siyang lumapit papunta sa akin. "Speak" siya

"Huh?" Ako

"Ano ang ginagawa ng pulubi rito?" siya

"Anudaw??" Ako

*****
ITUTULOY
*Ms. Ysha*



FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon