Chapter One:
Hay panibagong araw na naman.
d-.-b
Tinatahak ko ngayon ang daan patungo sa aking paaralan. Ito ang isa sa pinakamalaki at pinakasikat na pampublikong paaralan sa buong Laguna. Yes! Public school and i am proud of it kasi maganda naman ang academics dito at tsaka pag nagcollege ka naman tatanggapin ka kahit san ka mang galing na school pero syempre dapat may pera ka kundi nganga.
Habang nasa byahe ako nadaan ko ang isang billboard "Academia De Legaspi " Ang PINAKAmalaki at PINAKAsikat na school sa buong mundo idagdag mo pa na ito ay ang may PINAKAmahal na tuition fee. Ang school na para sa mga mayayaman o kaya sa mga kilalang tao mapaloob man o mapalabas man ng bansa. Hayyy kailan kaya ako makakatapak diyan??
'Malabo pa sa patis labo!!'
Nakarating na ko sa L.H.S ang aking school. Daredaretso lang ako sa building ng mga seniors eto ang gusto ko dito sa school na to wala kasing pakialamanan-
"Shine!!"-agad naman akong napalingon sa tumawag sa akin.
" Uy Sunny ang aga mo atang pumasok? Anong nakain mo?"-pabirong sabi ko dito. My name is Shiney Marie Burgos 17 years of age, senior high school at di masyadong matalino hehehe.
"Oy kambal pumasok na kayo! Ano magbabatian na lang diyan sa labas?? Gosh para kayong nakikipagusap sa salamin!!"-sabi ni Berta/Albert Femia.
"Just shut up bakla!"-sabi naman ni Sunny. Yes she's my twinnie Her name is Sunny Marie. Oha wag ng magtanong kung kailan kami pinanganak -.- at tell ya the truth di kami magkamukha ni Sunny. Pero ang kamukha ko ay si Mirae Marie or si MM my HALF sister, senior na rin siya at siya ang president/miss perfect sa school na ito.
"Tss ang oa mo Berta di ko nga kamukha yan eh"-sabi ko dito, naglakad na kami ni Sunny sa loob siya sa kabilang room at ako naman ay sa kabila rin. Nasa lowest section ako pero sinasabi ko na sa inyo na hindi ako bobo at di rin ako matalino.
Nagumpisa ng magturo ang proffessor hanggang sa mapunta kami sa topic na kung saan daw kami papasok sa college. Excited lang? August pa nga lang eh.
Pero ang pinaka pinag-usapan nila ay ang nagiisang sikat na sikat na sikat na school.
"Waaahh Sir ako gusto ko sa A.D.L para makilala ko ang mga future husband ko!!"
"Omo wahhhhhhhh ang gwapo talaga ni Cheyse!!"
"Mas gusto ko pa rin si Jaeyden"
"Pero syempre sa akin ang hari nd ADL!!"
'Tss parang mga tinutusok naman mga pwet ng mga kaklase kong babae isama mo na rin yung pagkamangha ng mga kaklase kong lalaki. Like duh! Puro away lang naman alam nung mga yun sinasayang lang nila yung gwapo nilang mukha. Di mo naman kasi maitatanggi na sobrang perfect ng grupong yun mga takaw away lamang, na ayoko sa isang lalaki.
"Gosh Shine ang wafu talaga ng boyfriend ko!!"-sabi ni Bert habang niyuyugyog ako ng todo. And kung sinong boyfriend ang sinasabi niyan?? Walang iba kundi ang hari ng ADL , nangarap ang bakla. Eh mukha ngang di marunong makipagusap yun eh.
"Tigilan mo na pagpapantasya mo dun di kayo talo nun"
"Nakow Shine titigilan ko tapos ano? Ikaw nalang ang magpapantasya? Wag kang madamot friend di ka rin naman mapapansin nun waahahha"
>////////<
'Di ako namumula okay'
"Tss tapos mamumula ka diyan??? Eh patay na patay ka rin naman kay Fafa Prince "-pang-aasar pa nito sa akin.