Phoebe's POV
Mahigit isang linggo na ng Yayain ako ng Ate ko na mag aral sa Manila.
At mahigit isang Linggo kuna rin itong pinag iisipan. Gusto ko naman tanggapin iyon dahil isang oportunidad saakin yun na makapag aral ako
Pero hindi kunaman pweding iwan mag isa si Mama sa Probinsya. *sigh*
Magmula ng iwan kami ng papa ko kaming tatlo na nina ate magkasama. Ang kaso lumuwas ng Maynila ang Ate ko para magtrabaho
At doon narin siya nakapag asawa. At ngayon kami nalang dalawa ni Mama magkasama dito sa probinsya.
Naglalakad ako ngayon pauwi galing palengke. Pinag iisipan parin ang alok sakin ng ate ko.
Sa sobrang pag iisip hindi kuna namalayan na nandito na pala ako.
"Anak Yung mga pinabili ko sayo. Nabili mo ba?" Tanong sakin ng mama ko
"Opo Ma, nabili ko po."
Nilagay ko na lang sa mesa ang mga binili ko atsaka na ako dumaretso sa kwarto ko,nakita ko pa si mama na napasulyap sakin pero nginitian ko nalang.
Pagdating ko sa kwarto humiga agad ako*sigh*. Naguguluhan ako hindi ko alam pano ko sasabihin kay mama.
"Tanggapin ko na kaya?" Hayyysss hindi ko parin alam! Nagpagulong-gulong ako sa higaan ko,para tuloy akong baliw dito.
"Kung gusto mo talagang tanggapin iyan,sige lang,hindi kita pipigilan"
Nabigla ako nung narinig ko ang boses ni mama,alam niya?
"Ma,alam niyo po ba?" Sa sobranng pagkabigla ko yun lang ang naisagot ko.
"Sinabi rin sakin ng ate mo. Huwag mo kong intindihin,malaking opportunity na makapag-aral ka doon lalo na't matalino ka" sagot ni mama.
Parang lalo akong naguluhan dun sa sinabi niya.
"Pero ma pano ka?" Tanong ko.
Matagal bago sumagot si mama kaya umupo na ko sa tabi niya at niyakap siya.
"Ma, ayos lang naman po sa akin na dito nalang po ako mag- aral e" tuloy ko.
Nakayakap parin ako sakanya. At hanggang ngayon hindi parin siya sumasagot.
Maya maya naramdaman ko na parang may mainit na likidong pumaparak sa balikat ko.
Inalis ko ang pagkakayakap ko saknya at tinitigan siya. Bigla nalang pumatak ang mga luha ko sa aking mga mata.
"Ma,ayokong iwan ka dito"
Umiiyak nari ako,ngayon ko lang naramdaman ang ganitong sakit hindi ko alam kung bakit ganito
"Anak"sob"kung dito ka lang magaaral wala kang mararating "sob". Andiyan naman ang tita mo,alam ko naman na hindi niya ako pababayaan"sob"
Pinunasan ko ang mga luha ko. Nanlalabo narin ang paningin ko dahil narin sa luha ko.
"Pero Ma--" Hindi kuna naituloy ang sasabhin ko ng bigla siya tumayo.
"Wala ng pero pero anak, mag impake kana . Aalis kana bukas.
At yun na nga wala akong nagawa kundi magimpake. Tinext ko narin ang ate ko,sinabe na pumapayag nako.
-------------------------------
Kinabukasan,maaga akong ginising ni mama,ito na ang araw ng pag-alis ko. Ayoko na sana kaso desidido talaga si mama na idala ako sa maynila.
Nag-aayos na si mama ng mga gagamitin ko ako naman maliligo na,kinuha ko na ang mga susuutin ko.
Simpleng long sleeves lang at pantalon ang suutin ko. Umuulan kasi kaya medyo malamig sakto ang napili kong susuotin sa panahon.
"Bilisan mong maligo baka mahuli tayo. Maaga daw magsasara ang terminal dahil masama ang panahon." sabi ni mama. Tumango na lang ako tsaka na pumasok sa banyo.
Habang naliligo di ko maiwasang di maisip na parang gusto ni mama na umalis nako,sa sobrang pagiisip di ko namalayan na natatapakan ko na yung sabon kaya naman -----
*buggggssssshhh!*
Aray!! Ang shakit!!!! Yung pwit ko aray huhu
"Anak! Anyare?!"tanong ni mama mukgang nabigla din siya,actually hindi pala siya mukhang nabigla,nabigla talaga. Yung mukha di ko mapaliwanag kahit masakit pwit ko ayus lang nakita ko naman yung mukha ni mama na concern haha
Sa biyahe..
Nakasakay na kami sa bus ni mama eto ako ngayon nakatingin sa bintana. Mamimiss ko ang bawat sulok ng lugar na ito.
Maya-maya pa umandar na ang bus nakatingin parin ako sa bintana.
"Mag-ingat ka sa Maynila ah wag kang aalis sa gabi,pag nag-aaral ka na dun wag magpagabi. Huwag ka kung kani-kanino makipag kaibigan iba ang Maynila sa lugar natin ah" bilin ni mama saakin
"Opo Ma, alam kuna man po iyon" sabi kuna lang at tumingin ulit sa bintana. Umuulan parin kaya malamig.
Napagdesisyunan kong matulog at nang paggising ko malapit na daw kami. Kumuha ako ng chi-chirya sa bag ko bumili kami kanina bago umalis para di mainip sa bus habang kumakain nakatingin ulit ako sa bintana medyo tumila na ang ulan.
Pinagmamasdan ko ngayon ang dinadaanan namin ilang minuto na lang titigil na itong bus,ibang-iba talaga sa Maynila. Naglalakihan ang mga building, marami rin kaming nadadaana na mga taong naka-formal suit
Maya-maya pa tumigil na ang bus ilang saglit lang bumaba na kami. Hinintay namin si ate sa isang sulok at ilang minuto lang nakita ko na siya. Kumain lang kami saglit tsaka na umuwi.
-----------------------------------------------------
A/N: please vote&Share. Lovelots! :*
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanfictionPrologue Alam mo yung masakit? yun yung natutunan muna siyang mahalin dun kapa niya iiwan. Ganun ba talaga pag nagmahal? Kailangan mong isakripisyo ang mga bagay bagay para lang sa taong pinaka mamahal mo? Yung bang tipong kaya mong iwanan ang panga...