Chapter2: Start of something new

2 0 0
                                    

Pagka-uwi kumain na naman kami. Tataba ata ako dito.

"Kumain ka ng mabuti ah wag kang mahihiya" sabi ni ate.

At dahil kumakain ako tumango na lang ako puno yung bibig ko ea. Masarap ang ulam namin ngayon luto daw ni ate pero di ako masyadong naniniwala kasi di naman marunong magluto si ate ea.

*buggggsssshhh!!*

Napatingin kaming lahat sa pinto. Maya-maya pa meron isang lalaki na lumapit samin. Matangkad ang lalaking iyon,maputi at matangos ang ilong,singkit din ang mata,naka-blond ang buhok,gwapo pero hindi ngumingiti walang emosyon ang mukha bastat nakatitig lang samin lalo na sakin.

"Who are they?"tanong nung lalaki parang galit at nakatitig parin sakin.

"Ang mama at kapatid ng ate mo."sagot ni kuya Crisanto.

Nung sinabi yon ni kuya parang nag-iba ang aura niya,parang nagalit siya.

"Ano? Magdadagdag ka na naman ng pakakainin mo dito?"sabi niya. Gwapo na sana kaso ang gaspang ng ugali. Halatang nagulat si ate at kuya sa sinabi nung lalake at makikita rin sa mukha nila ang pagkahiya.

"Hoy Clark umayos ka ah! Konting galang naman.-saway ni kuya medyo galit ang tono niya nung sinabi niya iyon at halata rin sa kanya ang pagpipigil ng galit.

Nakatingin lang ako sa kanya ganun din si ate at si mama. Maya-maya umupo ulit si kuya. Napayuko na lang si ate at si mama sumubo na lang ulit samantalang ako sa sobrang pagkabigla at pagtataka hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako,at kinakausap ako na pala ako ni kuya.

"Phoebe! Tinatanong ka ng kuya mo." Sabi sakin ni mama. Napatingin lang ako kay kuya ng may halong pagkahiya.

"Pasensiya na po. Ah kuya ano nga ulit yung tanong mo sakin?"tanong ko kay kuya. Medyo naiilang parin ako,close naman kami ni kuya pero dahil nga ngayon ko lang sila makakasama sa iisang bubong medyo naninibago pa ko.

"Ang sabi ko anong kukunin mong course sa senior high ka? Sabi kasi nung kakilala ko parang college na daw kayo nun ea." Tanong niya. Napangiti ako ng konti excited kasi masyado si kuya ea sa school year na ito grade 10 palang ako.

"Wala pa po sa isip ko yan kuya. Next year ko na lang pagiisipan yon hehe." Sagot ko medyo ngumiti naman si kuya dun sa sinabi ko.

Ilang saglit lang natapos na kami nabusog naman ako,dami ko ngang nakain ea. Naghuhugas ako ngayon ng plato ayaw nga ni ate at kuya ea kabago-bago ko daw dito nagtatrabaho na ko.

Nacu-curious parin ako hanggang ngayon kaano-ano kaya ni kuya Crisanto yon? Wala namang nababanggit si ate na may kasama silang iba sa bahay.

Maya-maya biglang pumasok si ate sa kusina at nilapitan ako. Nagpalit lang siya ng damit naka t-shirt lang siya kanino pero pinalitan rin niya ng long sleeves, napatulala ako sa kanya,namiss ko ang babaeng to.

"Baka matunaw niyan ako ah" sabi niya. Sa sobrang pagka-miss ko sa kanya niyakap ko siya. Para akong baliw kanina pa kami magkasama pero ngayon ko lang siya naisipang yakapin.

"Na-miss kita ate,namiss ko yung mga gabi na sinusuklayan mo yung buhok,yung mga araw na binibihisan moko pati narin yung hinahatid moko sa school. Namiss ko talaga yon. *sob*"

All of a sudden naramdaman ko na lang na pumapatak na pala yung mga luha ko hanggang sa napahagulgul nako sa iyak.

Niyakap ako ni ate at pilit na pinapatahan,ewan ko ba at tuloy-tuloy parin ang pagpatak ng mga luha ko.

"Na-miss din naman kita huwag ka ng umiyak baka lalong mag-alala si mama sayo. Ihahatid lang namin siya ng kuya mo ah,nakahanda na ang sasakyan ea. Tumahan kana hmm." Pinilit kong tumahan pinunasan ko na rin ang luha ko at tumayo na inayos ko na rin ang buhok ko. Mugto narin kasi ang mga mata ko ea.

Ilang minuto pa at tumawag na si kuya hinatid ko na rin sila sa labas. Niyakap ko si mama bago siya sumakay sa kotse naiiyak rin ako pero pinigilan ko lang ayoko na ng drama tsaka masikit rin sa mata ah.

Pag-andar ng kotse pumasok nako. Dumaretso ako sa kwarto na inihanda para sakin ni ate,malaki ito maganda at maraming gamit. Kung sabagay di na nakakapagtataka kasi malaki naman itong bahay ea. Maganda kasi ang trabaho ni kuya tsaka mayaman din ang kanyang pamilya.

Nakahiga ako ngayon sa kama ko nakatingin lang sa dingding first time ko na malalayo kay mama kaya medyo nakakalungkot. Pinipilit kong matulog pero hindi ako makatulog.

At dahil wala nga akong magawa umupo na lang ako sa bintana, tanaw dito ang mga naglalakihang building lalo nat nasa second floor ako. Ibang-iba ang Maynila kaysa sa lugar namin namiss ko tuloy ang probinsiya.

Ilang saglit pa at nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba ako at pumunta sa kusina,binuksan ko ang ref naghahanap ng makakain.


"Nandito ka parin?" Sabi ng lalake sa harapan ko. Humaharap ako at bilang napaurong dahil....




------------------------------------------------------

A/N: Pls vote&Share

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon