Kabanata 1

25 1 0
                                    

"Umuwi ka na dito. Namimiss na kita." Lihim akong napangiti ng narinig ko ang boses ng pinsan ko

" Oo, uuwi kami diyan bukas."

"Kami? Sinong kasama mo?"

"Si Kev. Hindi sasama sila mama kasi busy sila sa negosyo. Susunod ata sila. " sabi ko

"Excited na ako" Yna squeal "Maliligo tayo sa Mag-aso!"

Di ko din mapigilan ma-excite nung narinig ko'ng pupunta kami sa Mag-aso. Ito ay isa sa mga magagandang talon sa Antequera kung saan may malinaw at kulay berde na tubig. 

Pagkatapos tumawag ni Yna, ang pinsan kong babae na nakatira sa probinsya ay hinanda ko na ang mga kagamitan ko.

"Ate tumawag na ba si Yna sa'yo?" Tanong niya at umupo sa kama ko

"Oo. Bakit?"

"Chat nang chat kasi sa'kin, kailan daw tayo babalik doon." Binilingan ko siya

"Mag-handa ka na. Di ko dadalhin ang kotse nila mama, tinatamad akong mag-drive, kaya dapat gumising tayo ng maaga bukas."

Sa totoo lang, okay lang sa akin na magdala ng kotse sa bukid kaya lang baka maputikan ito doon at nakakatamad na masyado pag ako pa ang mag lilinis neto.

"Ako nalang ang magdra-drive." Suhestiyon niya

"Di pwede, 17 ka pa at kahit na marunong ka na, di pa rin pwede."

"Birthday ko na naman sa susunod na buwan." Sinipat ko siya

"Kahit na. Di kapa nakapa rehistro"

Kinaumagahan ay nagising ako sa alarm clock ko na nasa tabi ko lang. Di pa sumikat ang araw, pero kailangan ko ng bumangon kasi uuwi kami sa bukid ngayon.

Lumabas ako sa kwarto para sana katukin ang pintuan ng kwarto ni Kevin para gisingin sana siya, kaso saktong pagbukas ko sa pintuan ng kwarto ko ay nakita kong lumabas siya sa kwarto niya.

"Grabe naman yang alarm mo ate." Sabi niya at kinusot ang mata.

Tumawa ako ng mahina

"Ayos na din yun, di na kita dapat gisigin."

Nag handa ako nang almusal at mga pagkain na dadalhin namin sa byahe, kung sakali kami ay gutomin. Pagkatapos kong magluto ay agad akong umakyat sa kwarto para maligo at mag handa.

Apat na oras akong nakaupo lang sa bus. At sumasakit na ang pwet ko sa kakaupo. Nakikita ko na ang mga malawak na mga taniman, namangha ako sa ganda nang mga tanawin.  Paglabas ko sa bus ay bumungad sa akin ang magandang kurba ng mga bundok. Ang malinaw na asul at puti na kalangitan at ang palengke ng Antequera.

"Tagal din nating hindi nakabalik dito!" Pahayag ni Kevin

Ngumuso ako nang bahagya. Halos limang taon na kaming hindi nakabalik sa probinsya, at sariwa pa rin sa aking isip kung ano ang porma neto five years ago. Walang pag kaiba sa lugar na ito noon at ngayon.

Nakita kong kinuha ni Kevin ang mga maleta namin. Tutulungan ko sana siya kaya lang inunahan na ako nung konduktor.

Pumara ako ng tricycle habang si Kevin ay nakatayo na sa tabi ko, dala yung maleta naming dalawa. May isang tricycle na tumigil sa harapan namin. Pamilyar ang mukha ng driver kaya lang di ko matandaan kung ano ang pangalan niya. Medyo matagal na din kasi akong hindi bumalik dito.

"Oh! Hija! Mabuti naman at naisipan ninyong umuwi dito." Sabi niya at ngumiti sa akin.

"Oo nga po manong buti nalang at nagkaroon kami nang free time para bumisita." Tumango siya at pagkatapos ay napunta ang mga mata niya sa katabi ko 

 Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon