ALAM ko sa mga oras na 'to ay parating na siya. Buo na naman ang araw ko dahil masisilayan ko na naman ang nagpapadagundong ng puso ko araw-araw.Kung ang iba ay pumapasok lang sa school dahil sa kani-kanilang mga allowance well ibahin niyo ako, masipag kaya akong pumasok araw-araw... basta nakikita ko siya.
Si Skyler Lozano... ang lalaking nagpapaulan ng hearts sa paligid ko at siyang dahilan kung bakit nagiging korteng puso ang mga mata ko tuwing nakikita ko siya.
Hay naku Sandy Acosta, push mo lang ng push!
Tinignan ko ang relong suot ko pagkatapos ay muli kong sinulyapan ang entrance gate ng Canter University kung saan ako nag-aaral.
*Dug Dug... Dug Dug*
He's here. Bumilis na naman kasi ang tibok ng puso ko. Kasalukuyang tila nag-blured ang paligid at si Skyler na naman ang tanging nakikita ng aking mga mata.
"Sky." mahinang sambit ko habang nakatingin sa gwapo niyang mukha sa malayo.
Lumukot ang mukha ko nang may babaeng humarang sa daan ni Skyler. Kitang-kita ko nang yumakap yung babae sa lalaking pinapangarap ko. Niyakap rin siya ni Skyler pabalik.
Ang sakit... ang sakit sakit lang. Sa puntong iyon ay bumalik ang reyalidad sa akin. Nawala ang mga puso sa paligid. Dahan-dahan ding kumalma ang pagpintig ng kanina'y dumadagundong kong puso.
May ibang minamahal si Skyler... at iyon ay ang kanyang bestfriend na si Chynna. Alam kong minamahal ni Skyler ang bestfriend niya, nakikita ko 'yon sa kanyang mga mata. Lalo na at wala siyang ibang laging kasama kundi si Chynna lang.
Loner type kasi si Skyler. Pero ewan ko ba, doon pa yata ako naakit sa kanya. Gusto ko yung pagiging tahimik at misteryoso niya.
Wala akong nagawa kundi ang sundan nalang ng tingin ang kanilang paglalakad palayo... hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.
"Sayang hindi ako nakalapit ngayon sa kanya." bumuntong hininga ako at tumayo na sa inuupuan kong bench. Araw araw akong ganito, madalas na nagnanakaw ng palihim na tingin sa lalaking alam kong hinding hindi magiging akin.
Dumulas sa kamay ko ang bitbit kong diary. Dinampot ko iyon at saka pinagpag. I can't loose another crazy memories of my life. Oo puro mga kabaliwan ko kasi ang laman ng diary ko.
Isang taon ko na ring isinusulat ang lahat ng mga kabaliwan ko kay Skyler. Actually pangalawa ko na ito, isang buwan na rin ng mawala ko ang unang diary ko na halos iniyakan ko ng dalawang Linggo.
Pero dahil sa pagsusulat gumagaan ang loob ko eh, kahit nahihirapan at nasasaktan na ako... kaya alam kong hindi doon matatapos ang sinimulan ko. Diary lang naman ang nawala sa akin, hindi iyong pagmamahal ko sa kanya. Kaya eto si Diary 2.0 na handang tumanggap ng mga rejections ko kay Skyler. Haha!
Nasa classroom na ako ngayon, wala pa naman ang professor namin kaya naisip kong isulat ang nangyari kanina sa gate.
Kahit wala lang naman talaga 'yon... isusulat ko pa rin.
Hindi pa man sumasayad ang ballpen ko sa diary ko ay biglang nahagip ng paningin ko ang lalaking kapapasok lang ng classroom.
Heto na naman siya. Ang lalaking walang sawang ginagawang katatawanan ang kanyang sarili para lang pasiyahin ako. Ang pinsan ni Skyler na si Brix.
I have no choice dahil araw araw ko talaga siyang nakikita dahil classmates kaming dalawa. Minsan natutuwa naman ako sa kanya, likas na masayahin kasi siya. Sa totoo lang mas lalo nga siyang gumagwapo kapag tumatawa siya.
BINABASA MO ANG
Mahal ko o Mahal ako (One Shot)
Short Story(One Shot) Mahal ko o Mahal ako Sino nga ba ang dapat kong piliin? Ang lalaking pinakamamahal at inaasam ko? o Ang lalaking handang ibigay ang lahat para lamang mahalin ko? (Inspired by the song "Mahal ko o a Mahal ako" of Kz Tandingan) A Short Stor...