Hindi mo ba ako naririnig?..
O sadyang nagbibingi-bingihan ka lamang..
Sa aking mga bulong at pagpapaalaala;
Hinggil sa mga kahihinatnan ng iyong pambabalewala.
Kasama mo akong nahubog sa paglipas ng panahon;
Naging batayan, at tagapag-usig ng iyong mga desisyon.
Ano nga ba ang nangyari ay ikaw ay nagbago?
Hindi mo na ako kinikilala,at ibig mo na akong maglaho.
Hindi ka ba natatakot?
o nakakadama ng kilabot?..
Lumilikha ka ng halimaw sa mga gawa mong baluktot?
Ano kaya ang iyong kakahihitnan pagdating ng bukas?
Kung ikaw naman ang makadama ng iyong mga ipinaranas.
Nawa'y umaasa akong hindi mo ako papaslangin.
Matuto ka sanang ako'y muling lingapin;
Nang sa ganoon maisalba mo pa iyong sarili;
at maaga kang makapagsisisi.
* Konsensya*
para sa mga "halang" ang mga kaluluwa..