Chapter 7 - Team

163 12 4
                                    

CHAPTER- 7 Team

J A N E L L A

Pagkatapos naming kumain pumunta kami dun sa bundok para umakyat, kasi may manmade cave don sa taas, may mga magaganda daw kasing nakaukit doon, tapos pwede ka ding mag ukit don.

"Guys wait ang sakit na ng paa ko" sabi ni Julia kaya napatigil kami

"upo muna tayo saglit don oh" tinuro ni Ronnie yung bato bato na pwede naming maupuan.

"oh, baka nagutom na kayo"
nag abot ng biscuits samin si McCoy, tapos binuksan niya din yung biscuit niya.

"wow ha! boyscout! thanks" sabi ko kay McCoy nang nakangiti.

"hahaha, mataas din kasi to, nakakagutom pag inakyat kaya nag baon ako" -McCoy

"wala ka bang patubig diyan McCoy? nakakauhaw eh hahah" -Nikko

"ayun pare oh, kanal" -sabi ni Ronnie  Kaya nagtawanan kami

"isipin mo nalang coke! hmmm! yummy! taste the feeling! hahaha" sabi ni McCoy kaya nagtawanan ulit kami.

"eto oh baso" -nagabot ako ng baso kay Nikko, napulot ko lang yun sa may gilid ko. Natawa sila, yes may naka- appreciate ng joke ko kunwari, thanks sa support guys!

"girl scout ka din ah! bagay talaga kayo ni McCoy!" -Nikko

"yieeee! McNella!" -Sigaw ni Jane kaya siniko ko siya sa tagiliran.

"Tara na nga! baka magdilim na oh! malapit na din naman tayo sa cave!" pagyayaya ko, kaya nagsitayuan din sila

Habang naglalakad kami papuntang cave may nakita kaming nagtitinda ng water, yes naman! ready sila!
kaya bumili kami kasi uhaw na uhaw kami, sinisi nila si McCoy kasi di daw tubig yung dinala, pagkain pa daw, eh may kailangan ang tubig, ang reason naman ni McCoy ay "eh mabigat yan eh, mas magaan ibulsa yung biscuit, atsaka bakit nga ba hindi tayo nagbaon ng tubig eh alam naman nating nakakapagod umakyat ng bundok?"

sabi naman ni Nikko "kasi shungers tayo"

"duh! ikaw lang kaya!" -Julia

"ano---" hindi na natuloy ni Nikko yung sasabihin niya kasi pumagitna si Ronnie at McCoy

"Tama na baka mauwi pa to sa boxing ring! tara na" -pagbibiro ni McCoy

Naglakad na kami, finally narating na din namin yung Cave!

"ang gandaaaa!"  sabay sabay naming sabi, ang ganda kasi talaga, parang hindi man made.

Naglalakad kami na may hawak na flashlight kasi siyempre madilim, para makita namin yung daan at saka yung mga nakaukit.

"wow oh tignan niyo to ang ganda" may tinuro si Jane na magandang nakaukit don sa cave, actually lahat naman maganda

"aaaaaah!" nagulat kami sa pagtili ni Julia

"bakit?" -tanong ni Nikko

"May dumaan kasing bats" hinila ni Nikko si Julia papalapit sa kanya, at hinawakan siya.

"okay ka lang?" tanong ni Nikko

"yieeee! ang caring mo naman! hahahah"  pang aasar ni Ronnie at McCoy kaya napabitaw si Nikko kay Julia

"aray naman!" sabi ni Julia

"hehehe sorry" si Nikko

Naglakad lang kami ng naglakad sa cave, nang makalabas kami , sinabi na samin kung saan kami pwede magukit.

Summer Love (Janella Salvador & McCoy De Leon FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon