BINTANA (One-Shot)

89 5 7
                                    

 Heto na naman ako, nakatambay at nakapalumbaba sa aking bintana.

 Nag-aantay at nag-aabang sa paglabas ng gwapong binata.

Nagbabakasakaling mapansin kahit paano.

Kahit masulyapan lang ako kahit tatlong segundo, masaya na ako.

Nagmamasid lang ako at nakikiramdam kung lalabas na siya sa kanilang bakuran.

Matagal ko na siyang pinagmamasdan, sa tuwing siya'y daraan o kaya sa tuwing siya'y naglalaro ng basketball kasama ng kanyang mga kaibigan.

Ewan ko ba kung bakit? Kung bakit  ako sa kaniya'y naaakit?

Maliban sa siya'y matipuno, matangkad, maputi at singkit,

Napipiho kong siya rin ay maginoo't mabait.

Mga katangiang gusto ko sa isang lalaki.

Pero, hindi ko naman alam kung ako ba ang tipo niyang babae.

Nahihiya kasi akong lapitan siya at kausapin. Ano naman ang dahilan ko kung sakali?

Baka isipin niya na makapal ang mukha ko, dahil feeling close ako masyado.

Mukhang maaga ata siya ngayon, sayang naman ang pagkakataon.

Wala man lamang akong inspirasyon sa buong maghapon.

Natigil lang ang aking pagmumuni-muni, nang may kumatok sa tindahan at bibili.

Dali-dali na akong bumaba para siya'y tindahan, pagbukas ko naman, ang kaibigan ko palang si Anne.

"Anong bibilhin mo, Anne?"

"Ah, wala, mangangamusta lang. Napansin ko kasing mag-isa ka, atsaka parang may inaantay ka, ha?" nanunuksong wika niya.

Alam kasi nito kung sino 'yung crush ko. Ang masaya pa, pinsan niya ito.

"Ah, wa-wala... wala naman ano," pagtanggi ko, kahit alam kong buking na ako.

"Asus, kunwari ka pa. wala si Kuya Trey, maagang nag-jogging kasama nila Kuya Andrew at ng mga ka-teammates niya. Naghahanda na sila sa nalalapit na paliga."

Oo nga pala, malapit na ang fiesta. Ibig sabihin lang 'nun, malapit na rin ang liga.

Haay, pagkakataon ko naman para siya'y makita na maglaro, for sure, siya na naman ang titilihan ng mga manonood especially the girls and gays. Magaling kasi talaga siya. alam ko 'yon, ikaw ba naman ang palaging nakamasid tuwing naglalaro siya sa kanilang bakuran. At talaga nga naman, kahit siya'y pawisan, gwapo pa rin siya at mukha pa ring mabango.

"Ah, ganoon ba? Kaya pala wala siya," wala sa loob kong sabi.

"O, wag ka na malungkot diyan. Nandiyan na nga sila o, paparating na. at mukhang dadaan pa dito para bumili. Pagkakataon mo na, yihhiiee," panunukso niya. Hindi pa nakuntento at tinawag pa niya ang mga ito para daw magmeryenda. For sure, may binalak na naman ang bruha.

"Kuya Andrew , Kuya Trey and company, baka gusto niyo muna magmeryenda?"

Naku, naman talaga si Anne oh, ipapahamak pa ako.

"Bakit, libre mo?" tanong ng kuya nitong si Andrew.

                "Huh?! Asa pa u," wika naman ng babaitang ito. Saka binalingan si Trey na ngayon ay nakaupo sa upuang laan para sa mga bibili. "Kuya Trey, ikaw nalang manlibre, alam ko marami kang pera ngayon, kasusuweldo lang kasi kahapon."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BINTANA (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon