MAUI's POV*TOK*! *TOK*! *TOK*!
"Erhm.." na alimpungatan ako sa malakas na katok pero hindi ako na tinag. Nanatili akong naka higa.
"MISS MAUI? YUUHOOO?! ABA GUMISING KA NA MISS MAUI. BAKA GUSTO MONG MAULANAN?"
"Hmm? Malunan ng?.." tamad kong tanong ng naka pikit parin
"NG NAGLELEYONG TUBIG 'DAY! NAG YEYELO! UMUUSOK PA 'DAY!"
"tch. Ok." Umikot ikot pa ako sa kama atsaka niyakap yung unan ko ng sobrang higpit atsaka huminga ng malalim na malalim na maLAAAL--
*SPLAASHH!!*
"HUUUUUUTAANG INAAAA!" Sigaw ko sabay napa tayo at gulat na nakitang nasa harap ko si Rosia na may hawak na balde.
"Sabi mo miss Maui ok, eh. Masunuring mamamayan ng Pilipinas si Ako kaya't nagawa ko yan! Masunurin ko talaga. Meron akong dagdag sa sahod ko ha? Hahah--"
"GET OUT!" Sigaw ko na halos maputol na lahat ng ugat ko sa leeg habang naka duro sa pinto. Ugh! Basang basa na tuloy yung kama ko. Puuuuuu--
"Late ka na kaya. Wag ka ng sumigaw at kumilos ka n--"
"I SAID. GET. OUT. NOW!!" alam kong natinag siya sa sigaw ko. Pero wala akong pakielam sa kanya ngayon. Hindi niyan mawawala ang pagka badtrip ko, umagang UMAGA!
Nag derederetso siya sa pinto ng hindi ako nililingon, pero bago siya tuluyang maka labas narinig ko pa siyang may sinabi. Tch.
"Ang sungit ni ma'am. May dalaw ata ang loka. Hmp!" At saka tuluyang sinara ang pinto.
"AAARRGH!! GET OUT OF MY LIFE ROSIAA!" pinag bababato ko ng unan yung nakasaradong pinto na nilabasan ng walangya. Punyemas ang aga aga. Uggh!
Buti nalang hindi nabasa yung laptop at yung headset ko sa side table. Huta pagnangyari 'yon papa-massacre ko pamilya ni Rosia.
Puno ng sama ng loob akong natapos sa pag aayos ng bumaba ako para kumain. Nadatnan ko ang bruha sa kusina na pinapagalitan ang ibang katulong. Tsk, really? Pinag mumukha niyang amo ang sarili. Pathetic.
"Haw meni tayms do ay hab tu sey na hende nakalagay diyan yan? Ar yu dat stupida? May gahd." Ani pa ng walangyang Rosia.
"Sorry BosZxs Rosia123. Eto na po!" Tsk tsk. Bukas na bukas din ay palalayasin ko na lahat ng katulong ng mag hirap ang kanilang BosZxs Rosia. Masyadong hambog.
Kumain na lang ako ng matiwasay kahit pa nakakarindi yung sigaw ng brosia.
Nakagawian ng parents kong mag breakfast sa room nila dahil sa sobrang dami nilang works. Yeah right. As always naman eh. Anyways, kailangan ko paring daanan ang aking mga magulang bago pumasok dahil sigurado akong mag susungit nanaman ang magaling kong ina pag hindi.
Walang sabi sabi'y pumasok ako sa work room ni Dad. Sanay naman na siya pag ganito ginagawa ko.
"Dad-- mom?" Hindi ko alam na magkasama pala sila ngayon. Pero dahil sa abala sila hindi nila ako napansin.
"Honey, nakita mo ba 'yung salamin ko? Kanina pa ako hanap ng hanap eh hindi ko makita." Na pa facepalm na lang ako sa katangahan ni Dad.
Natigil si Mom sa ginagawa niya at tumingin kay Dad ng nagtataka. "Isuot mo kasi 'tong salamin mo para makita mo'ng hinahanap mo." Sinuot ni Mom yung salamin ni Dad na nasa ulo lang niya. Tss.
"O'nga pala" para talagang tangang sabi ni Dad. Nag tuloy siya sa paghahanap habang pinagmamasdan siya ni Mom.
"Wala... hindi ko talaga makita yung salamin ko." Napapakamot sa ulong sabi niya pa. Mukhang dismayado.
BINABASA MO ANG
The Story
Fanfiction[X] True to life WARNING: Please be aware that there is no stable Updates of chapters. Ok lang po kahit walang votes or comments. ok na sakin yung may nag babasa, at least diba? Enjoy kayo!