Ma'am, hindi parin po siya lumalabas ng kanyang kwarto. Tama po kayo,kanina pa nga po siya nandito, mga alas-tres pa po ng hapon siya nandito sa aking pagkakatantya.
Kring! Kring! Kring!
(Paulit ulit lang ang pagtunog ng kanyang iphone pero hindi niya ito sinasagot. Iniirapan lang niya ang kanyang iphone.)
Knock! Knock! Knock!
Jiesha, anak, can I enter your room? Please open the door anak...
Mom,please,not now. I want to be alone. (Sabay punas sa mga luha nito sa kanyang mukha.)
C'mon anak! Open the door and come down with me for the dinner. You should eat.
Wait anak...are you okay?
I'm full ma. I'm not hungry. I'm busy right now. I have something to be busy with. Please just leave.I'm fine.
But Jiesha---
Please mom, just leave me. Kayo nalang po ang kumain ni Dad. Please!!!
Okay anak, I'll just let yaya to give your food here, hah?
(Hindi na sumagot pa si Jiesh. At tuluyan naring umalis ang kanyang ina at hindi na sya inantay pang sumagot.)
Hon, where's Jiesha? C'mon let's eat. Hindi ba siya sasabay saating maghapunan?
Ayun. Nagkukulong sa kwarto. Ayaw pa daw niya kumain.
What!? How could our daughter---
(Pinutol niya agad ang sasabihin ng kanyang asawa)
Busog pa daw. Busy. Ewan ko ba dyan sa anak natin.
Esha, dapat hindi nagpapalipas ng gutom yang batang yan!!! Yaya pakitawag nga si---
Hon,kalma lang. Papadalhan ko nalang sya ng food mamaya kay yaya. Wag ka na mag-alala,okay? Baka busog pa talaga, hayaan mo na muna.
Ang saakin lang naman eh ayokong nagpapalipas siya ng gutom. Gusto ko rin na sabay-sabay tayo sa pagkain.
Uhm, excuse me ho ma'am, sir. Nandyan ho si Sir Harry Gutierez sa labas.
O sige ho manang,papasukin niyo ho. sabi ni Sir Jino
(Sya nga po pala, si Mr. Harry Gutierez ang father ni James Gutierez. Isa sya sa may ari ng kompanya ng pagawaan ng chocolates sa iba't ibang bansa, ang Hersheys Industry. Hindi niyo na rin po ipagtatanong, si Esha Californe ang mommy ni Jiesha Californe at daddy niya si Jino Californe. Uhm... JIno+ESHA=JIESHA !!! Ooh diba? hahaxD ayos nuh? )
James' POV
Sir, ito na po ung librong pinapahanap niyo sa libraby.
Ah, sige po manang, pakilapag na po ninyo dyan sa mesa. Thanks po.
Makakaalis narin po kayo manang.
Ano na kaya nangyayari kay Jiesha ngayon? Bakit hindi man lang siya sumasagot sa mga tawag ko? bulong ng kanyang kabilang isipan. Haszh James! Baka naman naoffened mo siya. bulong nanaman ng kanyang kabilang isipan. Pero...bakit naman siya maooffened dun? bulong nanaman ng kabila niyang isipan. (hanggang sa nagkokontrahan na ang kanyang magkabilang isipan. hindi na nya alam ang gagawin, iisipin, akala niya'y naintindihan lang sya ni Jiesh at suportado lang ito sakanya.)
Naputol ang pagiisip nito ng biglang tumunog ang kanyang SAMSUNG GALAXY S4.
Dali dali niya naman itong kinuha at tinignan.