MULI

50 4 2
                                    

Naranasan mo na ba magmahal? Kung ako tatanungin niyo, OO. Hindi ko naman kasi alam na lumalalim na pala. Syempre, nagumpisa ang lahat sa pagkahanga ko sa kanya. Hindi ko rin naman alam kung bakit siya nagkagusto sa akin.

***

Isa lang naman kasi ako sa mga babae sa klase namin na tahimik at may konting kaibigan lang. Pero ikaw? Ikaw yung lalakeng hinahangaan ng lahat. Paano kasi... Gwapo, matangkad, moreno, singkitin ang mata at magaling ka pa sa basketball at dahil dun, marami kang kaibigan. May pagkayabang ka rin pero kahit papaano mabait rin.

Ilang years rin narin tayong magkaklase pero madalang mo lang rin akong kausapin. 4th year na rin tayo ngayon kaya naman ay masasabi kong 4yrs na kitang crush, mahal at classmate. Siguro kapag may groupings lang o di kaya may itatanong ka lang sa akin kaya kita nakakausap. Nagiging masaya na ako sa simpleng conversations natin- ganun talaga siguro kapag crush mo yung tao. Pala-asar ka rin pero syempre kapag babae inaasar mo, imbis na mapikon ay kinikilig pa sila. Minsan ay nakakainggit rin dahil buti pa yung iba napapansin mo- paano kasi ako? Hindi kasi kagandahan.

Sa klase natin, marami ka na ring naging crush. May time pa nga na naging crush mo ang bestfriend ko. Syempre, yung bestfriend ko lang napansin mo- hindi nga kasi ako kagandahan. Alam nung bestfriend ko na crush kita kaya hindi ka niya pinansin. Pero naging masaya rin naman ako nung nagkahanga ka sa bestfriend ko. Paano kasi ako ang ginagawa mong tulay para mag-usap kayo- naging masaya ako dun dahil nagkakapag-usap tayo. Medyo baliw noh? Ganun siguro talaga. Hindi rin naman nagtagal at sumuko ka na sa bestfriend ko. Paano kasi ay ayaw naman sayo ni bestfriend. Nalungkot ako at natuwa rin kasi may pag-asa ulit ako sayo! ;)

One time pa nga sa buong years na naging magkaklase tayo, naging seatmates din tayo. Kaso one time lang. For 4 years, ONE TIME lang. Nakakalungkot isipin pero ganun siguro ang tadhana. Hindi sumasang-ayon sa nararamdaman ko. Sa buong assessment na yun, tuwang tuwa ako dahil isang beses ka lang din nag-absent nun. Feeling ko tuloy ay pumapasok ka dahil sa akin- assuming lang? May time din noon na hindi mo gets yung topic sa Math at sa akin ka lumapit dahil sabi mo, ako ang malapit sayo. Natuwa ako nun na medyo kinabahan pa kasi ang lapit mo sa akin.

Kapag intrams sa school natin hindi ko talaga pinapalampas ang mga games mo. Alam ko sa buong high school natin ay ikaw ang naging MVP sa dalawang taon natin. Sayang at hindi ito nagpatuloy pa. Naalala ko pa yung time na na-injured ka. Halos lahat ay nag-alala sayo at syempre kasama ako dun. Hindi ka tuloy nakapag-laro sa sumunod niyong game at natalo pa kayo sa Championship. Ikaw talaga nagbubuhat sa team niyo noh?

Naalala ko magaling ka rin palang sumayaw at isa pa yun sa hinangaan ko. Siguro nung nakita kitang sumayaw, nawala sa isip ko yung ideal crush ko na dapat ay magaling kumanta. Okay rin pala yung magaling sumayaw eh. :D

Minsan pa nga ay sabay pa tayong pumapasok ng classroom dahil sabay tayong nakakapunta sa school. Natutuwa ako nun dahil kahit hindi ka nagsasalita, nasa tabi naman kita at sabay tayong naglalakad.

Meron pa nga yung time na nakipag-chat ka sa akin. Natuwa ako nun kahit na nagtanong ka lang assignments natin at kung may quiz ba bukas. Syempre dahil may conversation na tayo!

Adik na nga talaga ata sayo noh?

Ang paghanga ko sayo ay mas lalong lumalim. Paano ay madalas mo na akong pansinin non. Nag-assume nga ako na may crush ka sa akin eh! Pero naisip ko nun na crush mo yung isang nating kaklase kaya imposibleng mangyare. Siguro ay gusto mo lang talaga ako maging kaibigan nun.

Pero nung nag3rd year tayo, nagtapat ka sa akin. Nagulat pa nga ako nun dahil sino bang magkakagusto sa akin? Syempre magugulat talaga ako dahil ikaw pa yun. Ikaw pa ang nagkagusto sa akin.

Hinayaan kita manligaw sa akin. Araw-araw ay hindi nawawala ang ngiti sa aking mga labi dahil sayo. Naalala ko rin nung pinakilala kita sa parents ko. Dahil kilala ka nila, napadali sa akin na ipakilala kita. Lagi kasi akong nagkwekwento kila mama at papa. Lagi kitang kinekwento. Minsan nga ay kinikilig sila at minsan ay binibiro ako na hindi mo naman ako mapapansin dahil bruha ako. Grabe noh? Hahaha.
Naging close kayo agad ni papa dahil pareho kayo ng hilig. Ang basketball. Si mama naman? syempre boto sayo. Ang bait mo kasi!

Ipinakilala kita kila mama pero ikaw, hindi mo ako pinakilala. Sabi mo kasi ay nasa abroad ang mama mo at ang tatay mo naman, iniwan kayo. Nalungkot ako nun- buti nalang at naipakilala mo sa tita mong nag-aalaga sayo. Nagulat pa nga ako nung in-add ako ng mama mo sa facebook. Hindi mo naman kasi sinabi na kinekwento mo pala ako sa kanya. Dahil dun, natuwa ako!

December 12. Yan yung araw na sinagot na kita. Birthday mo rin kasi ang araw na yan kaya naman ay naisip kong ang regalo ko sayo ay ang matamis kong oo. Ang corny mo pa nga nung time na yan- pero kinilig rin ako at natuwa dahil nakita ko ang ngiti sa labi mo pati na rin ang mata mong puno ng saya.

Sabi nila ang swerte mo daw sa akin dahil mabait ako at maalaga. Ang sabi ko naman, hindi lang ikaw ang swerte.. syempre ako din. Paano ba naman? Boyfriend ko ang pinakagwapong lalake na hinahangaan ng halos lahat ng tao sa school. Hindi ba nila alam na ikaw ang maalaga? ikaw pa nga ang magsabi sa akin na mag-aral ako dahil may exam bukas. So sa tingin ko, ikaw ang sobrang mabait!

Dumating ang graduation natin. Masayang masaya ako, dahil 2years na tayo non. At syempre, masaya rin ako kasi gagraduate na tayo! 4 na taon nalang at matutupad ko na ang pangarap kong maging architect at ang pangarap mong maging piloto. Pero napansin ko na may problema ka nung graduation day natin. Sabagay, napansin ko na yun nung practices palang natin. Minsan nga ay ang cold mo sa akin nun. Akala ko ay masama lang ang pakiramdam mo kaya hindi kita kinukulit.

Nalungkot rin naman ako nun kasi ang lapit mo nga sa akin, pero feeling ko may nakaharang na pader sa pagitan natin.

Natapos ang graduation ceremony kaya naman ay pinuntahan na kita agad. Kaso..

Wala ka na.

Nalaman ko nalang na flight mo na pala nung time na yon.

Pupunta ka ng states kasama ang mommy mo.

Dun ka na mag-aaral.

Iiwan mo na ako.

Paano ang pangarap natin?

***

Ilang taon na rin ang nakalipas pero alam mo ba? Naghihintay parin ako.

Nagbabakasakali na babalik ka pa. Para sa akin. Pero ngayon? Nawalan na ako ng pag-asa.

Paano kasi... Pinalitan mo na ang status mo sa facebook. Tinggal mo na ang pangalan ko sa timeline mo at pinalitan na ng bago.

Siguro nga ay isa ka lang sa experience na mararanasan ko. Isa ka lang sa past ko na kailangan ko ng makalimutan.

Siguro ay tinadhana ka lang na saktan ako para matuto na sa susunod ay alam ko na ang pagkakamali ko.

Hanggang sa MULI.

Beatrice Leanne C. Lopez
X
Adrianne D. Gomez

*************************************

April 2016

MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon