WAG KANG LILINGON! (Oneshot)

75.5K 1.1K 362
                                    

Written by: Jobs

-------

"Ay pusa! Wag dyan may kiliti ako dyan." Bulalas ko habang parang tangang humahangikgik. Pero wait a minute kapeng mainit! Parang matalim na bagay yata ang nakatusok sa likuran ko. Kaya bigla akong kinabahan.

"Wag kang lilingon kundi gigripuhan kita." Banta ng halimaw na nasa likuran ko.

“Oo na! wala panaman akong balak magpakamatay no? Mahal ko buhay ko. Ano bang kailangan mo ha? “. Mataray kong sagot sa hinayupak na lalaking nasa likuran. Wag kayong magtaka kung bakit nalaman kong lalaki to. Halata naman kasi sa boses nya.

Tsk! Kala naman nya matatakot ako? PWES! Tama sya natatakot talaga ako. Kanina pa nga ako nanginginig sa takot eh. Feeling ko konting galaw ko lang siguradong goodbye Philippines na ang beauty ko. Haist!

"Ibigay mo ang wallet mo ngayon na!"

"Nagmamadali may lakad ka? Wait lang naman."

"Bilisan mo." Utos pa nya.

"Oo na wait ngalang diba? Eto na nga oh?" Sabay abot ng wallet ko. haist! Kabibigay palang naman ni daddy ng allowance ko tapos na holdup agad ako? Ang malas naman ng Monday ko. Tsk!

"Oh!! Wag ka sabing lilingon eh." Iritang sabi ng lalaki

"Sorry naman na-curious lang ako." Bigla kasi akong lumingon pero na harangan nya agad yung muka ko gamit ang kamay nya. Pero in fairness ha? Ang bango at ang lambot ng palad ni kuya. Parang sa mayaman. Baka naman kaya sya nang-hoholdup kasi wala na syang pang biling lotion? Ay! Nakapagisip pa talaga ako ng mga ganitong bagay sa ganitong klaseng sitwasyon. Natatawang sabi ko sa sarili ko.

"Oh!" Sabay abot ng wallet ko pabalik saken. Ngek! Mukang may kunsensya si kuya ah. Binalik pa talaga ang wallet ko ha?

"Wag kang lilingon ha?" Babala pa nya.

"Okay! Fine!" Sagot ko.

Maya-maya lang naramdaman kong wala nang tao sa likuran ko. Kaya Nakahinga na ako ng maluwag. Hay! Thank you lord walang anumang nangyari sa beauty ko.

Habang naglalakad ako chineck ko ang wallet ko baka nga nagtira pa sya. Oh! Wait! Mukang wala namang syang kinuha ahh? "Ay! Shet! Meron pala yung PICTURE ko!!" Bakit naman picture ko ang kinuha nya? Ohhh wag mong sabihing tinablan si kuyang holdaper sa beauty ko kaya imbis na pera ang kunin nya picture ko nalang Hahaha or baka naman ipapakulam nya ako?. Oh may! Shemay! Wag naman po sana. Huhuhu

------

"Grabe naman pala nangyari sayo kanina. Buti okay ka lang? haist! Naisumbong mo na ba sa mga pulis? Naku napaka lapit mo naman sa disgrasya besh." Mahabang litanya ni Grace bestfriend ko. Nakwento ko pala kay bessy ang nangyari sa akin kanina.

"Oo nga besh eh, low profile na nga ang peg ko. Pero okay lang picture lang naman kinuha nya eh tsaka hindi naman nya ko sinaktan."

"Well?? Tama ka naman dyan. Basta mag-ingat ka nalang okay?"

"Oo, thank you sa pag-aalala ha?" Nakangiti kong sabi.

"Oo naman Kristine, what are friends are two diba?"sabi pa niya sabay peace sign.


--------

"Wag kang lilingon." Bulong sa aken ng lalaking nasa likuran ko.

Tsk! Nanaman?? Yung totoo trip talaga ako ng mga holdaper? At take note sya nanaman to. Yung nang holdap saken last Monday. Hay! Kilala ko na kasi ang boses nya. Kung hindi lang nya ko hinoholdup siguro kikiligin ako ang gwapo kaya ng boses nya. Hehehe

WAG KANG LILINGON! (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon