Franz's PoV
Time check: 5:30 PM
Tapos na ang klase and napagisipan naming apat na gumala muna tutal wala na namang pasok bukas. Kaya pumunta kami dito sa park malapit sa school. Hindi na namin kasama si Dale kasi pinapauwi na daw siya ng mommy niya.
Nakaupo kami sa isang bench dito na tila dinadama namin yung hangin. Nakapikit ako ngayon at ramdam kong ganun din naman yung tatlo. Ganto talaga kami pag nasa park. We wanna relax.
"Tara magfishball" biglang sabi ni Hea
"Oo nga naamoy ko rin eh" sabi naman ni Kait
"Tara tara!" Sabi ko naman. Favorite ko kasi ang fishball hihi.
Tumayo na kami at lumapit dun kay kuyang nagfifishball.
"Kuya sampung piso nga pong fishball" sabi ko
"Sampung piso pong squidballs sakin" -Hea
"Tiglimang piso po ng kikiam at fishball sakin" -Kait
"Ikaw Jamie ayaw mo?" Tanong ko kasi di naman siya umorder
"Ah. Diba di ako nakain nan?" Sabi niya naman. Oo nga pala ayaw niya talaga neto. Mapili to sa pagkain eh.
"Ge bahala ka magutom diyan" sabi naman ni Hea
Pagkatapos namin bumili ay bumalik kami sa inupuan namin kanina.
"Jamie ang sarap kamo neto bat ba ayaw mo? Nakatikim ka na ba nito dati?" Sabi ni Kait
"Eh di pa" sabi ni Jamie na nagdadalwang isip pang sabihin
"Eh ayun naman pala. Osha tikman mo tong kikiam" sabi ni Kait at binigyan si Jamie ng kikiam
Ngumuya nguya ng konti si Jamie.. nakatingin kaming tatlo sa kaniya para makita kung anong reaction niya.
"Hm..pwede na?" Sabi niya
"Eto fishball. Masarap to" sabi ko naman sabay bigay ng fishball
Ngumuya siya ulit.
*Pwe pwe* "Di masarap Franz ayoko nan" sabi ni Jamie at nalungkot naman ako. Ang sarap kaya ng fishball. Diba? Diba?
"Eto squidball. Promise masarap to" sabi naman ni Hea at binigyan si Jamie ng squidball.
"Hmm. Sarap. Squidball pinakamasarap sa tatlo. Penge pa Hea" sabu ni Jamie
"Ayoko nga. Bumili ka ng sayo. Pinatikim lang kita" sabi naman ni Hea at iniwas yung baso ng squidball kay Jamie
"Ahahahahaha" tawa naming dalwa ni Kait
"Ge na nga bibili lang ako" sabi ni Jamie at tumayo
Nagtinginan kamig tatlo at alam na namin kung anong iniisip ng bawat isa mwehehe. Tataguan lang naman namin si Jamie.
Si Jamie kasi lagi yung nabubully sa tropa.
"Dun tayo sa may likod ng halaman" sabi ni Hea
"Oo nga para makita rin natin si Jamie kung anong gagawin hihi" sabi naman ni Kait. Tuwa nanaman tong isip bata na to hahahaha
Pumunta kami dun sa likod ng halaman. Tas nagulat kami sa nakita namin kasi may nakaset na drums at tatlong gitara. Mukhang may event dito kanina at hindi pa inaayos to.
Ohmaygad. I know what they're thinking. Pare parehas nanaman kami ng iniisip.
Naisip namin na tumugtog dun. Wala na namang gaanong tao dito. Mga 10 lang naman.
BINABASA MO ANG
ONGAKU
Teen FictionON means SOUND GAKU means ENJOY We wouldn't enjoy life without sound, without MUSIC. You'll appreaciate Music more if you'll read this story. ONGAKU~