Dear Crush © 2013 by iLoveMcFloat.
Dear crush,
Hi crush! Kamusta ka? Ako, okay lang.
Alam mo, napakagwapo mo talaga. Hindi ko maikakaila na sa unang beses pa lang na nakita kita, iba na ang naramdaman ko. Simpleng araw lamang iyon, ngunit nang makita kita, may kakaibang pakiramdam akong nadama, at hindi ko na nakontol pa ang tibok ng aking puso. Kung ano man iyon, isa lang ang sigurado ako: sayo ko lamang iyon naramdaman dahil ikaw lang ang nag-iisang tao na may kakayahang pagwalain ang aking puso, isip, at kahit isama mo na ang atay, balun-balunan at laman loob ko. Natatangi ka. Isa kang sining. Isa kang obra.
Wala nang mas sasaya pa nang maging kaibigan kita, kahit na sa Facebook lang iyon nagsimula. Dahil sa simpleng friend request mo lang, nabuhayan na ako ng loob at nagpatuloy na nang nagpatuloy ang ikot ng mundo ko. Simula nang i-accept mo ang friend request ko, para bang nagkaroon ako ng koneksyon sa iyo, at kahit sa simpleng bagay lamang na iyon ay okay na ako. Sapat na ako.
Minsan, iniisip ko kung paano kapag naging boyfriend na kita. Ewan ko ba, siguro dahil gustong gusto lang talaga kita at hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag-imagine. Ano kayang feeling? Ano kayang tawagan natin? Palagi siguro tayong magkasama. Siguro napakasarap sa pakiramdam nun.. 'yung makasama ka at malaman na sa akin ang puso mo.
Kapag kaya naging tayo, bibigyan mo din ako ng ganitong letters? Yung mga tipong may pick-up lines pa. O kaya naman, bibigyan mo kaya ako ng flowers? Teddy bear? Chocolates? Yayakapin mo kaya ako pag nalulungkot ako? Kakausapin mo kaya ako gabi gabi sa phone? Itetext mo kaya ako ng 'Kumain ka na?' o kaya ng 'Ingat ka!' tapos may smiley o emoji pa?
Wag kang mag-alala, alam ko namang imagination lamang 'yun, at malabong mangyari. Hindi naman ako umaasa, dahil masaya na ako sa kung ano man ang mayroon tayo, kahit pagkakaibigan lamang.
Mahirap rin kasing umasa lalo na at hindi ko rin alam kung ano ang pwedeng mangyari.
Kapag ba nalaman mong crush kita, lalayuan mo ako?
Kapag ba nalaman mong crush kita, iiwas ka na?
Kapag ba nalaman mong crush kita, hindi mo na ako kakausapin?
Kapag ba nalaman mong crush kita, maiilang ka sa akin?
Kapag ba nalaman mong crush kita, mawawala na yung kulitan natin?
Kapag ba nalaman mong crush kita, mawawala lahat ng mayroon tayo?
Sana hindi. Sana kahit na anong mangyari, friends pa din tayo.
Siguro crush, itatago ko nalang 'to. Yung admiration ko sayo, itatago ko nalang. Masyado kang mataas eh, baka hindi mo na ako nakikita.
Ang talino mo kasi. Masyado kang focused sa studies mo. Baka makasabagal pa ako.
Ang gwapo mo kasi. Marami akong magiging kaagaw sayo.
Ang bait mo kasi. Hindi ko na rin tuloy maiwasan na magustuhan ka.
Ang sarap mo kasing kausap. Baka isang araw madulas ako at malaman mo yung nararamdaman ko.
Crush, para sayo tong letter na to. Hindi ako magpapakilala. pero sana maapreciate mo. Kasi crush, iiwasan mo ko or maiilang ka sa akin. Ayoko nun eh.
Sige, hanggang dito na lang. Ingat ka crush!
Love,
Your Admirer.
BINABASA MO ANG
Dear Crush
Short StoryA love letter to the guy who makes my heart beat way too fast. © 2013 by iLoveMcFloat