*************************
SA OSPITAL ..
"Tita, uuwi po muna ako para magpalit ng damit. Babalik rin ako kaagad. Magpapaalam na rin po ako kina mommy."
Okay na naman si Blue. Buti raw at naagapan. Kung hindi maaari siyang mamatay dahil mauubos ang dugo niya. Tch. Sarap talagang batukan ng babaitang yun ! :X Ano bang pumasok sa isip niya?!
"Sige Kylie. Kahit ako na lang muna dito. Magpahinga ka na. 10:00pm na rin. Nakakahiya sa mommy mo. Salamt iha ha. Napakaswerte sa'yo ni Blue at bestfriend ka niya."
Naaawa na rin ako kay Tita. Kahit sino namang nanay. Ayaw makitang nagkakaganyan ang kanilang anak.
"Wala po yun Tita. Sige po uuna na po ako. Tawagan nyo lang po ako kapag may kailangan kayo." At ngumiti ako sa kanya.
Sinulyapan ko lang ulit si Blue na hindi pa rin nagkakamalay then umuwi na ako.
REMUS's POV
Puro puti ang nakikita ko.
Asan ba ako? Asan si Blue. Magkasama lang kami kanina ah.
May nakita akong pintuan. Lumapit ako at binuksan ko iyon. Tumambad sakin ang isang paraiso. Ngayon lang ako nakakita ng ganito sa buong buhay ko. Sayang, wala dito ang baby ko para makita ito.
"Kamusta ka?"
"AHHHH! Sino ka?!"
Nagulat ako noong biglang may sumulpot sa likuran ko. Isang matandang lalaki. Nakaputi siya at mahaba yung balbas. Kamukha siya noong napanood ko dati sa isang pelikula.
"Ang tagasundo mo."
"Tagasundo ? Bakit ? Hindi pa naman ko patay ah. Bakit mo ako susunduin."
"Wala ka bang natatandaan sa nangyari?"
"Nangyari?"
"Ipapaalala ko sa'yo."
Itinaas niya yung kanang kamay niya then hinawi yung hangin. May lumabas na instant screen doon kung saan nakita ko ang isang lalaking duguan na nirerevive ng mga doktor sa loob ng ambulansya.
"Grabee kawawa naman yung lalaki. Wala na yang pag-asa mabuhay. Tingnan mo nga mukhang lasug-lasog na yung katawan tsk. Ilipat mo nga yan nakakadiri eh! Andaming dugo oh."
"Malamang ikaw yan. kaya nga patay ka na eh!"
"Ahh oo ng----
ANO?!" O_o
Patay? AKO?
Namatay ako sa aksidente?
"Patay ka na. Gusto mo ulitin ko pa?"
*BOG!*
"Aba't! Gusto mong dalhin kita sa baba?! Brutal ka ah! Napatol ka sa matanda oy adult abuse yan!"
Napaupo siya. Sinuntok ko kasi sa panga. Nakakagulat kaya! Tumayo na siya habang hawak-hawak pa rin ang panga niya.
"May isa pa akong ipapakita sa'yo. Pasalamat ka mabait ako hindi kita isusumbong kay Ama."
"Sinabi mo agad eh. Dapat pasuspense. Nakakagulat kaya."
"Arte mo. Kalalaki mong tao."

YOU ARE READING
I want my Baby back!
Romance|mentalderanged2013| Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa taong pinakamamahal mo?