Formerly Ang Crush ko na hindi nagrereply sa Love letter ko
Copyright 2013 © Thyriza
ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.
..................................
Alam niyo ba yung feeling na di ka gusto ng crush mo?
Ang sakit diba?
Para kang tinutusok ng karayom kapag nakikita mo siya at iba kasama niya.
Masakit kapag nagkakasalubong kayo pero iba ang tingin niya.
Kahit isang sulyap, di niya mabigay sayo.
Minsan naisip ko nang tigilan na ang crush ko sakanya.
Pero di ko kaya.
Di kumpleto ang araw ko kapag di ko siya nakikita sa flag ceremony.
Pwede na nga akong awardan ng best stalker of the year eh.
Alam ko lahat ng schedule niya.
Alam ko kung saan siya nakatira.
Alam ko kung ilang taon na siya, birthday niya, mga past girlfriend niya.
Oo, ganun ako ka-obsess sakanya.
Pero alam mo kung ano yung masakit?
Yung pinapadalhan ko siya ng love letter everyday pero nakakabalik sa akin.
Di niyo gets?
Araw-araw kasi iniipit ko sa locker niya ang love letter ko. Confessing my feelings for him.
Pero araw-araw din. After uwian, nakikita ko ang love letter ko nakabalik sa locker ko. Nakaipit din.
Kahit masakit tinatago ko pa din. Iniisip ko na kahit papano hinawakan niya yung sulat ko.
Positive thinker kasi ko eh.
Pero isang araw nahuli niya ako.
"Bess, tigilan mo na yung kalalagay ng love letter sa locker niya. Wala namang nangyayari eh. Ang masakit pa, binabalik niya sayo!" sermon sa akin ng bestfriend ko na si Mandy.
"Wag ka ngang nega Mandz. Alam mo naman ako. Di sumusuko!"
"Ah ewan ko sayo."
After kong magsulat ng letter kay Aero, Oo si Aero Magnum. Ang isang sikat na football player sa school namin.
Nilagay ko siya sa sobre at pinaipit ulit sa locker niya.
Alam niyo ba na si Aero ang dahilan kung bakit ako di nalelate?
Syempre kasi maaga dapat ako sa school para mailagay ko sa locker niya yung sulat ko ng walang nakakakita. Though my pangalan ko siya, nahihiya pa din akong mahuli.
Bago ko nga pala makalimutan ako si---
"Ikaw!!" Natigilan ako sa tumawag sa akin. That voice! Kahit minsan ko lang siyang marinig kilalang-kilala ko pa din. Di ko magawang lumingon. Natatakot ako. Alam kung alam niya na kung ano ang ginagawa ko sa harap ng locker niya.