Chapter 29: Dark Stellar Awakens

1K 24 0
                                    

LIAH

Sa pagitan ng Buhay at Kamatayan, mas pinili ni Skylar na ilabas ang natitira nyang lakas at isagawa ang kanyang huling atake, kahit ang magiging kabayaran nito ay ang kanyang sariling buhay......

"Stellaris Maxima: SUPERNOVA"

She cast her final spell to save us, nagsimula nang magliyab ang kanyang buong katawan pati ang kanyang buhok ay naging apoy na din. Ito na ang pinaka malakas na form ni Skylar, tila isang bituin na nagliliyab! Halos hindi ko na sya mamukhaan dahil sa kapal ng apoy na bumabalot sakanya.

Agad syang lumipad ng mabilis sa himpapawid! Napaka lakas ng apoy nya kaya nagliwanag ang buong paligid kaya nakita ko kung gaano kadami ang mga specters sa buong lugar.

"Skylar?!" Sambit ni Fria.

Tila isang comet si Skylar na mabilis bumulusok upang liyaban ang mga specters sa galleon, lalo na ung mga umaakit kay Trevor kaya napahiga sya sa lapag. Isinunod naman nya ang nasa harap ni Harvey at Aries.

Gumawa naman ako ng Light Sphere tas nilaunch ko sa mga specters sa paligid ko! Napagtagumpayan ko naman silang nataboy kaya nakatakbo ako palapit kina Trevor at Corby. Nakita ko ding ginamit ni Fria and "Sonic Scream" para maitaboy ang mga nakapaligid sakanya. Patuloy pa din ang pag atake ni Skylar sa mga kalaban. Ngaun ko lang naranasan ang makipag laban ng ganito! Nakakatakot na medyo exciting!. Pero hindi ito ang oras para isipin ko ito.

Pinrotektahan ko sina Trevor at Corby. Patuloy ako sa pag lalaunch ng spheres ko. Nakita kong iginapos ni Fria sina Harvey sa Poste sa gitna ng galleon, tas tumakbo sya kay Corby.

"What's your plan?" Tanung ko kay Fria.

Hinalughog nya ang mga potions sa bag ni Corby. Habang patuloy ako sa pag asinta sa mga specters sa paligid namin, maya maya pa'y tumayo na si Fria hawak ang isang bottle ng potion.

"This is it!, the 'Sleeping Potion' this will help to stop them!" Masiglang sambit nya, sabay takbo papunta kina Aries at Harvey.

She uses her "Crystal Storm" para patamaan ang mga specters sa paligid ng poste, nagtagumpay naman syang itaboy ang mga ito, kaya nagpatuloy sya sa pagtakbo papalapit kina Aries. Agad nya itong pinainom ng sleeping potion kaya mabilis silang nakatulog.

Papunta na sya kay Trevor nang biglang bumulusok paibaba si Skylar na nagcreate ng malakas na wave force, dahilan para mapatilapon kami sa mga sulok ng galleon, habang malayo naman ang narating ng mga specters na nakalutang sa ere ngunit tumapon ang Sleeping Potion na hawak ni Fria. Buti nalang ay napatulog namin sina Aries at Harvey.

"SKYLAR!!!" Napasigaw ako at agad na tinungo si Skylar na nakalagpak na sa sahig ng galleon.

"What happened!? Skylar!" Sambit ni Fria tas sumunod sya.

"Oh no! She's barely breathing!, kumapit ka lang Skylar!" Ipinatong ko ang ulo nya sa hita ko at hinawakan ang kamay nya.

"I-- Fai--led, Sorry-- Liah--" hirap na sambit nya.

"No! No! You've done enough Skylar, kaya hindi kita hahayaang mawala!" Sagot ko sakanya, kitang kita ko na ang hirap na pinagdadaanan nya habang unti unti nang kumakalat ang dark energy sa katawan nya.

"I can feel my body is about to explode! Ugh!" Angal nya sa sakit na nararamdaman.

Maya maya lang ay nakarinig na kami ng malalakas na sigawan ng mga specters "They're back!" Sambit ni Fria. She uses her Crystal Chains para ipalibot saamin sina Aries tas gumawa sya ng malaking "Crystal Guard" sa paligid namin.

"Hayaan nyo nalang akong mamatay" Sambit ni Skylar.

"No!, ayoko nang may mawala pa saatin!!, I'll take your pain, kung pure darkness nalang ang matitira sa katawan mo, then we better make us to it! Kesa naman tuluyang mawalan ng saysay lahat ng pinagdaanan natin!" Madiin kong sagot sakanya, kaya agad akong ng concentrate  para bawasan ang malakas na dark energy na gustong kumawala sa katawan nya. Mas ok nang maging Dark Skylar sya, kesa mamatay sya.

Elites (Book 1): Rise Of Chaos (COMPLETE) [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon