I'm Inlove With A Numb (A Short High School Heartbreak Story)

125 0 5
                                    

Ako si Pauline. Grade 7 student. Baguhan palang ako sa school namin ngayon. I graduated from Cubao Elementary School. Since bago lang ako, noong first day ay sobrang kabado ako dahil wala pa akong masyadong kakilala dahil nga transferee ako. Meron naman akong mga kakilala pero nasa ibang grades and years. Since dala ko naman ang phone ko, tinext ko nalang ang kaklase ko nung elementary ako. Siya si Sophia. :) 

Ako : Uyy! Nakakahiya dito over! Wala akong kakilala! Wahahaha! XD

Sophia : Luh ka! 

Ako : Hirap neto! Isa lang yung nakita kong kakilala ko e. Patay ako dito! XD

Sophia : Nasa room ka na? 

Ako : Wala pa. Orientation palang dito sa labas. Daming estudyante dito grabe. (-_-")

Sophia : Wawa ka naman OP. 

Ako : Onga e. Huhu! Dito nalang kayo para may kasama ako! XD

Sophia : Luh? Adik  lang? 

Ako : Haha! OMG! Kinakabahan talaga ako! :( 

Sophia : Bahala ka sa'min wala nang introduce introduce your self! Daming alam e. 

Ako : Haha! Daya! XD

Pagkatapos nang lahat nang yun di na nag reply 'tong babaeng 'to. 

Nag ring na ang bell. Lahat ay pumunta na sa kanya kanyang pila. "OMG! Eto na 'to!" sambit ko sa sarili ko. Nagulat ako nang biglang may kumausap sa'kin na babae. "Hi." sabi niya, "Hello" sabi ko naman. "Anong name mo?" sabi nya. "Pauline. Ikaw?" sagot ko naman. "Mikaella" sagot niya. Dun ko nakilala si Mikaella. Siya ang first friend ko sa school. Then sumunod si Joyce. Transfer din naman sila kaya like me, wala pa silang masyadong friends sa campus. :)  

Tapos na ang welcome program. Umakyat na kami sa kanya kanya naming room. Hindi ko alam na may mga pangalan pala ang mga upuan namin. So, i decided to sit beside Mikaella nalang dahil siya naman ang first friend ko. Then tinawag na ni Ma'am ang mga pangalan namin. Then, nung tinawag yung Guinto I stood up kahit Valeza naman ang apilyedo ko. Kasi naman, ang pangalan sa chair ko ay Guinto. Di ko naman alam na ganun pala ang gagawin.  Medyo napahiya ako noong first day. Hay!  

(Skip na tayo sa mga nangyayare ngayon. XD ) 

Dito ko na nakilala si Kiezer Jhon U. Dimaala. Friends kami nung una. Then, naging close kami ng sobra. Halos tuwing recess kasabay ko na siya. Pero nagbago ang lahat. Basahin nyo nalang ang nangyari kung bakit nagbago ang lahat. XD

Friday noon.... Ang lakas ng ulan. Bumaha na nga sa campus e. So, nag decide kami na tumambay sa canteen para magtanggal  ng sapatos. Then, nakita namin si Kiezer. (Siya yung lalaking malapad ang noo pero matalino. Baby Face para sa'kin. Yung trip kong kurutin yung pisngi dahil antaba ng pisngi e.) Lumapit siya sa'min ni Joyce.. "Pwede makisabay?" sabi niya. Then sabi ko " DIyan ka na kay Joyce. Di na tayo kasya sa payong ko. Nakita mo naman tong katawan ko oh. Sakin palang sakop na buong payong e." Then naglakad na kami papunta ng tent. Naabutan namin sila Yssa dun. As usual, dahil umuulan tambay sa tent. XD Habang nagtitinginan, ako naman nagyaya na bumili ng balunbalunan. And nagulat ako biglang umepal tong malapad na noo na 'to sa payong ko. Yun pala magpapalibre lang. Shems. Nakaka badtrip lang sa totoo. Pero dahil di nila alam na crush ko na siya nun... Napilitan ako. XD  Share kami sa payong ko nun. Then, nahawakan nya pa kamay ko! Parang gusto ko nang magwala sa sobrang kilig! XD Hayy! Dun na nagsimula ang lahat. Hindi ako umamin kay Kiezer dahil ayokong mawala ang friendship namin. Ang daming nagsasabing sweet daw kami. Lagi kaming magkakasama ng friends nya at friends ko. Pero naglaho lahat nang yun noong nag away kami ni Bea. Siya kasi ang unang pinagsabihan ko na crush ko si Kiezer. Then di ko inexpect na mag aaway kami. Kinabukasan..... Computer time noon... Nagulat ako. Dahil habang nag aayos ng gamit ang lahat, biglang sumigaw si Bea harap harapan pa sa'ken! "Kiezer! Kiezer! Mahal Kita!" sigaw niya. Then ako naman, dahil nagseselos lumabas nalang ako agad. Then eto nanaman ang panibagong scenario sa parehong araw. Arts naman namin. Habang busy kami sa kanya kanya naming drawings, biglang nagsalita ang kaklase ko "May nabasa ako sa likod ng notebook ni Kiezer." sabi niya. "Ano nakasulat?" sabi ko naman. Then, hiniram nalang niya para malinaw. "Mahal ko si Hannah! <3"  nagulat lahat kami sa nakasulat. Then after ng Arts namin. Tumakbo agad ako sa room namin. Dun na ako nagsimulang umiyak ng umiyak. Sobrang sakit pala nuh? Mahal ko na siya nun alam ko e. Di na crush. Kase, kung crush ko palang siya, di naman ganun magiging iyak ko e. Sabi nga nila "Kapag ang babae iniyakan ka nyan. Sigurado mahal ka nyan." Then after that day, di na niya ako pinansin. Tinginan nalang. Ang huli naming pag uusap ay noong nasa tricycle nalang kami. Sinabi ko sa kanya lahat ng nararamdaman ko. "Ano yung sinabi sa'yo ni Bea kanina?" sabi ko. "Niloloko lang ako nun." sagot naman nya. "Sabagay, sino nga ba naman ako para mag selos? Kaibigan mo lang naman ako." sinabi ko nalang. Bigla siyang sumagot. "Onga naman! Hahahaha!" sagot niya. "Ah ganyanan? Geh. Ganyan ka naman e." sagot ko sa kanya sabay hampas sa braso. "Joke lang! 'To naman!" sabi niyang ganun. Then kinabukasan.... "Kiezer!" tinawag ko siya. Di niya ako pinansin. "Eto na siguro 'to. Simula na ng di niya pagpansin sa'ken." sambit ko sa sarili ko. Parang nadurog unti unti ang puso ko nun. Di ko kaya na hindi niya ako pansinin e. Masakit. </3 Then nagkaroon ako ng tiyempo na makausap siya. Buti nalang pinansin niya ko. 

Ako : Kiezer, galit ka ba sa'ken? 

Kiezer : *umiling* 

Ako : Sure ka? 

Kiezer : Oo.

Ako : Promise yan ah? 

Kiezer : Oo nga! Ang kulet? 

Ako : Naninigurado lang. *sabay tawa* 

Pagkatapos nang lahat nang ito, wala na. Halos mamatay nalang ako sa inggit sa tuwing nakikita sila ni Bea na masaya at sweet. Lagi nang tumatabi si Kiezer kay Bea. Tuwing napapatingin ako sa kanila sinasabi ko nalang sa sarili ko "Pauline, hayaan mo na sila. Maging masaya ka nalang para sa gusto ni Kiezer. Wag mo nalang silang tignan." kahit deep inside ang sakit sakit na. First heartbreak ko ito ngayong High School. Ito ang first time na umiyak ako ng sobra ng dahil lang sa isang lalaki. Ewan ko ba. Di naman siya pogi. Di naman katangkadan. Pero matalino siya, cute, baby face para sa'kin. Yun lang ang nagustuhan ko sa kanya. Hay! Hirap magmahal sa batang edad. Kapag nga nakakaramdam ako ng confidence sasabihin ko sa mga kaibigan ko "Pag ako pumayat! Who you kayo sa'ken! Magsisi sana kayo!" ahahaha! Pag pawala badtrip lang yun. Para naman kahit minsan makatawa ako. XD 

Osiya, hanggang dito nalang. Abangan niyo nalang ang susunod na mga mangyayari sa buhay ko. XD

(Note: Wag magmamahal agad hanggang wala pa sa tamang edad. Di ko lang talaga napigilan ang damdamin ko para kay Kiezer! Pero babaguhin ko 'to promise! XD)

I'm Inlove With A Numb (A Short High School Heartbreak Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon