Chapter 7

241 10 6
                                    

Hindi ko malaman kung ano ang aking gagawin na nasa tabi ko na si Hailey. Nag-uumapaaw ang kaba ko dahil malamang sa malamang eh mababanggit niya ito kay Darren. I don't want Darren to become suspicious at mag-usisa pa ng tungkol dito. Nakatingin ako kay Hailey and tried to give her an innocent smile. Kahit na nginig na nginig na ako sa kaba at takot ay pinilit ko magmukhang kalmado. She had this look on her face na mukhang na-iintriga siya at nagpabalik-balik ang mata niya sa amin ni Jace.

Nilingon ko si Jace at nahuli ko siyang nakatingin sa akin. He had this puzzled look on his face. Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya ng tumingin siya kay Hailey. He looked bored at parang walang pakielam.

Hailey gave me a smile. Alam ko na yung ngiti niya, ngiting plastic. At hindi talaga matago sa mata niya na may malisya habang tinitignan niya kami ni Jace.

"I did not expect that I'll bump into you here. Is Darren here too?" She asked innocently. Parang masyadong galak na galak itong babaeng ito.

"No, he's not here." Sagot ko sa kanya. Courtney relax.

"Ah, it's a Saturday evening, and you're in a fancy restaurant, so I thought Darren's also here." Makahulugang sabi niya. Lumingon siya kay Jace and she gave him a flirty smile.

"So, you're having dinner with?" Tanong niya, halatang curious siya sa kasama ko. Pinapanalangin ko na sana ay lubayan na niya kami kasi bawat segundo ay lalo akong natetense at kinakabahan. I feel so uncomfortable.

"He's L. He's a friend of mine." Pakilala ko kay Jace. L lang ang binigay ko kasi he doesn't want to be called by his first name kung hindi naman niya ka-close, right? Natatandaan ko pa na sinabi niya yun sa akin.

"Hindi mo naman sinabi Courtney na may gwapo ka pa lang friend. Does he know Darren too?" Ang landi ng babaeng ito. She's obviously trying to get Jace's attention. Too bad mukha lang siyang bored habang nakatingin kay Hailey.

"No, ngayon lang... um... kami nagkita ulit ni L, kaya di ko pa siya... napapakilala. Maybe sometime." I replied. Shit! Pull yourself together Courtney, huwag kang pa-utal utal.

"Oh, is that so? You really should. Dapat ang mga kaibigan mo ay maging kilala at maging kaibigan din ni Darren, don't you think?" May lamang sabi niya. Pigil na pigil ang sarili ko na sabihan siya na kung pwede ay lubayan niya kami.

"Of course." Matipid kong sagot sa kanya.

"Courtney, aren't you going to introduce me to your handsome friend?" Aniya.

"Yeah, Hailey, this is L. She's Darren's friend. L, this Hailey." Matabang kong sabi. Nilahad agad ni Hailey ang kamay niya kay Jace. Ilang segundo pa bago inabot ni Jace ang kamay niya para makipagshake hands. Napataas ang kilay ko kasi nakita ko ng pinisil pa ni Hailey ang kamay niya. Parang kumulo ang dugo ko sa ginawa niya. Naiinis ako ang landi niya.

Jace smiled at her at siya na ang nagbawi sa kamay niya from Hailey's grip. Nakita ko si Hailey na medyo malagkit na ang tingin sa kanya. Damn! Gusto ko siya sabunutan. Hindi pwede yang ginagawa niya kay Jace, naiinis ako. Hindi niya pwedeng landiin or hawakan ang lalaking nasa harap ko. Hindi pwede.

"Nice to meet you L. I hope to see you again." She purred. Bwisit na ako sa kanya dahil halata naman na nilalandi niya si Jace. Kahit papaano nakikita ko na mukhang hindi naman interesado ang isang ito. Dapat lang kasi magagalit ako sa kanya.

"Sure." Tipid na sagot ni Jace. Bumalik na naman ang tingin niya sa akin na parang inoobserbahan niya ako.

"I'll go ahead Courtney, L. My dad's already there. Nice to meet you L." Sabi niya. She smiled at Jace at lumakad na papalayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Claiming You Mine (MyungYeon Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon