"Bes!! Job well done!" ngising sabi ni charis, best friend at kasama ko sa wedding business ko na to.
Eto kami ngayon, kasama ang team upang e restore ang venue ng katatapos lamang na wedding celebration.
"Salamat sa inyo guys! You're the best! Isang bonggang treat ang maasahan nyo mamaya. E cocontact ko n lang kayo." pasasalamat ko sa kanila ng matapos namin ang paglalagay ng mga gamit sa sasakyan. Nag hiyawan naman sila as response.
Medyo gabi na ng lisanin namin ang bahay kung saan ginanap ang kasal. Medyo challenging sa amin sapagkat may pagka masikip ang open area na pagdadausan ng celebration. Mostly kasi ng mga engagements namin eh sa mga convention center at hall ginaganap kaya somehow convenient compared dito. Mabuti na lang at nagawan namin, kahit papano, na pagandahin at e maximize ang lugar.
As always, kahit beki ako at aminin na nating least preferred sa swerte sa pag ibig, eh masaya at punong puno ng best wishes kong pinag mamasadan ang bawat couple sa kasal na im engaged with.
Huminto muna kami sa isang convenience store upang bumili ng inumin para sa mamayang selebrasyon. Napag isipan kong mag pa deliver n lng ng pagkain mamaya at sa shop na ipag didiwang ang planong selebrasyon.
Dumating kami sa shop ng pasado 6:30 pm. Nasa harap lang naman ng bahay ko ang shop, kaya convenient din para sa akin.
"Sir Mj, may client pong dumating kanina, sinabi ko pong u have engagement today kaya unavailable kayo. Pero, kinuha ko po yung name at contact number nila, if u wish to contact them" bungad ni Ariel, secretary ko, ng dumating ang team sa shop upang ilapag ang gamit. Iniabot nya ang paper na pinagsulatan ng info ng client kanina.
"Perez and Guzman Nuptials" nakasulat dito at iba pang mga detalye.
Biglang sumagi sa isipan ko ang isang taong ka apilido din ng client..
"Ronnie?" sambit ko at di pinag kakaila ang pagka bahala.
Hi wattpad readers! Vote and comment po for insights! Si Ronnie kaya ang client na yun? What da ya think?
BINABASA MO ANG
We Meet Again (Boyxboy)
RandomSi MJ Galban, isang sikat na wedding coordinator sa kanyang lugar. Nag-aral ng designing sa ibang bansa. Bumalik sa Pinas upang subukan ang swerte bilang isang independent wedding coordinator. He wasn't wrong. Pumatok ang kanyang serbisyo with good...