Trevor Solinoz

48.8K 901 6
                                    


Black Eternity Series

~

LARAWAN NG isang masayang pamilya sina Trevor Solinoz at ang kanyang asawa na si Ariella Montesalvo-Solinoz. Nabiyayaan sila ng isang anak na si Tristan Aeroz Solinoz. Iyon na yata ang pinakamasayang araw para kay Trevor. Ang magkaroon ng masayang pamilya, ang bumuo ng pamilya kasama ang babaeng mahal na mahal niya.

Ariella Montesalvo is the love of his life. Galing ito sa mayaman at kilalang pamilya tulad niya. Actually, arrange marriage lang ang nangyari sa kanila ngunit hindi niya akalain na mahuhulog din ang loob niya sa magiging asawa.

Naging masaya ang lahat para sa kanilang dalawa. Naging madali ang pagbuo nila ng sariling pamilya. Umalis si Trevor sa organisasyong kinabibilangan niya para sa kanyang pamilya. Ang FORTEZA Mafia. Naging mahirap man sa kanya ang pag alis doon, ginawa niya ang lahat para malagay sa tahimik ang kanyang pamilya.

Mahal niya si Ariella, ganoon din ang mag iisa nilang anak na si Tristan. Smooth and light lang ang naging pagsasama nila hanggang sa dumaying iyong pagkakataong hindi niya inaasahan.

Ariella had an affair with the other man.

Pinagpalit siya ng babaeng mahal niya sa iba. Nagtaksil ito sa perpektong pamilyang sabay nilang binuo at napakasakit noon sa parte ni Trevor.

Hindi iyon nagtapos doon. Nalaman din ng kanilang anak ang tungkol sa pagtataksil ni Yella sa kanila and even Tristan was too young to understand, naglayas ito mabuti na lamang at naabotan niya ito. Iyon nga lang, kasabay noonang pagragasa ng ten wheeler truck. Ang sumunod niyang nakita ay ang dugoan at walang buhay na katawan ng anak na tumilapon sa kalsada.

"TRISTAN!!" He was shouting in pain. Fuck! Ano bang naging kasalanan niya at nangyayari sa kanya ang mga bagay na ito?!

Una si Ariella.

Ngayon ang anak nila.

Fuck! This is all her fault! Kasalanan ng babaeng iyon ang lahat ng nangyari sa kanila. Kundi lang ito nangati sa ibang lalaki sana ay hindi naglayas si Tristan at sana ay buhay pa ang kaisa-isang taong dahilan niya para mabuhay pa sana.

"HOW DARE you to show your face here Ariella!!" He was gritting his teeth while uttering those words. Nakakaputang ina lang! Ang kapal ng mukha ng malanding babaeng ito na pumunta sa burol ng anak NIYA. Oo anak niya! Wala ng karapatan ang malanding ito sa harapan niya magmula ng sumiping ito sa ibang lalaki.

Humagulgol ito sa harapan niya. Hindi naman nagpatinag si Trevor, hindi siya nakaramdam ng kahit anong awa. Buong buhay niyang kamumuhian si Ariella Montesalvo.

"Please.. Hear me first Trevor! Gusto kong magpaliwamag pero hayaan mo muna akong maparito sa... sa bu-burol ni Trist..an."

Natigalgal ito ng sampalin niya ito ng ubod lakas. Walang nakikialam sa mga tao sa paligid nila dahil pawang taohan niya lang naman ang mga iyon.

"Leave my turf you whore! You have no rights to be here anymore." Tumalikod na siya ngunit nagulat siya ng yakapin ni Ariella ang magkabilang binti niya.

Nakaluhod ito habang umiiyak at nag mamakaawang makasama si Tristan sa huling pagkakataon.

"Please Trevor. Please, let me stay. Saka mo nalang ako parusahan o pahirapan kug gusto mo. Hayaan mo lang akong manatili sa tabi niya."

Hindi niya ito pinansin at walang habas na inalis ang braso nitong nakapulupot sa kanyang binti.

"I'm still your wife Trevor! Please.. Pakinggan mo muna ako kahit ngayon lang!"

Galit na muling hinarap niya ito at hinila ang braso. Kinaladkad niya ito palabas at saka ibinalya sa lupa.

"How dare you to claim that you're still my wife! Fuck you Ariella! I loathe you since the day you cheated on me! Kasalanan mo kung bakit namatay si Tristan kaya magdusa ka!"

Iniwan na niya ito sa labas. Damn! Hindi niya alam kung paano siya muling magsisimula gayong sira na ang pamilyang pinangarap niya. Sirang sira na.

Kinuha niya ang cellphone niya at dinial ang numero ng taong maksatulong sa kanya.

"Elfried." Bati niya sa kabilang linya. "I need to get back at the group."

Sisirain niya ang buhay ni Ariella gaya ng pagsira nito sa puso niyang nagmamahal.

**

Black Eternity Series: TREVORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon