Grabe ang sakit ng buong katawan ko.. Nang dahil sa walang hiya kong alaga!! Psh once na makita ko siya mapapatay ko talaga siya!! GRR!!
Grabe isang linggo ko palang siya pinagsisilbihan sumakit na kagad ang katawan ko.. Sino ba naman ang matinong tao na pati pagkuha ng tubig na nasa HARAPAN na niya ipapakuha niya pa sakin.. Pati sariling pawis papapunas niya pa sakin well ok naman yun kasi kahit papaano mabango parin siya hahhah char!!
Kasalukuyan akong kumakain ngayon. Kawawa na nga yung baboy ehh kinatay na't lahat lahat kinatay ko pa ule. Double Dead na tuloy siya ahaha. Sana si xander na lang yung baboy siguro matutuwa pa ko..
Anong ngingiti ngiti mo dyan?? Tanong ni monster ay este master
Wala lang iniisip ko lang na sana baboy ka nalang..
ANO?!!?
Manahimik ka nga!!!! Kahit saan talaga ang ingay ingay mo!!
Baka gusto mong matanggal sa trabaho mo ngayon??? Ngising sabi niya sakin. Yan nanaman tayo sa Famous Word na yan, lagi na lang niya yan sinasabi kapag napipikon na siya sakin. Di tanggalin niya!!
Di wow!!!
At ngayon kasalukuyan niya na kong tinitigan... Wah!!! Kenekeleg eke!! Kung hindi lang sana masama ang titig niya siguro laglag na panty ko.. Kaso yung titig niya yung tipong papatay na ng tao anumang oras..Hay naku.. Kakain na nga lang ako. Hahayaan ko nalang siya tumitig sakin libre naman eh walang bayad..
Xander's POV
Andito kami ngayon ni thalia sa set.. Kumakain habang yung mga staff nagaayos naman. Napansin ko na ngumingiti siya ano nanaman kaya ang kalokohan ang iniisip niya..
Anong ngingiti ngiti mo dyan??
Wala lang iniisip ko lang na sana baboy ka nalang..
Napatigil ako sa pagkain.. What the!!! Iniinis niya nanaman ba ko!????ANO?!!?
Manahimik ka nga!!!! Kahit saan talaga ang ingay ingay mo!!
Ganyan siya palagi hindi niya ko ginagalang kahit ang tita ko ang nagswesweldo sa kanya..Baka gusto mong matanggal sa trabaho mo ngayon???
Lagi ko yang sinasabi sa kanya yan pero hindi niya na lang pinapansin. Hindi ko alam kung bakit hindi siya natatakot sakin?? Siya lang ang taong sumasagot sagot sakin kahit nga sina mama at papa hindi ako magawang sagut sagutin ehh tas siya BINABASAG pa ko!!Di wow!!! Agad ko siyang tinitigan ng masama..
So sinasabi mong hindi sinasagot ng extrang yun ang tawag mo..
O-opo direct..
ANO PANG GINAGAWA MO TAWAGAN MO NG TAWAGAN NANG MASAGOT NIYA!!!
D-direct sabi nya po na may emengercy daw po kasi kaya hindi na siya makakarating..
ARRGGHH!!!! tas nagwalk out si direct. Mukang hindi makakarating yung extra na dapat makaka duet ko sa scene... Kailangan pa naman na ngayon na ishoot kasi baka madelay pa yung pagrerelease ng trailer..
Xander ano daw problema??
Kahit kailan talaga napakatsismosa ng babaeng to..Wag mo ng alamin kung hindi ka naman makakatulong.
Psh!! Sunget.. Dali na ano ngang problema malay mo makatulong ako..
Bakit close ba tayo??
Dali na kasi!!
I signed alam kong hindi niya ko titigilan psh!!Kailangan ng bagong extra..
Thalia's POV
Bagong extra?? EXTRA yung makikita sa tv wah!!! OHMYGHASH!!! It's my time to shine.. Pwedeng pwede ako. Wah!!! Sa wakas makikita narin ako sa tv..XANDER SABIHIN MO AKO NALANG WAH!!!
Nabulunan siya bigla, siguro nagulat siya sakin..Pwede ba!! Wag kang manggugulat kapag kumakain ako...
Sornah.. Dali sabihin mo ako na lang diba sabi ng tita mo na pwede akong magextra kahit nagtratrabaho ako sayo.
Please... Tas nagpuppy eyes ako sa kanya.Hindi ka pwede kasi hindi naman maganda boses mo..
Di daw maganda.. Eh bakit binoto mo ako nun??
Napatahimik siya hahaha tumiklop bigla..FINE!!!! Tas humakbang na siya papunta kay direct, sinundan ko naman siya..
Direct si thalia na lang yung ipalit mong extra..
Xander di pwede nakapili na tayo..
Nasan ba yung pinili nyo diba wala naman!!! Kaya siya na lang para hindi madelay ang pagrerelease ng trailer ng movie ko.. Kahit kailan talaga laging beastmode to.
Tss fine.. Hija pwede magsample ka muna ng kanta.
Opo...
Swerte mo kung mapapagbibigyan ingatan mo ang pagibig ng isang kakaibabe, kakaibabe, kakaibabe, kakaibabe Pag Natagpuan wag pakawalan minsan lang makahanap ng isang kakaibabe, kakaibabe, kakaibabe, kakaibabe yeah'Well ok maghanda na kayo para mashoot na yung scene na yun.
TALAGA PO!!! KYAAHHH THANK YOU PO...
Ngumiti sakin si direct tas umalis na. Totoo ba to o nanaginip lang ako?? Totoo bang makikita na ko sa TV. Kung nanaginip lang ako please sana may manggising sakin please ayoko umasa kasi alam kong masasaktan lang a--
ARAY!!!!Hindi kaba talaga susunod sakin!!!! Aray naman.. Ang sweet talaga niya. Binatukan na nga ako sinisigawan pa ko. SWEET!!
Eto na nga ehh.. Psh kahit kailan talaga hindi mo maintindihan ang salitang KALMA!!
Nakatunganga ka kasi dyan tinatawag na nga tayo ni direct kasi after 5 minutes maguumpisa na.
So.. Kailangan binabatukan. Di ba pwedeng kausapin ng kalmado..
Kinakausap kita ng kalmado kaso nga lang tulog nanaman yata ang utak mo kaya sinigawan kita ng magising yang utak mo!!
Kailangan pag nageexplain Sumisigaw!!
Para klaro sa UTAK mo..
EDI WOW!!!
SHUT UP!!
Shut up shut up kapa diyan isa ka namang DEMONYONG GWAPO!!
ANONG SINABI MO?!?
ANG SABI KO ANG INGAY INGAY MO!!
Guys ayan nanaman kayo sa sigawan. Pwede ba pakihinaan ang boses niyo, nakakaagaw na kasi kayo ng pansin ehh sabi ng staff. At tiningnan ko ang paligid lahat nga sila nakatingin saming dalawa ni xander.
Ikaw kasi ehh..
Anong ako ikaw kaya ang unang nangasar..
Ikaw naman ang unang nangbatok..
Ayan nanaman kayo..
Sabi ule ng staffSorry po.. Sabi ko alam ko namang hindi magsosorry si xander ehh. Di siya marunong..
To be continued
AN: Sorry kung hindi ako masyadong nakakapag update. Sa mga nagfollow sakin Thank You Guys!!
Hannah thank you.. Ikaw ang number one fan ng Xania LoveTeam!! Hahaha miss you na AHLABYU!!! :* :*
BINABASA MO ANG
THE PAINFUL LOVE
RomanceMukang lahat tayo ayaw maranasan ang pain... Gusto natin puro saya lang ang mangyari sa buhay natin. Pero pain is part of our live. Isang Babaeng maraming karanasan sa pain ng dahil sa past nya, pero sa kabila nun naging masaya parin sya. At isang l...