<THIRD PERSON'S POINT OF VIEW>
''Calling all the students of St. Andricah Academy, please proceed to the gymnasium now. Calling all the students of St. Andricah Academy, please proceed to the gymnasium now. Thank you.''
Nagsitayuan na lahat ng kababaihan sa bawat silid aralan at lumabas papuntang pasilyo para pumila ayon sa pagkakasunod sunod ng mga apelyido. Dali-daling silang inayos ni Andricah Gomez, ang president ng student supreme council. Tungkulin nyang panatilihing maayos at mapayapa ang lahat. Itinaas nito ang salamin na suot at binilang ang mga estudyanteng nakapila ngayon.
Napangiti siya pagkatapos magbilang. ''Thank you lord kumpleto na pala tayo. Bumaba na tayo guys!'' Masigla nyang sabi sa lahat. Tahimik na silang bumaba ng hagdan. Napapaisip si Andricah kung ano ba ang dahilan kung bakit sila pinapatawag. Kapag may ganitong pagtitipon, alam nya na kaagad ang sasabihin at paguusapan. Pero ngayon, wala syang ideya.
Nakarating na ang lahat sa gymnasium. Tahimik silang lahat at pokus na nakatingin sa mga bisita sa entablado. Nabasag lang ito ng magsalita ang lalaking may kaedaran na mukhang mga nasa singkwenta anyos na. ''I am Albert Sebastian Collins the III. The owner of collins academy.'' Panimula nya. Gulat ang lahat ng marinig ang pangalan ng paaralan na yon.
Nagulat ang lahat ng mabanggit ang Collins Academy. Alam ng lahat na ang akademyang yon ay para lang sa mga patapon at anak ng mga sindikato at kung ano ano pa. Nakaramdam ng kaba si Andricah sa mga oras na yon. May konting bulungan pero nawalan din lahat yon ng lumingon si Andricah sa mga kasamahan. Pero sya mismo umaakyat ang dugo nya sa galit kapag nababanggit ang akademyang yon.
''An agreement has been done between the board of directors regarding the merging of Collins and St. Andricah Academy. From now on, there will be no Collins or St. Andricah, rather, it will be called Dragon Academy. My students coming from Collins will be transferred and the first day of class for my boys will begin today. There will be changes of activities, subjects, professors, sections and rules for the girls that will be posted on the bulletin board tomorrow morning. Do not worry about the boys, their schedule was fixed. That's all, dragon students.''
Napanganga ang lahat sa nalaman. Hindi sila makapaniwalang wala ng Andricah Academy. Dragon Academy na ang pangalan ng paaralan nila. Ni walang nagsalita dahil nakakabastos yun sa mga bisitang nasa harap nila ngayon. Napailing si Andricah sa iniisip, hindi nya aakalaing mawawala na lang basta basta ang pangalan nito. 1960 pa pinatayo ang akademyang yon at sa isang iglap, ang bukod tanging pangalan na yon ay mapapalitan lang ng dragon? Pinatayo ito ng lolo nya kaya nananalaytay sa pangalan at dugo nya ang pangalan ng paaralan.
Gusto nyang magreklamo pero wala syang magagawa. Lalo na't collins yun. Pero Yun ang gusto ng tatay nya at ng board of directors. Inayos nya ang nalalaglag na salamin at ibinaling ulit ang atensyon sa bisita.
''Sorry for announcing the changes so late. Let's give our formal greetings to the guest on stage. Oh and by the way, the students from Collins will be here in a minute. So please welcome them. Regarding this matter, as Mr Collin's wish, he wants them to be influenced by the virtues of our academy and he's hoping that everyone could help him change the students. As far as we know, the image of Collins has never been good way back then so I would like to change that. Girls, I know you can help them. That's all for now.'' Saad pa ng bise presidente ng akademyang yon.
Napasinghap na lang si Andricah sa narinig. ''I will help but cooperation is a must.'' Bulong na lang nya sa kanyang sarili. Napatingin siya kay Ruby na humawak sa mga balikat nya. Nginitian sya nito at sinabing wag syang mag-alala dahil marami silang tutulong para matupad at magawa ang kagustuhan ng mga bisita.
BINABASA MO ANG
Dragon Academy
FanfictionIsang All Girl's School kung saan nag-aaral ang mga inosente at konserbatibong mga babae ay makakasama ang mga siraulo, barumbado, anak ng sindikato sa iisang paaralan dahil sa pagsanib ng kanilang mga paaralan? Riot na ba ito o magbabago ang mga ug...