Prologue

2 1 0
                                    

Prologue

Once upon a time...

"Ano yan Mimi?"tanong ni Sheena,bestfriend ko.

"Uhmm..Story.Bakit?"

Kinuha ko yung notebook ko at nagbasa ng kaunti para magkaroon ako ng idea para sa story na isusulat ko.

"Love story ba?"

"Yep.Love story ko!"masigla kong sabi at nagsimula nang magsulat sa makapal kong notebook.

"Seriously,story mo?"hindi makapaniwalang tanong ni bestie.

"Bakit may problema ba?"

Umayos sya ng upo at humarap sa akin.Tinignan nya ako ng maayos tsaka nagsalita...

"Bes,hindi nakasalalay yung totoo mong istorya sa ballpen at notebook na hawak mo,"sabi nya at kumuha ng chips mula sa bowl na nakalagay sa table ko.

"E bakit naman?Kaya kong isulat yung gusto kong story para sa sarili ko nu,"sagot ko at kumain din ng chips.

Umiling si Sheena at nagsalita ulit.

"Ms.Mayumi Buenavista,imposible yang sinasabi mo!Only God can write your story and only fate can play the twists in it,"

Nag-smirk ako at nilapag yung pen ko sa table at humarap din kay Sheena.

"Ms.Sheena Lee,alam ko naman yan.Pero ang gusto ko lang naman ay ang magsulat ng nais kong story para sa sarili ko.Yung parang fairytale,"

Sumeryoso ang mukha ni Sheena.Bitter ito sa fairytale e.

"Fairytales don't exist Mimi.Nasa real world tayo.Don't expect that you won't be hurt when reality hits you.Everything that you can see is not permanent,Bes.Lahat yan mawawala.At alam mo,hindi naman pwede na fairytale ang story mo.Your story will contain painful sides also,"sabi nya at tumayo para humiga sa kama ko.

Feel at home ang panget.😒

"Sinabi ko lang na magsusulat ako ng sarili kong fairytale story,ang dami mo nang satsat!Tsk."

Tumayo din ako at humiga din sa kama ko.Tambayan kasi namin ni Sheena ang kwarto ko kapag walang pasok.Lalo na ngayon,summer na ulit!

"Advice lang Bes,it isn't love when you don't get hurt."

Hinampas ko sa mukha ko yung isa kong unan at tumawa.

"Bitter mo Bes!Hahaha."sabi ko at tumawa ulit.

"Hoy!Hindi ako bitter!Nagsasabi lang ako ng totoo.Ayoko kasing dumating yung time na magka-lovelife ka na tapos mag-eexpect ka na mala-fairytale yung story mo.Masakit yun Bes!"sabi nya at ginantihan ako ng hampas sa mukha ko.

Ouch ha.

"Suuuuuuus!Kung alam ko lang..Kaya ka bitter sa fairytale kasi hindi fairytale yung love story nyo ni ANO!"sabi ko at nginitian sya ng nakakaloko.

Hahaha.Naiinis na talaga 'to.Sa 2 years na naging bestfriend ko sya,alam na alam ko na kung ano ang magiging reaksyon nya sa isang bagay.

"Sinong ANO?!Bes naman e!Di naman ako bitter nu!Sadyang wala lang talagang fairytale at ganun talaga ang buhay!Hindi pwedeng hindi ka masaktan!"

"Lalim ng hugot mo Bes!Hahaha."

"Kung sa bagay,hindi mo maiintindihan yun kasi wala ka pang lovelife,"ngumisi sya at nginitian ako,yung ngiting aso.-_-

"Mararanasan ko din yan Bes!"

"Wee?Saan?Sa mga story mo?"

Tumango ako pero umiling din.Gulo nu?Hahaha.

"Maybe YES.Maybe NO.Pero Bes,alam ko mag-uumpisa sa Once Upon A Time ang story ko at magtatapos ito sa Happily Ever After,"sabi ko at ngumiti ng napakalapad.

"Bes,don't expect too much..Loving can hurt.."

~*~

To be continued...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Writer's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon