Possession Entry 15

6.6K 149 41
                                    


Possession Entry 15


I wasn't aware na nasa harapan na pala kami ng gate ng bahay ni Lean. At wala rin sa sarili si Lean na mahigpit na mahigpit pa ring yakap yakap ng ubod ng tisay na babaeng nasa aking harapan. Kapit tuko siya.. tarsier na tarsier ang dating sa akin eh. Para akong tangang nakatingin sa kanilang dalawa at nag aantay kung ano ang mga gagawin pa nila. " I miss you! I miss you so much Lean. Grabe, tama nga ang mga ibinabalita sa akin ni Chesca. Mas lalo kang pumogi at kumisig! " halos mabingi ako sa tinis ng boses niya habang nakayakap sa baywang ni Lean. Para akong nanunuod ng teleserye dahil napansin kong may luha na sa mga mata ng babaeng iyon, kanina ang saya saya niya pa, tumatawa pa nga tapos ngayon unti unti narinig ko ang mahihina niyang mga hikbi.. parang luka-luka lang! kinikilabutan ako sa kaartehan niya lalo na ng unti unti nakita ko kung paano----- paano siya niyakap ng mahigpit ni Lean, ibinaon niya ang mukha nito sa kanyang leeg habang hinahaplos haplos nito ang likuran nung babae. Naiiwas ko ng wala sa oras ang aking mga mata ng makita kong dadampian niya ng halik yung babae sa ulo.. bakit ganun? bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang gusto kong sabunutan ang babaeng iyon, baklasin ang kanyang mga kamay na kapit tuko kay Lean? Bakit gusto ko ako lang.. ako lang ang inaalo niya gaya kanina.

Ganito ba kabait ang lalaking ito? Sadya bang -------- " Shhh.. Stop crying Emilie. You're here right. Pinagdusahan at pinagsisihan mo na ang mga ginawa mo noon. At isa pa natitiyak kong napatawad ka na nila Kuya Xander at Jas. " hindi ko alam kung aalis ba ako sa sasakyan o mananatili na lang kasi pakiramdam ko nai-invade ko ang privacy nila at saka hindi ako makahinga ng maayos na para bang nahahapo ako tapos--- tapos may kung ano sa aking lalamunan na nakabara.. nanginginig ang aking kamay.. at halos mapunit ko ang laylayan ng aking blusa ng marinig ko ang mga salitang iyon. " L-Lean a-ako ba, ako ba m-may babalikan p--------------- hindi ko alam kung anong nag udyok sa aking buksan ang pintuan ng sasakyan sa tagiliran ko para maputol ang tinatanong niya. Mabilis akong bumaba doon dahil ayaw kong marinig ang isasagot ni Lean sa kanya.

Nakuha ko ang atensyon nila. Tumutok sa akin ang mata ni Lean na parang naguguluhan siya sa sitwasyon, sa mga nangyayari.. nakakaawa ang lalaking ito. Isa ba ang babaeng ito sa nakasakit at nanggamit sa kanya gaya ng inaalok niya sa akin? " R-Reena a-ahh si Emilie, Emilie s-si Reena."

Atas ng kagandahang asal inilahad ko ang aking kanang kamay pero imbis na abutin iyon ng babaeng tarsier tinaasan niya ako ng kilay at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. Gusto kong manliit ng husto sa kanyang itsura dahil alam ko kumpara sa akin na walang lipstick, walang pulbos, walang suklay suklay para akong basahan kung itatabi sa kanya. Mukha akong katulong. Binawi ko na lamang ang aking kamay dahil nga napahiya ako. " Emilie." tawag niya dito ng mapansin niyang namumula ang aking buong mukha.

" N-No its okay L-Lean. a-ah papasok n-na m-muna ako sa l-loob kung t-tuloy pa yung napag usapan natin. P-Pupwede rin namang mag hotel n----- kumunot ang kanyang noo sa aking sinabi. Parang doon lang siya natauhan. Mabilis siyang bumitaw kay Emilie at lumapit siya sa akin. Napalunok ako ng laway ng walang babalang hawiin niya ang pinong buhok na tumabon sa aking mga mata. Letse ang lalaki ito! grabe magpalaglag ng panty. " I always kept my promise sweetheart. Get inside my house now. We'll talk. J-Just let me have a conversation with Emilie, okay."

Bago ko pa mapigilan ang aking sarili ay naitanong ko na sa kanya ang kanina pa gumugulo sa aking isipan. " Isa ba siya sa nanakit sayo? " hindi siya sumagot, nakatitig lamang sa akin ang kanyang mga mata na puno ng pag aalinlangan na hindi ko alam kung para kanino. " Mas tanga ka pa pala kaysa sa akin." bulong ko sa kanyang kanang tainga bago ako tumalikod at walang lingon lingong pumasok sa malaking gate na pinagbuksan ng isang security guard.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

possession (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon