Oliver POV
Habang ako ay naglalakad papunta sa school , Bigla akong kinabahan , para bang ibinabalik ako ng hangin papunta sa aming bahay . Kinakabahan ako dahil first day ng school at first time ko lang sa school na yun , wala akong kilala ni isa sa mga estudyanteng nagaaral doon . Habang papalapit ako ng papalapit sa school lalong lumalakas ang tibok ang puso ko .
Natatakot ako baka bullyhin nila ako dahil wala pa akong kaibigan at kakilala sa school .
Nung nandun na ako sa school minamasdan ko ang mga mukha ng mga estudyanteng nagaaral doon , mukha naman silang mababait ,
At makalipas lang ang ilang minuto ay nagsimula na ang Flag ceremony ,
Pumunta ako isang sulok at dun ako nanatali , pagkatapos ng flag ceremony ay pumunta ako sa office para tignan kung saan room ako pupunta .Nung papunta na ako sa Classroom , nakita ko ang mga magiging classmate ko , magugulo sila at parang walang mga modo , pero hinayaan ko na lang ito , at umupo ako sa isang tabi , Doon ko nakilala si Stephanie , maganda siya at matalino.
" Hi I'm Stephanie , How about you " ang sabi niya sa akin .
" Hello I'm Oliver , Nice to meet you " ang sabi ko sa kanya .
" Bago ka lang di noh ? Halata naman eh " ang sabi niya sa akin .
" Oo nga eh wala akong kilala ni isa dito at wala rin akong kaibigan " ang sagot ko sa kanya .
" O cge ! Sama ka nalang sa barkada namin ! Gusto mo ba " ang tanong niya sa akin .
" Oo naman " ang sagot ko sa kanya .
At pinakilala niya ako sa mga kaibigan niya.
" Oliver ! Ito si Louisa , Siya ang pinabata sa amin , mabait at matalino siya " sabi ni stephanie sa akin .
" Hi Oliver " ang sabi sakin ni louisa .
" Hello nice to meet you " ang sabi ko sa kanya .
" ito naman si Ronnie , Siya ang pinakagwapo sa lahat " sabi niya sa akin "
" Hi bro " sabi sakin ni Ronnie .
" Hello Nice to meet you " sabi ko sa kanya .
At Nagkwentuhan na kami tungkol sa aming mga sarili.
" May Girlfriend ka na ba ? " Tanong saakin ni Stephanie .
" ah ! ( at bigla akong napakamot sa ulo ko ) Wala pa eh " ang sagot ko sakanya .
" Bakit naman ? May itsura ka naman ah ? Sabi niya sa akin .
" Ewan ko ! Siguro sa katangian ko kaya di ako pinapansin , isa kasi akong duwag " Sabi ko sa kanya .
" Hayaan mo , akong bahala sayo ( at bigla niyang hinawakan ang aking braso )
Bigla kong nadama ang pagtibok ng puso ko , at nagkaroon ako ng lakas dahil alam kong may taong makakatulung sa akin .
Makalipas lang ang ilang minuto , Dumating na ang aming teacher.
" okay class ! Good morning " ang sabi niya sa amin .
" Good morning sir ! Have a nice day " ang sagot namin .
" Please introduce your self " sabi niya sa amin .
At nagpakikila kami isa isa nung , ako na ang magpapakilala kinakabahan ako kaya di ako makapagsalita ng maayos .
" Hi Everyone ! I'm ...... Oli...VER John .. Ruiz... I'm 18 years old ,
At nagtawanan ang mga kaklase ko at sabi nila ay " Hahaha ! Napakabadoy ! Hahaha "
At bigla akong pinagtanggol ni stephanie
