Belay's POV
*Boogsh* *boogsh*
"Ahhhhh! Kuya Bradley!"
"Gumising ka na jan, mahal na Prinsesa. At meron pa kayong pasok ngayon."
Matutulog na sana ako ulit nang bigla kong naalala na may pasok na pala ngayon. Huhu nababanas na ako, ayoko ng pumasok.
Pumasok na agad ako sa banyo, since may sarili naman akong banyo sa kwarto ko. Di naman masyadong malaki yung bahay namin, tamang tama lang ito at simple.
Pagkatapos kong maligo nag-ayos kaagad ako ng aking mga gamit. Bago ako bumaba chineck ko muna yung phone ko kung may nagtext. May isang unread message, galinh kay Jake.
Text message
From: JakeUy tol, good morning!
Magrereply na sana ako, kaso natandaan kong wala pala akong load hehe. Nagpapaload lang kasi ako kung may importanteng okasyon.
Bumaba na ako nang nakita ko si Papa na nagbabasa ng dyaryo, si Kuya Bradley naman kain na ng kain at handa nang pumasok ng school.
"Good morning, Pa" bati ko
"Good morning, nak. Oh kumain ka na, at nang maihatid ko na kayo ng Kuya mo sa school." Walang mintis si Papa sa paghahatid saamkn ni Kuya sa school, kaya nga idol ko 'to eh haha.
"Opo, pa" Tinignan ko si Kuya, aba grabe! Ang daming pagkain ang nasa plato niya kanina tas ngayon ubos na?
"Oh ano nanaman problema mo? Alam ko nang gwapo ako tol. *taas baba ng kilay*" Sinamaan ko lang siya ng tingin, gung gung talaga 'tong Kuya ko kahit kelan -.-*
"Anong gwapo? Ang lakas mo kasing kumain Kuya, may alaga ka bang halimaw sa tiyan mo?"
"Kumain ka na nga, ayaw ko kasing matulad sa'yo na mukhang stick hehehe." Stick? Ako? Duh sexy lang talaga ako haha.
"Bilisan niyo na nga jan, hihintayin ko nalang kayo sa labas ha." Nauna na sa labas si Papa kaya binilisan ko nalang kumain.
Nauna nang tumayo si Kuya.
"Hoy pangit, ikaw na bahala jan. Bilisan mo hintayin ka namin sa labas." Tumango lang ako, kasi kung sumagot pa ako ng pabalang baka world war 3 na abot ko haha.
Nang lumabas na sila Kuya agad ko namang niligpit yung kinainan at nag toothbrush. Kinuha ko na yung gamit ko at naabutan ko si Jill sa may pintuan.
"Oh Jill? Ba't nandito ka pa? Di ka ba ihahatid ng driver niyo?" Mayaman sila Jill, kaso mas pinili nito maging independent.
"Eh, ayoko. Dumaan kasi si Pudra kayo yun, nabadtrip ako."
Parehas kami ng kalagayan ni Jill, kaso nga lang, yung Mommy niya ay nasa ibang bansa. At ang Papa niya mayaman, ayaw rin ng parents nito sa Daddy niya. Kaya ayun, dito lumaki si Jill. Nagboboard lang siya malapit sa bahay namin.
"Ah ganun ba, tara na. Sabay ka nalang saamin." Yaya ko, kasi gusto kasi ng Daddy niya na siya ang mamahala ng kompanya nila. Eh sa matigas si Jill, ayan. Nagsasarili
"Si Jake nga pala? Nakita mo?" Si Jake nanaman haha.
"At ba't mo naman siya hinahanap? Ha? Ikaw ha haha" sinamaan lang niya ako ng tingin, sorry naman
"Oh Jill? Di ka nanaman sumabay sa Daddy mo?" Tanong ni Kuya Bradley. Umiling lang ito
"Nako, ako nanaman ang kukulitin ng Daddy mo." Sabi ni Papa

BINABASA MO ANG
A Jeepney Love Story
Teen FictionElisha Beatrice Elizondo, known as "Belay" Siya ay mapagmahal na anak at kapatid, matalino rin itong bata at napakamasayahin. Ngunit lumaki lang ito sa piling ng kanyang Ama at Kuya. Kaya maituturing siyang one of the boys. She may act like a boy...