Pangatlong Senyales

35 1 0
                                    

Wala pang limang segundo kung mag reply ka sa mga messages niya.

**

Habang nagi-iscroll ako ng facebook ko ay nakita kong may lumitaw na message. Nakita ko ang profile ni crush kaya binuksan ko agad iyon at nag type ng mabilis. 'Ni wala pa nga atang limang segundo eh.

John Carlos: May assignment tayo?

Kahit 'yun lang ang sinabi niya ay parang kilig na kilig pa rin ako. Posible ba 'to?

Agad akong nag reply sa kanya.

Leanne: Wala. Pero may quiz daw bukas kaya kaylangan mag review.

Halos mahimatay na ako sa kilig habang tinitipa ko 'yung ire-reply ko sa kanya. Nakatingin lang ako sa cell phone ko at naghihintay ulit ng ire-reply niya. Maya maya pagka lipas ng isang minuto ay nag reply na rin siya.

John Carlos: Geh.

Haaaayy, nako! Kahit simpleng 'Geh' niya lang 'yun ay sobra sobra na ang kilig ko. Talo ko pa ang umiihi!

12 Signs Of Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon