KJUW Chapter 1

7 1 1
                                    

Loren's POV

"Ang tagal naman lumabas ng SHINee. Minho Oppa~ where art thou? Huhuhu~ Ang sakit na ng paa ko~" kasalukuyan akong naghihintay sa labas ng SM Ent para sa SHINee. 0

Maglilimang oras na rin simula ning nakatayo ako sa labas.

"10 pm na rin pala... kaya yan! Para kay Minho Oppa maghihintay ako! Baka 10 mins. nalang lalabas na sila! Loren! AJA!" naghintay pa ako dun. Lalabas na sila.

10 mins...

20 mins...

30 mins...

45 mins...

Grabe ang sakit na ng paa ko. Mag a anim na oras na akong nakatayo. Baka nagaalala ma rin sila mama...

Hindi! Kailangan kong makita ang SHINee!

"Kaya ko pa!" Pagkasabi na pagkasabi ko nun biglang may pumatak sa pisngi ko.

"Huh? Ano to?" Hinawakan ko at basa ito.

Bigla namang sunod sunod silang nagpatakan.

"Aish bad trip naman oh bakit ngayon pa umulan wala akong payong!" Tumakbo ako dun sa puno sa tapat ng SM at dun naghintay.

Basa na ako at nilalamig. Lalagnatin ako panigurado. Mas lalong magagalit sakin si mama.

Pero ang SHINee...

Nawalan na talaga ako ng pag asa nung nakita kong sarado na ang ilaw sa SM.

"Umalis na sila Loren..." Napaupo nalang ako habang pinipigilang umiyak. Hawak hawak ko ang banner ko at letter para sa SHINee...

Niyakap ko ang hita ko at dun dumukdok. Dun nalang din ako napaiyak.

Pero naramdaman ko wala ng ulan na pumapatak pero naririnig ko parin ang lagaslas ng tubig.

"Huh? Hindi na umuulan?" Napatingala ako at nakita ang isang lalaki.

Sinisilungan niya ako gamit nung payong niya.

"Okay ka lang Miss?" Tanong niya

Tumingin ako sa paligid baka hindi ako ang kausap niya.

Narinig ko naman ang pagtawa niya ng mahina.

Since walang tao sa paligid baka ako nga...

"Ah oo... okay lang ako..." sabi ko habang naka tungo.

" Siya nga pala Miss sino hinihintay mo?" Tanong niya sa akin.

"Ahh... Ang SHINee..." sabi ko

"Ahh... Ang SHINee sunbaenims? Nako miss kanina pa sila naka alis." Sabi niya sa akin.

Nanlumo naman ako sa narinig ko. Anim na oras... Anim na oras akong naghintay... Naghihintay lang pala ako sa wala...

Hindi ko na napigilan at tumulo na ang luha ko...

Nagulat ako nung pinahiran nung lalaki yung pisngi ko.

"Huwag ka ng umiyak. May susunod pa naman eh." Inabot niya sa akin ang panyo at ngumiti.

"S-salamat..." tinanggap ko ang panyo niya. Napansin ko may naka burda dito.

KJI...

Bumalik nalang ako sa huwisyo ko nang magulantang ako sa busina ng kotse.

"Ahh sige miss. Nandyan na yung kotse ko. Mauuna na ako. Oh sayo na tong payong." Sabi niya at inabot sa akin ang payong.

"Nako huwag na... Nakakahiya naman sayo. Binigay mo na sakin tong panyo mo eh..." sabi ko sa kanya

"Eh maproprotektahan ka ba ng panyo na yan sa ulan?" Taning niya sakin.

"Pero kasi baka magbas--"

"Huwag ng pero pero!" Kinuha niya ang kamay ko at ibinigay sa akin ang payong.

Nung hinawakan niya yung kamay ko may kakaiba eh... may... kuryente?

Napatingin kami sa kamay naming magkahawak. Parang... parang bumagal yung oras?

Nagulantang ulit kami nung bumusina ang sasakyan.

"Ahh sige miss ah kailngan ko na talagang umalis. It was nice meeting you." Binitawan niya ang kamay ko at saka ngumiti bago tumakbo papunta sa sasakyan.

"Ah t-teka! Anong pngalan mo?" Tanong ko sa kanya.

Lumingon siya saka ngumiti.

"Ako? Kim Jongin. Kai nalang." Tuluyan na siyang sumakay pero kumaway siya sa akin.

Pinanood kong umalis ang sasakyan hanggang ito'y mawala sa aking paningin.

"Salamat...Kai..."

Hinawakan ko ang kaliwang bahagi ng dib dib ko. Parang may kakaiba. Kai, bakit ganito ang epekto mo?

---------------------------------------------------------

Hello guys! Pang ilang story ko na to pero ying iba di natuloy hahahahahahahahahaha pero don't worry kasi to itutiloy ko na talaga. Votes and comments are highly appreciated.

Kim Jongin's Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon