Dedicated to @chinchang :) Thanks sa pag lagay nito sa RL mo. Keep Supporting this .
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Maagang nagising si Kathryn upang mag tinda ng sampaguita sa tapat ng simbahan dahil iyon ay araw ng linggo.
"Sampaguita ho, bili na po kayo." Iyan ang paulit ulit na sinasambit ng bata sa mga dumadaang tao ngunit mahirap magbenta nito dahil ang iba nilalagpasan lang siya.
Pero di niya inaakala na may isang taong mabait ang umubos ng kanyang binebentang sampaguita.
"Bata bibilhin ko na lang yan lahat. Eto limang daan. Sayo na yung sukli para pang kain mo na yan." Sabi nung mamang mabait. At sinupot na ni Kathryn ang mga sampaguita saka binigay sa mamang mabait.
"Ma-raming sa-la-mat ho sa inyo." Pasasalamat ni Kathryn
"Walang anuman iyon.. Sige iha aalis na ako." Pag papaalam ng mamang mabait. At sumakay na ito sa kanyang sasakyan at umalis.
Pagkatapos magbenta ni Kathryn ay masayang umuwi ito sa kanilang bahay. Ngunit ito ang nadatnan niya.
"Inom pa tayo. *hik* Sige lang. Ahihihihhi *hik*" Iyang salitang iyan ay galing sa kanyang nanay na umiinom ng tanghaling tapat pa lamang.
Tumakbo naman si Kathryn papunta sa kanyang nanay upang pigilan ng uminom ngunit tinulak lamang siya nito dahilan ng siya ay dumapa sa sahig.
"A-raa-ay ko po nay." Sambit ni Kathryn. Sino ba naman ang hindi masasaktan, ikaw ba naman ang batang walong taong gulang pa lamang eh palagi na sinasaktan ng iyong sariling ina.
Hindi manlang siya tinulungan ng kanyang ina. At nagpatuloy na lamang ito ng pag iinom kasama ang iba pa nilang kapit bahay. Dali daling bumangon si Kathryn at tumakbo papasok ng kanilang bahay. Pagpasok na pagkapasok niya pa lamang ay sinalubong na agad siya ng kanyang Ate na natatawa sa kanyang itsura na my gasgas ang siko.
"Hahahahah. Tignan mo nga yang itsura mo!!! Ewwww. You're so Kadiri...Hahahah." Panlalait ng Ate niya.
Di niya lang ito pinansin dahil baka pag lumaban pa siya ehh sasaktan na naman siya ng nanay niya kaya dumeretso na lamang siya sa kusina upang kumain ngunit wala siyang nakitang pagkain. Malamang inubusan na naman siya ng kanyang nanay at Ate.
"Uyyy..Ano?! May pagkain pa ba? Hahahah...Sorry Ahh nagutom ako ehh kaya inubos ko na.." Sarkastikong sabi ng kanyang Ate.
Hindi na napigilan ni Kathryn kaya naiyak na lamang ito at tumakbo palabas ng kanilang bahay..Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Kaya napadpad na lamang ito sa park kung saan niya nakita ang batang lalaki. Napahawak siya bigla sa kwintas na bigay nito at tinitigan..Hanggang sa
"Hey..You okay?" Isang pamilyar na boses para sa kanya. At paglingon niya. Di siya nagkamali, siya nga ang batang lalaki na nakikilala niya nung isang araw.
Tumango na lamang ito. At nagulat na lamang siya dahil
"Hey. What happened to your elbow? Wait here i'm going to call mom to cure your wound okay? Don't worry i'm here Kathryn.." At kumaripas naman ng takbo ang batang si Daniel John papunta sa direksyon ng kanyang ina.
Naiwang nakaupo si Kathryn sa isang bench at maya maya dumating na rin ang Mommy ni Daniel John at nagulat rin ito at napatanong kay Kathryn.
"Hala! Anong nangyari sayo iha? Halika gamutin natin yang sugat mo.." Nag-aalalang sagot ng mommy ni Daniel John.
YOU ARE READING
You're Gonna Miss Me When i'm Gone [KathNiel Fan Fic] On Going
FanfictionI gotta go far. When i'm back i'm sure we will continue what we promise to each other .. You're Gonna Miss Me When i'm Gone