Chapter 5: Sleepover

13.5K 510 247
                                    

"You have to date her, Nautot!" Niyugyog-yugyog ko pa siya habang nagdadrive pauwi.

"Masyadong tahimik 'yon, Dakotae." Saad naman niya. Umayos ako ng upo at humalukipkip, "Ang tagal na natin itong hinintay."

"Ang tagal mo na itong hinintay." Pag-tama niya saka natawa.

"Ayaw mo ba sa kanya? Maganda 'yon. Mabait."

"She's pretty, alright." He shrugged, "But she's not you."

Umismid ako at pinitik ang ilong niya, "Wag ka munang mag-biro. Seryoso ako dito! You need to date Hinata!"

"Seryoso din ako, Dakota. Masyadong tahimik yung si Hilar—"

"Hinata." I corrected. Bumuntong-hininga siya sumulyap sa akin sa saglit, "Hindi mo talaga tatantanan iyan?"

"Hindi. Dapat kayo ang magkatuluyan!"

"Okay, fine. One date then. Pag nag-enjoy ako, I'll try to pursue her pero pag hindi, ikaw ang liligawan ko."

"Scratch the last part." Bumusangot ako at kinuha ang aking depektibong phone, "Sesend ko sa'yo yung number niya."

Busy ako sa paghahanap ng number ni Hilary/Hinata nang magsalita muli si Naruto, "May sasabihin ka sa akin, diba? Excited na excited ka pa kaninang lunch."

Nanlaki ang mata ko nang maalala ko iyon, "Tangina, nakalimutan ko!"

"Tumatanda ka na." Pang-aasar niya. Sinend ko muna sa kanya yung number ni Hinata bago ko ikwento sa kanya iyong sinabi ni Sir Thomas. Iyong, I'm expecting you to join the tour.

"Damn, man. Binuhay niya ang nalulumbay kong puso!" Hinawakan ko ang pmagkabilang pisngi at nagkunwaring nangangarap.

Tumawa ng malakas si Naruto, "Pinapaasa ka lang non."

Sinimangutan ko siya, "Utut mo. Hindi paasa si Tommy."

"Tommy? Akala ko ba Thomas?"

"He'll be my husband so kailangan unique ang tawag ko sa kanya." Paliwanag ko. Ang cute kaya ng Tommy.

"Unique na ba yon? Ang dami daming Tommy sa mundo." Tinawanan niya akong muli, "Alam mo kung ano unique?"

Suminghap ako at pinagkrus ang aking braso, "Oh, ano?"

"Yung tawagan natin." He chuckled bago ihinto si Bessie, my precious Volkswagen, sa tapat ng bahay nila. Inaaya kasi ako nina Lola Mildred na mag-dinner. Nag-bake din kasi si Nanay Jenny, mommy ni Naruto, ng cupcakes.

"Sabagay." Pagsang-ayon ko, dahil totoo namang unique ang tawagan naming Nautot at Dakotae. Mabaho nga lang.

"Nandyan si Ate Lets?"

"Wala. Nandun sa asawa niya yon." Sagot ni Naruto, "Si Lola, si Nanay, si Kuya Bogart tsaka si Asher lang."

Lumabas na kami pareho ng sasakyan at pumasok na ng bahay nila. Naabutan ko si Kuya Bogart na nanonood ng TV. Pangatlo sa magkakapatid si Naruto. Una si Ate Lets, sumunod si Kuya Bogart. Tapos panghuli naman si Asher.

"Oy, Dakota!" Kumaway si Kuya Bogart sa akin, nginitian ko siya bago bumaling kay Asher na may hawak na stuffed toy ni Baymax.

"Kuya Naruto! Ate Dakota!" Masigla nitong sigaw saka lumapit sa amin para yakapin. Binuhat siya ni Naruto bago tumingin sa akin, "Mag-palit ka muna ng damit. Mamaya na kita iuuwi."

"Dito na ko matutulog." Suggest ko, "Nandito pa naman yung uniform ko na naiwan ko dati diba?"

Tumango si Naruto at dumiretso sa kitchen. Sumunod ako sa kanya para mabati sina Lola Mildred at Nanay Jenny.

The Average QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon