"Oy. Eya. Kilala mo ba si JC?" tanong ng isang kaibigan ko sakin.
"Sino yun?" tinanong ko siya. Wala kasi akong idea kung sino ka.
"Eto oh." sabay abot niya sakin ng picture mo. "Yan siya. Pogi no."
Nagshrugged na lang ako at tinignan yung picture mo. Naalala na kita. Ikaw yung nagspeech noong university orientation, sumayaw pa kayo ng gentleman. Natuwa ako pero hindi kita masyadong napansin.
Naweirduhan naman ako sa kaibigan ko kaya tinanong ko siya, "Crush mo ba siya?"
Hindi pa siya sumasagot pero alam ko na. Nagblush kasi siya, tinawanan ko nga siya nun eh. Pero ang kinabigla ko, dumaan ka sa harap namin. Alam mo bang hindi naman kita crush pero sa pagkakataon na yun, may naramdaman ako.
Naramdaman mo rin ba? Yung puso kong nagsimulang tumibok para sayo.
-
"Eya!" tawag sakin ng kaibigan ko.
"Bakit?" tanong ko sakanya.
"Finollow ko sa twitter si JC." sagot niya. "Finollow back nga niya ko eh!" dugtong pa niya. Nainis ako. Kasi alam mo ba, finollow back mo rin ako. Kahit masamang umasa, umasa ako eh. Akala ko may pag-asa.
Tas narealize ko, oo nga pala. President ka pala ng Student Council. Lahat pala kaibigan mo, lahat pala pinapakisamahan mo, lahat pala ineentertain mo. Baka nga pala crush ka pa ng bayan.
Naramdaman mo rin ba yun? Yung sakit na nadama ko kahit hindi naman tayo, kahit wala namang tayo.
-
Vacant namin nun. Nakatambay lang kami sa pathway. Nagkekwentuhan lang. Tawa pa ko ng tawa nun nang sinabi sakin ng kaibigan kong dadaan ka.
Nanahimik ako nun. Mukha pa kong tanga nakangiti habang nakatitig sayo. At ang hindi ko inaasahan, nung nginitian mo ko. Parang huminto yung mundo, kahit ang corny pakinggan. Parang ikaw lang at ako, parang tayo lang ang nandun sa mga oras na yun.
Nakaalis ka na at handa na kong magwala sa sobrang kilig. Pero dahil pinanuod kitang umalis, nakita ko. Nakita ko kung pano mo nginitian yung iba.
Naramdaman ko kung pano unti-unting nadudurog yung puso ko.
-
Tuwing lunch dumadaan kami dun sa pathway malapit sa office mo. Ewan ko. Baliw na siguro ako, gusto ko kasi makita ka kahit saglit lang.
At yung oras na yun, magkakasalubong tayo. Pinaghandaan ko, pinagplanuhan ko kung anong gagawin ko pag nagkalapit na tayo. Babanggain ba kita? Kakausapin ba kita? Papansin mo ba ko? Yun na ata ang pinakamahaba at pinakamabilis na mga segundo ng buhay ko.
Pero habang nag-iisip pa ko, nadaanan mo na pala ko. Parang hangin, nawala ka agad. Parang bula, naglaho agad.
Sana naramdaman mo, yung pag-asa kong unti-unting naglalaho.
-
"Eya. Napanu ka? Bakit ganyan itsura mo? Parang pinagbagsakan ng langit at lupa."
"Huh?" yan na lang nasabi ko. Para akong lutang. Alam mo ba bakit?
Last night nagfacebook ako, tinignan ko agad yung profile mo. Halos masabi ko na lahat ng mura. Syet. Ang sakit lang. Nakita ko kasi yung picture mo, may nakakiss sayo sa cheeks.
Pero alam mo anong mas masakit? Yung mga tweets mo sa twitter. Nandun kasi lahat ng gusto mong sabihin, lahat nang nararamdaman mo para sa kanya. Nararamdman mo para sa babaeng mahal mo.
Lahat ng pag-asang meron ako, gumuho. Merong ikaw, merong ako pero kahit kailan walang tayo.
Kasi ikaw nga pala si JC. Hanggang sulyap ka nga lang pala. Hanggang sa malayuan. Hanggang dito nga lang pala ako. Mahirap ka nga palang abutin. Kasi kahit anong gawin ko, wala. Kasi hanggang pangarap ka nga lang pala.
--
Kind of based on a true story but mostly pure fiction.