CYPRIAN
Maaga akong nagising. Mali pala, hindi pala ako natulog. May pinagkakaabalahan kasi ako.
Ginagayak ko ang mga gamit namin para sa aming paglabas.
Mamayang gabi na kami aalis, walang kasiguraduhan kung babalik pa kami dito, aalis papunta ng surface.
"Ian! Pahinga ka muna kaya. Tatlong araw ka nang hindi natutulog" bati sa akin ni Keifer kasama ang pagakbay sa akin.
"Oo nga Ian. Baka mahirapan ka mamaya sa pagalis natin" pagsang-ayon pa ni Ace sa sinabi ni Keifer.
"Hindi makikinig sa inyo yan pramis!" Napasmirk ako sa nagsalita at binigyan ng isang mabilis na tingin. Kabisado talaga ako ni Hugo.
"At dahil diyan dinalan ka namin ng pagkain! Nagtatampo na sayo kusina Ian!" Dumating naman si Leif na may dalang tray at puro pagkain ang laman.
"Oh!" Ibinaba naman ni Onyx ang dalawang pitchel ng juice sa lamesa "Panulak"
"Di kumpleto pag walang desserts!" Napalingon kami sa may pintuan at nakita naming may dalang dalawang box na puro sweets ang dala ni Zesiro.
"Sakto ah?" Sabi ni Keifer at kinalutkot ang box. Pinalo naman ni Zesiro ang kamay ni Keifer kaya napa himas ito sa namumulang kamay.
"Desserts are eaten after the main course! Akala ko ba Graduating chef ka ha! Bat di mo alam yun?" Nagbubungangang sabi ni Zesiro. Natawa ako kasi mukhang pinapagalitan ng isang ina ang kanyang ina. Si Keifer ang pinakamatanda sa aming magkakaibigan pero siya ang madalas magmukhang bata.
"Kasi naman eh! Wala na tayo sa dating ginagalawan natin! Di na ako gagraduate! Iba na ang mundo natin Zesiro. Naman oh!" Napakamot ng ulo si Keifer.
"Oo nga naman Zesiro!" Minasahe ni Onyx ang balikat ni Zesiro.
"Daan na lang sa kain!! Woo! Woo! Woo!" This is what I like about Hugo. Icebreaker and Mood maker.
Pagkatapos namin lantakan ang mga pagkain na nasa lamesa ay umuwi muna kami sa kanya-kanya naming bahay.
Inempake ko na lahat ng kakailanganin ko sa paglabas namin mamayang gabi.
KEIFER
BINABASA MO ANG
Kalliope
RandomThe world is in total chaos. Lurking monsters are ruling over the earth. 84% population of the world vanished in a blink of an eye. The people hid, maybe forever, cause it's helpless to fought against those monsters. Then Kalliope comes into the pic...