" Ganyan ka ba talaga?! ", sabi ko sa kanya habang tumutulo ang luha. Hindi ko makita ang ekspresyon sa mukha nya. Maliwanag, maganda at masaya ang ekspresyon ng paligid pero di ko ramdam.
" Wala ka bang sasabihin. Sabi ko mahal kita. Di mo ba sasagutin? ", wala pa rin syang imik. Kahit ano naman sagot tatanggapin ko kahit di ko gusto. Nakakainis na. Lagi bang ganito ang set-up namin.
" Please pakisabi naman kung anung problema? Pangit ba ako? Ayaw mo ba talaga sakin ? Ilang beses na ba akong nagsabi sayo ? Hanggang ngayon wala ka pa rin sagot. Pwede mo namang ' sorry di kita gusto ' hindi pinaasa mo pa ako. "
Nananatili pa walang sagot mula sa kanya. Ingay ng ihip ng hangin at huni ng ibo ang naririnig.
" Bahala ka na. Ganyan ka ehh. ", wala akong nagawa kundi umalis. Ang masakit lang hindi man lang ako pinigilan para bigyan ng sagot.
***
Dalawang araw ang nakakaraan mula ng araw na iyon at wala ako ginawa kundi iwasan sya.
Nandyan na sya. Papalapit. Walang ibang tao dito parte ng hallway. Nanunuyo ang labi ko. Di ko pa ata sya kayang makita matapos ang mangyayari.
" I love you ", sabi nya. Parang nabingi ako.
Tinitigan ko sya. Parang huminto ang oras. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
" I love you sabi ko. Wala ka bang sasabihin ", di ko alam kung bakit ako tumalikod at naglakad papalayo sa kanya. Mga sampung hakbang. Naramdaman ko ang pagkabig nya sakin.
Ngayon yakap nya ako. Di ko alam nanlalambot ako. Parang bibigay ang mga tuhod ko. Tumulo ang luha ko ng di ko alam.
" Ganyan ka ba talaga?! ", tanong nya.
" Mahal kita noon pa di mo ba nakikita. " sabi nya.
Sabi ko, " Kung totoo ba't ngayon lang? ". Mas humigpit ang yakap nya.
" Sorry kung lagi kitang tinataboy. Kung lagi akong di sumasagot sa mga confession mo. Natatakot lang ako. "
" Natatakot, ikaw? bakit? ". Ano naman yung kinatatakot nya? Masaktan ehh ako nga dapat di ba?
" Natatakot ako dahil bata pa tayo. Natatakot ako dahil baka di natin makaya. Natatakot ako na baka pag-dumating yung time na iwan mo ako di ko kayanin. ", pagtatapat nya.
Kumawala ako sa yakap nya at binatukan sya.
" Aray ang sakit ", reklamo nya tapos niyakap ko sya at sinabi.
" Mahal kita. Wag natin isipin yung mga bagay na di natin gustong mangyari sa atin. Magtiwala ka sa atin na di tayo maghihiwalay. Na kakayanin yung mga pagsubok na darating. Walang makakapasabi ng hinaharap pero gusto ko magpakatatag tayo. Ngayon mahal kita at mahal mo ako. Lets cherish this love "
BINABASA MO ANG
Ganyan Ka Ba Talaga?
Fiksi Remaja" Ganyan ka ba talaga?! ", sabi ko sa kanya habang tumutulo ang luha.