Chapter Two

26 3 0
                                    

Chaim Chua's POV

"Hello, Chaim..."

Sino nanaman ba to? Ganun ba ako kasikat at halos lahat gustong makuha Number ko?

"Hello, sino to?"

Syempre, kahit na bwisit na bwisit na ako dito, kailangan pa din umastang mabait. Malay mo, fan.

"Huwag kang plastic, baby ko, pwede ba?"

Okay, ngayon alam ko na kung sino to.

"Terrence Uy, pwede ba tigilan mo na ako?!"

"Ouch naman, Chaim. Kakakilala pa lang natin eh... Si Baby ko talaga oh."

Wait, what? Anong sabi niya? Baby ko?  Kadiri siya!

"Anong baby mo? Baby mo mukha mo! Che!"

Sa sobrang inis ko, muntikan ko nang ibato yung phone ko. Pero naisip ko, sayang naman yung phone ko. Kakabili ko lang niyan nung nakaraang linggo eh. Sayang naman. Kaya... in-end call ko na lang.

In-off ko yung phone ko. Baka tawagan ulit ako nung kupal na yun eh. Alam ko na! Magrerelax na lang ako sa Jacuzzi.

Terrence Uy's POV

Nung una kong pagkakita kay Chaim, okay naman siya. She looks perfect. And that means another girl for Terrence Uy!  Kung nakita niyo lang sana yung mukha niya nung tinawag ko siyang 'hindi maganda'! Grabe, ganun pala siya ka-sensitive. Pagkaalis ni Chaim, tinawag ko si Mike, "Mike! Halika nga dito.", lumapit naman siya.

"Bakit Sir Terrence?" Tanong niya.

"Cell # ni Chaim or puputulin ko lahat ng connections niyo sa conpany ko." Mukha naman siyang natakot. At ibinigay din niya yung # ni Chaim. Hahaha! Mga uto-uto na talaga ang mga tao ngayon. Nagfacebook muna ako at naisip ko, i-add ko kaya siya? So, ayun, in-add ko siya. Pagkatapos kong magshower, tumawag ako sa kanya.

"Hello, Chaim..." Huhulaan ko. Napatulala ito. Walang sinasabi eh.

"Hello, sino to?" Heto nanaman siya, Plastic. Syempre di pa niya ako kilala kaya ganyan siya. Akala niya siguro, fan niya ako. Never!

"Huwag kang plastic, baby ko, pwede ba?" Iniimagine ko palang ang mukha niya ngayon, natatawa na kaagad ako! Siguro alam na niya kung sino ako.

"Terrence Uy, pwede ba tigilan mo na ako?!"  Ang sarap niyang pag-tripan. Ito yung mga gusto ko eh, yung nagrereact agad

"Ouch naman, Chaim. Kakakilala pa lang natin eh... Si Baby ko talaga oh." For sure bumubulusok na siya sa sobrang galit.

"Anong baby mo? Baby mo mukha mo! Che!" Sabay Baba ng Phone. Ganun pala siya kapikon? Mga babae nga naman oh. Ang aarte! Ano ba tong iniisip ko! Naalala ko nanaman siya.

Ayaw ko nang maalala siya ulit. Aish! Itutulog ko na nga lang ito!

A Kiss From A GansterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon