"Fvk! Nakakapagod mag-aral! Bakit kasi ito pa ang kinuha kong course eh! Tae lang! Shit! Lahat na ata ng kamalasan sa mundo nasa akin na!"
Andito ako sa isang lugar na malayo sa stress, sa ingay... Sa city. Kitang-kita ko rito ang mga ilaw ng mga bahay at mga buildings.
Sobrang ganda ng lugar na 'to... Mataas, ako lang mag-isa, nakakatanggal ng pagod. Nakasandal ako sa kotse ko habang pinagmamasdan ang mga stars. Nagsisisigaw ako rito para magpagaan ng loob. Dito ang nagiging takbuhan ko sa lahat ng nagyayari sa buhay ko.
"Pst!... Ang ingay mo, baka magsilaglagan ang mga stars sa 'yo." May biglang ngsalita sa likod ko.
Bigla siyang tumabi sa 'kin. Pinagmasdan ko lang siya habang nakatingin siya sa mga stars.
Mukang sobra syang nag-eenjoy sa panunuod sa mga stars that were shining brightly above us.
"Wag ka sumigaw, favorite ko pa naman ang mga stars." Sabi nya.
Nakasuot siya ng high-cut black converse, mini flowy skirt, over sized na t-shirt, no make-up's and blue bonnet. Simpleng tignan at parang lalaki kumilos. Hinahawi ng hangin ang kanyang kulot na buhok.
Don't get me wrong hindi ko siya gusto, ni hindi ko siya type. Ibang iba siya sa aking ideal girl.
"Ba't ka nandito miss? Teritoryo ko 'to kaya please lang humanap ka ng sarili mong spot." Sabi ko sa girl nang matauhan na ako.
"Ayaw ko nga... Bakit nabili mo ba 'tong lugar na to? Pakita mo nga papeles mo skin?... Ahahah"
"Tss so annoying, alam mo miss pumunta ako rito para mapag-isa at makalayo sa sakit ng ulo"
"Same lang pala tayo eh, edi magsama muna tayo, haha."
Tsk, ibang klase 'tong babaeng 'to, hindi natatakot na may kasamang stranger na lalaki sa isang madilim at walang katao-taong lugar.
Hinayaan ko na lang siya at pinikit ko na lang mga mata ko nang biglang....
"Ahhhh!!!!!!! Shoutieee ko!!!!" Biglang sumigaw yung katabi ko kaya bigla akong napamulat.
"Ano ba? Pwede 'yang bunganga mo lagyan mo na lang ng tape o mas mabuti pang umuwi ka na lang."
"Ang damut nito, menopose baby ka ba? Hahaha!"
Pinikit ko na lang ulit ang mga mata ko.
"Hoy gising! May papakita ako sa 'yo!" Sigaw niya sa tenga ko.
"Ano ba miss? Ano ba kasi yun?"
"Yun oh..." May tinuturo sya sa langit at hindi ko alam kung ano yun.
"Saan?" Dahil curious ako.
"Yung star na malapit sa moon... Yun oh... Nakita mo na ba?"
"Saan?"
Kinuha niya yung kamay ko tapos ginamit niya 'to para ipangturo sa star na sinasbi niya.
"Ayon, nakita ko na." Napangiti naman ako nang finally nakita ko na ung star na sinasabi nya, sobrang liwanag ng star na yun.
"Alam mo ba yan si Shoutie ko"
"Shoutie?" Ano raw yun?
"Yung namatay kong aso... Best friend ko rin yun eh, siya lang nakakaintindi sa 'kin, siya lang ang kasama ko noon kung malungkot at masaya ako." Ang lungkot ng boses at mukha nya, nakatingin lang siya kay Shoutie. Mahal niya talaga yung aso niya.
"Alam mo bang 'pag meron tayong namatay na mahal sa buhay, magiging star sila, para lagi natin silang nakikita at nakikita parin nila tayo?" Sa sinabi niyang yun, napangiti sya.