■ limampu't siyam ■

12 1 0
                                    

limampu't siyam 

                    by: YDC_11


Hello nga pala.

Uhh... Ano nga pala...

Umm... tsk! Uhh...

So-sorry nga pala.

Sorry dahil ako pala

'Yung... tama ba? 'Yung pinaasa?

Naku! Sampung segundo agad...


Wait-wait. Tanda mo pa ba?

Yung ano, doon sa ilalim ng akasya.

Kung saan nakaukit yung pusong

Naglalaman ng pangalan nating dalawa.

Teka. Masyado na ata akong nagiging makata.

Para nga pala sayo 'tong ginawa ko.

Anubayan! Twenty-five seconds na agad ang lumipas!

'Di ko na namalayan...


Teka-teka! Ang bilis naman ata ng oras...

Kasimbilis ata noong... noong ano

Noong bigla ka nalang umalis– Ahh! Noong ano...

Noong nanalo tayo nang teddy bear sa perya.

Ang saya noon, grabe! Namimiss ko na 'yung sayang iyon.

'Yung sayang mabilis na naglaho...

Oo na! Fifteen seconds na lang...


Bibilisan ko na! Baka mahuli pa 'tong mga salitang bibitawan ko

Na pati 'tong boses ko ay nahahalata kong nabahiran din ng sakit at 

Mga ala-alang muling binabalikan kahit na

Ang sakit sakit sakit sakit na at sugat sugat sugat na ang nasa loob nitong dibdib ko

Minamahal pa rin ata kita pero ako? Minahal na lang...

Napabilis na ata 'yung  pagsasalita ko.

Pero sana maunawaan mo ang lahat...

Salamat sa oras mo kahit isang minuto lang ang sinabi mo, salamat dahil kahit sa huling sandali

Ay nandito tayo sa ilalim ng puno ng akasya...

At sa huling segundo ng isang minutong 'to...

"Paalam––"





▄ ▄ ▄ ▄ ▄ ▄ ▄ ▄ ▄ ▄

P/N (Poet's Note hahaha)

Salamat sa pagbabasa ng unang tula ko para sa compilation na ito! Haha sana ma-enjoy niyo at I'm free for suggestions, recommendations, opinions... Kung may gusto ba kayong ipagawang tula for someone or para sa isang bagay basta hahahaha... XD Abangan ang iba pang mga tula


P.S. highschool student pa lang po ako so don't expect for mature or somehow not really suitable for teenagers pero I'll try my very best to entertain and consider all of you as long as it's considerable HAHA 

:))))))))))))))))))

-YDC_11



SyonsepperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon