■ Tayo ■

7 1 0
                                    

Tayo

          by: YDC_11


Ikaw at ako

Parang mga bulaklak na maririkit

Ngunit minsan meron palang tinik...

Ikaw at ako

Parang hangin na kaysarap langhapin

Ngunit minsa'y nagdurumi rin...

Ikaw at ako

Parang mga damong ang sarap upuan

Pero minsan, meron palang mga langgam...

Ikaw at ako

Parang mga gubat na masarap pakinggan

Ngunit minsa'y naglalaman ng kababalaghan...

Ikaw at ako

Parang bukang liwayway na masinag

Ngunit ang sinag na iyon ay 'di rin minsan nagtatagal

Ikaw at ako 

Parang apoy na nakakapagpasarap ng isang malamig na gabi

Ngunit ang apoy na 'yun 'pag nakalimutan ay 'di mawari

Ikaw at ako

Ako at ikaw

May mga kagandahan

At mga kasalungat na 'di maiiwasan

Kaya nagpapasalamat pa rin ako...

Na kahit papaano,

Umiral ang isang... "tayo".




SyonsepperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon