PROLOGUE

1.1K 42 2
                                    

"Tuez-les maintenant!" (Kill them now) isang nakakatakot na utos ng Head sa amin. Nagaalinlangan naming itinutok ang hawak na mga baril.

"Je ne peux pas! Je suis désolé.." (I cant! Im sorry) Pagkasabi ko nun ay may isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw. Natigilan kaming tatlo ng makitang bumalagta ang babae kasama ang pamilya nito. Naikuyom ko ang kamao ko.

"Allez maintenant ! Votre punition est commencée !" (Go now! your punishment is begun!) Malamig na utos nito. Wala kaming nagawa at sumumod sa inu-utos nito.

Bumalik kami sa simbahan. Kaming tatlo ay pinaluhod sa tapat ng altar habang nakayuko. Pinaghahampas kami ng latigo sa likuran. Hindi kami makaramdam ng sakit.... Sanay na kami. Sanay na kami sa ganitong parusa. Kapag hindi namin magawa ang mga pinag uutos nila ay pinarurusahan kami.

Isa pa... Wala kaming karapatan na kumitil ng buhay. Ang diyos lang ang may karapatan niyon. Pero hindi ko maintindihan.... Bakit ang alagad ng diyos ay kailangang kumitil ng buhay?? Mas masahol pa sila kay satanas...


Oo nga pala... Nakalimutan ko... Kasapi rin kami sa kanya... Ibig sabihin mas masahol rin kami kay satanas. Kami ay isang makasalan na tao. Kumikitil kami ng buhay dahil sa mga pinag uutos nila..

Bukas, Sa susunod na araw.... Araw araw ganon ang pinapagawa nila sa amin...

Ngayon sinumpa naming tatlo na tatalikuran namin ang simbahan. Hindi namin tatalikuran ang diyos... Kundi ang simbahan na mas masahol pa sa impyerno!

∵∵∵

" Laissons cet endroit maintenant . Il n'y a aucune raison pour que nous soyons ici!" (Let's leave this place now. There's no reason for us to be here) Narinig kong suhestyon ni Sera. Mabilis kaming sumang ayon sa kaniya tsaka nagmadaling tumakas sa simbahan.

" Leur disparu ! Ils se sont enfuis !" ( Their gone! They got away!) Mula sa di kalayuan ay rinig namin ang tinig na iyon. Nagmadali kaming tumakbo palayo. Palayo sa mundong mas masahol pa sa impyerno...

∵∵∵

French po yung language :D Nasa Europe po yung place. Btw let's go to chapter 1 !



The God's Sinners (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon