Chapter 8

398 22 7
                                    

Arsen's POV  

Nang sabihin iyon ni Albert ay naghintay muna akong umalis sila bago ako sumunod. Nang makapunta ako sa cafeteria ay naabutan ko nalang na papaalis na si Rias.


Freak...

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinundan siya. Huminto lang ako sa pagsunod sa kanya ng makarating kami sa pool area. Nakita ko siyang umupo sa gilid at ibinabad ang paa niya sa tubig.


Imbis na lumapit ay nakamasid lang ako sa pinto. Napansin ko ang pagiging malungkot ng mukha niya.



"Dear god, please forgive my unnecessary actions.... im sorry because i let my emotions take over." Malungkot na sabi nito. Napakunot naman ang noo ko.

Maya-maya lang ay bigla itong tumayo. Ngunit biglaan itong na out of balance at tuluyan na itong nahulog sa pool. Natigilan ako ng makitang hindi ito umahon. Walang salitang tumakbo ako sa pool at tumalon sa tubig.


Nang makita ko siya sa ilalim ay kaagad akong lumangoy palapit sa kaniya. Nang mahawakan ko ang balikat niya ay mabilis ko siyang inangat. Wala itong kakilos-kilos kaya kinabahan na ako.


Nang maihahon ko siya sa gilid ng pool ay mabilis akong lumapit sa kaniya. Wala itong malay. Nilapit ko ang mukha ko at pinakinggan kung humihinga pa ito.

"Shit!" Nang mapansin kong mahina nalang ang heart beat niya ay hindi na akong nagdalawang isip pa.

Pinump ko kaagad ang dibdib niya tsaka ko nilapat ang labi ko sa labi niya. Binigyan ko siya ng hangin gamit ang bibig ko.

Patuloy parin ako sa pag pump. Hanggang sa bigla nalang siyang napaubo at lumabas ang tubig sa bibig niya. Nakahinga ako ng maluwag at napaupo sa gilid ng pool.

"J-je suis vivant?" (Im alive) napatingin ako sa kaniya habang nakakunot ang noo. Naging alien na naman siya. Ilang saglit lang ay napatingin siya sa direksyon ko. Nung una ay nakatulala lang ito hanggang sa biglang nagulat ang reaction at lunayo sakin.


"A-anong g-ginawa m-mo!?" Gulat na gulat na tanong nito. tsaka ko lang narealize ang iniisio niya.

"Stop thinking nonsense! Nag CPR lang ako sayo." Iritang sabi ko naman. Bigla namang natauhan siya at lumungkot ang mukha.


"S-sorry." Sabi nito. Napansin kong basang basa na siya. Baka magkasakit pa to.


"Achoooo~" Haysss..

-___-

Kaagad akong tumayo at nilapitan siya. Hinatak ko siya sa kamay kaya napatayo siya.

"Where are we going?" Tanong niya ng mag umpisa kaming maglakad. Hawak ko parin ang kamay niya. Ngunit hindi ako sumagot. Obvious naman na ayokong makipag usap at nahalata naman niya kaya tumahimik siya.



Malapit sa pool area ay pumasok kami sa locker room ng boys. Nahalata ko ang pagkailap niya. Huminto kami doon at pununta ako sa locker ko. Kinuha ko yung dalawang extrang jersey ko.


Lumapit ako sa kanya at inabot yung isang jersey. Nagulat pa siya pero kinuha niya rin.

"Nandun yung shower. Maligo ka baka magkasakit ka. Meron na dung towel." Sabi ko dito. Ngunit nakatingin lang siya sakin. Alam ko yung tingin na yun. give me a break..

"Don't worry im not going to peep." sabi ko naman at umupo sa bench. Saglit lang siyang nakatayo sa harap ko maya-maya lang ay nagumpisa na itong maglakad.

Nang masigurado kong wala na siya ay nilock ko na yung pinto. Baka kasi may makapasok. Nagumpisa narin akong maghubad ng basa kong damit at short.



Pagkasuot ko ng jersey ay nilagay ko nayung basang uniform ko sa loob ng locker. Umupo nalang ako sa bench para hintayin siyang makalabas.


"YAAAAAAAAAAAAAAAAH!" Mabilis akong napatayo ng marinig ang sigaw nito sa shower room. Patakbong tinungo ko yung shower room kung saan siya naliligo.

Nang makapunta ako doon ay kaagad akong kumatok sa pinto. Ngunit saktong kakatok ulit ako ng biglang bumukas yung pinto at lumabas siya doon. Dahil nasa harap niya ako ay nagulat siya at na out of balance ulit kaya parehas kaming natumba sa sahig.


Napapikit ako ng mga sandaling iyon. Ngunit hindi ko inaasahan ang makikita ko ng bigla akong nagdilat ng mata. Tsaka ko lang narealize na naka tapis lang ito ng tuwalya. Dahil sa nakapatong siya sakin ay halos matanggal na yung  tapis sa katawan nito. Naramdaman ko agad ang pamumula ng mukha ko. Saktong nagtama yung mata namin. Hindi ako makagalaw.

Ilang saglit lang ay napansin ko ang palaiyak niyang mukha. Napatikhim ako at umiwas ng tingin.

"Get up. Magbihis ka na." Sabi ko dito at hindi pinahalata ang pamumula ng mukha ko. Baka kung ano pa ang sabihin niya. Tumayo naman siya at kaagad na inayos yung tuwalya sa katawan niya. Nang makita kong pumasok siya ulit sa loob ng shower room ay tumayo na ako.


Hindi ko nalang siya hinintay at lumabas na ako. Kapag nagtagal pa ako doon ay baka hindi ko na alam ang magawa ko. Ngayong pa man na hindi maalis sa isip ko ang hubog ng katawan niya... shit! What am i even thinking about! There's no way im going to like that freak...but damn!


Napabuntong hininga nalang ako. Tsaka ko lang napansin ang oras ng makitang nagsisiuwian na yung mga students. Dumiretso nalang ako sa parking lot para makauwi na. I need to forget what i saw.


∵∵∵

Rias Guinevere's POV

Matapos kong makapagpalit ng jersey ay hindi parin maalis ang pagiinit ng pisngi ko. Waaaaah! Ang dami ko ng nagawang kasalanan ngayong araw...

Dear god, what am i going to do? Help me please!!!


Kung hindi dahil sa daga hindi mangyayari iyon. Paano ba magkakaroon ng daga doon? Nakakahiya! Nakita niya ako. Baka kung ano na ang isipin niya.


Kaagad ko siyang hinanap sa locker room. Ngunit wala na siya doon. Waaaah! Baka mamaya galit siya sakin....  (T ^ T)

Lumabas nalang ako at hinanap sila Sera at Zandra. Habang naglalakad ay saktong nakasalubong ko sila. Kaagad ako tumakbo palapit sa kanila at dinamba ng yakap.

"Waaaaaaah!! Help me!" Naiiyak na sabi ko. Parehas silang nagkatinginan.


"Where have you been? Kanina ka pa namin hinahanap." Tanong ni Zandra habang nakakunot ang noo. Nakanguso lang ako.


"What happened? Bakit ganyan ang suot mo?" seryosong tanong naman ni Sera.


"I-i...I-i" nauutal na sabi ko. Hindi ko maituloy tuloy ang sasabihin ko. Parehas silang naguluhan at halata ang pagtataka.

Nang ikwento ko sa kanila ang nangyari kanina ay bigla silang napasigaw.

.·´¯'(>▂<)´¯'·.

∵∵∵

KYAAA! Kilig to the max!!

\(^O^)/

The God's Sinners (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon