"Find the Princess! Don't let her escape again." Nagkakagulo ang mga kawal sa palasyo dahil sa paghahanap sa nakatakas na Prinsesa.
Sa loob ng kagubatan, lakad takbo ang ginawa ng Prinsesa para lang hindi siya mahuli ng mga humahabol sa kanya.
"Dito, hanapin ninyo!" sigaw ng papalapit na pinuno ng mga kawal"
Agad nagtago ang Prinsesa sa likod ng malaking puno. Sa sobrang kaba niya na baka mahuli ay hindi na siya nakapag isip at agad na nag chant ng unang spell na pumasok sa isipan niya upang makatakas.
'le pertele opondo!'
May isang liwanag ang biglang lumitaw sa harap ng puno. Akmang lalabas na siya sa pinagtataguan ng bigla niyang marinig ang boses ng mga kawal. Dali dali siyang bumalik sa pagtatago sa puno.
"Ay tae!" Napalingon siya sa may portal na kanyang ginawa. May isang babae doon na nakadapa at hindi niya malaman kung ano ang suot nito.
"Langya naman o! nadapa pa, tanga ko talaga" Nakangiwing tumayo ang babae at pinagpagan ang sarili, pagkatapos ay lumingon lingon sa paligid. Habang pinagmamasdan ng Prinsesa ang babae ay doon niya napantanto na magkahawig sila ng mukha.
"Where on earth?" Nakakunot noo na sambit niya. Naguguluhan man ay naglakad ito hanggang sa malagpasan ang puno na tinataguan ng Prinsesa.
"Ayon ang Prinsesa!"
"Huwag niyo siya hayaang makatakas muli!"
Mabilis na lumapit ang mga kawal at agad hinawakan ang inaakala nilang Prinsesa para hindi makawala.
"Teka teka let go nga! ano ba! Kidnap!" Pilit na nagpupumiglas ang babae ngunit mahigpit ang pagkakahawak sa kanya para hindi makawala.
"Huwag niyo subukan pang kumawala Mahal na Prinsesa, hinahanap na kayo ng inyong Amang Hari." sabi ng pinuno ng mga kawal. Wala ng magawa ang babae dahil pinipilit siya nitong hilain palayo.
Nakakuha naman ng pagkakataon ang tunay na Prinsesa na makatakas kaya agad siyang pumasok sa Portal.
BINABASA MO ANG
Swap
Random(this story is 'kinda' inspired from fairytail *the edolas part*) Two ladies The same faces Different personalities Different worlds They Swap