Chapter Two: "At The Beginning"

1K 13 8
                                    

Ella: [Bumubulung-bulong habang pabalik sa tambayan: Loyal daw. Psh. Kailan kaya.]

Tammy: [Kumakain ng chips] Oh, Ella. Bakit ang tagal mo naman?

Ella: Uh-eh. Si Pat-- ano kasi maraming tao sa library kaya medyo natagalan ako.

Tammy: Ganun ba? Gusto mo? [Inalok ng chips]

Ella: [Umiling at umupo sa bench] Busog pa ko eh.

Tammy: Kaw bahala. [Kumain ulit ng chips]

Tikoy: Ako, Tammy! Pahingi!

Tammy: [Dumila] Bumili ka!

Tikoy: Grabe, wag madamot. [Tumayo at inagaw ang chips kay Tammy]

Tammy: Ay grabe! Wag din bastos, kinakain ko pa eh!

Tikoy: [Sumubo ng chips] Aaah, so plano mong ibigay sa'kin kapag ubos na?

Tammy: Ganun na nga..

Tikoy: Ha.Ha. Nakakatawa

Tammy: Hindi naman ako nagpapatawa eh

Tikoy: Aaah, barahan toh?

Tammy: Pwede rin.

Tikoy: O sig--

Winston: [Patakbo na dumating; hinihingal] Guys.. 

Ella: Oh? Ba't ka hinihingal?

Winston: Tulungan nyo ko.. si, si Britney..

Ella: Anong nangyari?

Winston: Nandun sa gym, nakikipag-away. Hindi ko mapigilan

Ella: Ha?! Tara, guys!

- Sa Gym -

Britney: Aaah, so ako pa ngayon ang malandi?

"Karen - Anak ng may-ari ng school"

Karen: Oo. Obvious naman sa mukha mo eh!

Britney: Hoy! Bading na babae! Tigilan mo ako ah, kapag hindi ako nakapagpigil - papatulan talaga kita 

Winston: Cupcake!

Karen: Nandito na pala ang [Pang-asar na boses] "pakwan" mo.

Britney: Pwede? Mocha kasi, hindi pakwan.. Cheap mo!

Karen: At least, hindi ako mangkukulam na katulad mo.

Britney: Sumusobra ka na ah! [Susugod na sana pero biglang dumating sina Ella, Tammy at Tikoy]

Ella: [Pinigilan si Britney] Britney. Britney. Wag mo nang patulan yan.

Karen: [Crossed-arms; taas kilay] Nandito na pala ang mga EPAL mong kaibigan.

Ella: Pwede bang tumigil ka na? Wala naman kaming ginagawa sayo.

Karen: Meron kaya.

Tammy: Sabihin mo na nang tumigil ka na.

Karen: Hindi kayo nararapat sa school na to! Kaya umalis na kayo dito!

Britney: Hoy! Hindi dahil anak ka ng presidente ng school na to, eh ikaw na rin ang masusunod. Pare-pareho lang tayong nababayad dito!

Karen: Talaga lang ah? Kayang-kaya ko kayo paalisin sa school na to!

Ella: Tara na guys, wag nyo nang pakinggan yung nonsense na pinagsasabi nya.

Karen: Hoy, Britney! Hindi pa tayo tapos!

Britney: [Lumingon kay Karen] Kung saan, kailan, at sa paanong paraan. Magpasabi ka lang, hindi kita uurungan! 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

- Naglalakad pauwi ang Barkada -

Tammy: Hindi talaga ako makamove on dun sa sinabi mo, Britney.

Britney: Well, magaling ba? Galing yun kay Sharon Cuneta.

Ella: Naman noh! Natunganga lang kaya si Karen nun. [Tumawa]

Winston: Oo. The best ka talaga, Cupcake ko!

Tikoy: Wait lang guys, nasan si Patrick?

Tammy: Malay.

Winston: Hmm, hindi pa namin sya nakikita eh.

Ella: [Tahimik]

Tikoy: Ella?

Ella: Ha?

Tikoy: Nakita mo ba si Patrick?

Ella: HINDI AH!

Tikoy: Oh, chill ka lang. Nagtanong lang ako.

Tammy: Hindi kaya nag-away na naman sila ni Ella.

Ella: [Gulps] Kasalanan nya eh..

Tikoy: [Tumawa] Sabi ko na nga ba eh..

Ella: Ano ba yun?

Tikoy: Kung hindi mo napapansin, Ella. Hindi sumasama sa'tin si Patrick pauwi kapag nag-aaway kayo.

Ella: Ay, ganun? Arte nya ah. Kung ayaw nya kong makita, di wag! [Nauna sa kanila sa paglalakad]

Tikoy: Ella!

Ella: [Nakarating na sa bahay nila; pumasok kaagad]

Ella's P.O.V.: 

               Nakakainis talaga yun si Patrick! Ngayon ko lang nalaman yun ah? Grabe, ako talaga ang ginagawa nyang dahilan para hindi sumama sa'min. Kung ayaw nya akong makasama, mas ayaw ko syang makasama! Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Patrick.

- Cellphone Conversation -

Ella: "Hoy Patrick!" x(

Patrick: "Bkit? Miss mo na ko?" :)

Ella: "ASA. May kasalanan ka sa'kin!"

Patrick: "Ano na nman ba? Prang arw-arw nman ata akong may kasalanan sayo eh. Sanay na ko."

Ella: "Angas mo tlga eh noh? Bkit wla ka knina?"

Patrick: "Kita mo na, prang inamin mo na namimiss mo ko."

Ella: "Umayos ka nga."

Patrick: "Nsa basketball practice. Bakit ba?"

Ella: "Bka palusot mo lng yan pra mkaiwas sa'kin. Ksi sbi ni Tikoy sa'kin na tuwing nag-aaway daw tayo, eh hndi ka sumasabay sa barkada."

Patrick: "Anong pauso un? Hndi ah.. As much as possible, ayaw ko ngang mapalayo sayo eh.."

You've Fallen For Me {KathNiel}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon