Chapter 1

7 0 0
                                    

"Anak, Bumaba ka na ipinagluto kita ng paborito mong breakfast" sigaw ni mama galing sa kitchen.

Napatayo naman ako agad kasi ang bango bango na ng pagkain dito sa room. Eh sabi nga nila, masama raw pinapahintay ang pagkain. Kaya ayun, tumakbo agad ako pababa sa kitchen at nakita ko naman agad si mama na hinahanda ang table.

Nakapagtataka.... pero pabayaan na nga.

Umupo na ako at si mama at papa rin. Masaya na kaming kumakain sabay sabay hanggang sa nagulat ako kasi nagiba na ang senario....

Imbes na kasama ko ang magulang ko na kumakain, si yaya na ang naging kasama ko.

"Boy gising na"

"Boy"

"Gising na"

--

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko hanggang sa nakita ko si yaya na gumigising sa akin

"Boy gising na may pasok ka pa"

"Umalis ka nga!" sigaw ko sa kanya. Agad naman siyang umalis at napaupo narin ako sa kama.

"Letcheng panaginip yun. Bat ba naman ako mag iisip na mangyayari yun? Sus mamatay nalang siguro ako di pa siguro" Bulong ko sa sarili ko.

Agad akong pumasok sa banyo at naligo. Oo, may sarili akong banyo sa room ko. Well, mayaman kami eh since we own a big company. Kaya naman wala ng time sakin ang sarili kong parents since nasa labas lagi sila inaasikaso ang kanilang work kesa sa kanilang sariling anak. Ang naiwan lang dito ako, manong at si yaya Belen. Rude ako sa lahat ng tao, even sa parents and siblings ko, kasi sa kanila ko nilalabas ang galit na nararamdaman ko sa parents ko. Kaya ngayon, wala ako masyadong friends sa school kasi nahihirapan akong mag socialize sa ibang tao dahil sa asal ko. Di ko rin naman to mababago eh, di rin nila ako masisisi.

After ko maligo, nagbihis na ako ng uniform. And by the way, I am Olly Kyle Garcia, 14 years old, 2nd year highschool at currently nag aaral sa Ateneo University.

Agad na akong bumaba at kumain ng breakfast. Kinuha ko na gamit ko at nagpahatid na kay manong sa school.

8:00 am

12:00 pm

3:00 pm

5:30 pm

Time flies so fast pag nasa school ako. Clearly, wala kasi akong pakialam sa studies ko.

Tinawagan ko na si manong na sunduin nya na ako dito sa main entrance and after 2 minutes nandito na sya. Alam niya kasing isasante ko sya pagnalate sya, Di ko gustong pinapahintay ako.

After 30 minutes of long ass byahe, nakarating na kami sa house. And surprisingly, may sasakyang nakaparada sa garage, wala naman bisita dito eh ....... unless -

"Anak, how are you?" Bati ni mommy sabay yakap sa akin. Agad naman akong kumalas ng yakap at lumayo ng kaunti sa kanya.

"Why are you here." Its more like a dull and cold sentence kesa tanong na pagkasabi ko sabay punta sa loob at umakyat agad sa kwarto ko. Ayaw ko na kasing makipagusap sa kanila eh, ayaw ko rin silang makita.

Habang nagbibihis ako, may kumatok sa kwarto ko.

"What is it?" Tanong ko.

"Kain na raw sabi ng daddy mo" sabi ni yaya.

"Busog pa ako"

"Anak please" alam kong kay mommy tong boses kaya di na ako sumagot.

"Anak ...... I miss you please i want to see you" And this time si dad naman ang nagsalita. Lumalambot ang puso ko pag naririnig ko ang boses ni dad but it still doesn't change the fact na they're good parents to me kasi hindi. Ni wala nga sila sa graduation ko nung grade 6.

Binuksan ko yung pinto at lumabas. Dirediretso na sana ako sa paglalakad hanggang sa hinila ako ni dad palapit sa kanya at niyakap ako. Hindi ako nakagalaw at napako ata ako sa kinatatayuan ko lalo na nung sumali si mom sa pagyakap sa kin. Ako naman ang unang kumalas sa yakap nung bumalik na ko sa katinuan.

"Namiss ko bunso namin" Sabi ni mommy sabay pagpatak ng luha niya. Nakita ko kung gaano ka miserable ang mukha nila ni dad pero di parin ako nagpadala. Bumaba ako agad at umupo sa pwesto ko. Umupo na rin si mom at dad sa tabi ko. Noong una, puno ng katahimikan habang kumakain kami hanggang sa nagsalita si dad.

"Aalis nanaman kami bukas kuya, we decided kasi na bisitahin ka dito before we go to manila for another meeting ta-" sabi ni dad kaso pinutulan ko siya.

"Ganyan naman kayo eh lagi niyo nalang ako iniiwan sana hindi nalang kayo bumisita para di ko maramdaman ulit kung gaano kasakit iwan ng magulang." Sabi ko habang tuloy parin sa pagkain.

Natahimik nanaman ang lahat habang narinig ko si mom na umiiyak, kinuha niya kamay ko at hinawakan "Sorry anak, alam kong wala ako sa tabi mo nung kinakailangan mo kami pero anak sana intindihin mo na para rin sa inyo tong ginagawa namin. Maiintindihan mo rin balang araw."

"Anak patawarin mo kami ng mommy mo" naluluha rin si dad pero pinipigilan niya. "At anak, bago kami umalis, hihintayin namin yung bago mong makakasama dito sa bahay. Anak ni yaya Belen."

Tumungo lang ako at tumayo na rin sa lamesa. Dumiretso na ako sa kwarto ko at napapikit na rin sa sobrang pagod at sobrang ........ lungkot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ms. ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon