Prologue

18 3 1
                                    

Matagal ng panahon ang lumipas. Ang Hale Family ang pinaka kinikilalang Wolf Clan sa buong mundo. sa lahat ng wolf tribes, sila ang pinaka malakas at may kakaibang kapangyarihang taglay.

Sapagkat ang kanilang angkan ay nagmula sa lahi ng mga Alpha. mga wolf na mayroong pulang mata at kayang mag anyong tao at anyong wolf kung kaylan man nila gustuhin.

Walang makakapantay sa kanilang lakas kaya't maraming wolf clan sa iba't ibang panig ng mundo ang gustong pabagsakin ang kanilang angkan.

Hanggang sa isang pinuno ng Omega wolf clan ang nakatuklas ng isang propesiya kung saan ay mayroong isang paraan upang mapabagsak at maubos nila ang Hale clan.

Nangyari nga ang nakasaad sa propesiya at tinugis nila ang Hale Alpha's Clan at nagawa nilang magtagumpay. Naubos nila ang lahi ng mga Alphas.

Ngunit ang hindi nila alam. Isang batang Alpha ang hindi nila napatay. Isang bata na nakasaad rin sa propesiya na magpapatuloy ng kanilang angkan.

Hindi pa nauubos ang lahi ng mga Alphas.

Hindi pa tapos ang angkan na kanilang kinatatakutan.

Hindi pa tapos ang nakasaad sa propesiya.

At hindi pa sila tuluyamg nagtatagumpay.

Dahil mayroon pang isang nakaligtas ng hindi nila nalalaman.










Pero nasaan na nga ba.....












.....ang huling HALE?

The Last HaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon