Nagising ako sa kaunting sikat ng araw na pilit pumapasok sa maliit na siwang ng aking bintana na tumatama sa aking mga mata. Pilit akong ginigising para sa bagong umagang naghihintay para sa akin. Na sana ay hindi katulad ng normal at nakakaboryong na mga araw na nagdaan.
Ako si Ethan. Isang normal na teenager at nagaaral sa isang sikat na unibersidad sa maynila. Kumuha ako ng kursong multimedia arts sa paniniwalang magagamit ko ito dahil sa aking taglay na husay at kagustuhan sa paggawa ng mga horror comics at mga lathalaing may patungkol sa kababalaghan.
Ulilang lubos na ako. Pagkasilang pa lamang sakin ay namatay na ang aking ina dahil sa panganganak at namatay naman ang aking ama dahil sa atake sa puso dahilan ng pagkamatay ng aking ina. Naiwan ako sa tiyahin ko na noong nakaraang tatlong taon ay namatay rin dahil sa sakit na diabetes. Naiwan akong nagiisa. Walang kasama. Walang kausap. At tanging sarili lamang ang sumusustento para makaraos sa araw araw sa pamamagitan ng mga ibinebenta kong mga comics sa mga kapwa ko estudyante.
Bumangon na ako. Nagayos ng hinigaan. Itinabi ang mga sketch sa aking working table na hindi ko pa natatapos dahil sa kulang ang aking mga gamit, pinulot ang mga nakabilot na papel sa sahig na puro kamalian at hindi ko madugtungan na storya. Bumaba na ako para kumain.
Mainit na kape lamang ang inagahan ko dahil malelate nako. Naligo nako at pagkatapos ay nagbihis at dali daling sinara ang pinto at mga bintana ng bahay na tanging yun na lamang ang alam kong aking pagmamayari pagkatapos maiwan ng mga mahal sa buhay.
At umalis.
Dali dali akong sumakay ng jeep at nagbayad. Habang nasa biyahe, tila may nakapukaw sa aking pansin. Sa gitna ng mga maiingay na sasakyan... Mga pasaherong naghahanap ng masasakyan... Mga katabi kong nagtatawanan at nagkukwentuhan... Ay tila may isang babae sa dulo ng daan na aking natanaw ang nakatingin sakin. Nakaputi ito na halos maging pula na dahil sa dugo na nakakalat sa buo nitong damit at tila papalapit sa akin ng papalapit. Iniwasan ko ito at ibinaling sa iba ang tingin at muli ko itong nilingon. Laking gulat ko na halos isang dipa na lang ang lapit niya sa akin na tila nagpamanhid at nagpalamig sa buo kong katawan kahit ang panahon noo'y mainit at maalinsangan. Sa hindi ko mawari'y biglang dumilim at nawala ang eksenang kanina'y nasa jeep lang ako at papasok sa eskwela. Mabilis ang pangyayari dahil sa isang kisap-mata, ay ako na lang at ang babaeng kanina'y tinatanaw ko lang ang ngayo'y nasa isang pulang disyerto. Paglingon ko ay mukha na ng babae ang nakalapit sa aking mukha na duguan at parang pinagsasaksak ang mukha dahil halos madurog ang mga laman nito sa pisngi, halos nakabuka na ang mga ito at tuloy tuloy ang agos ng dugo. Sa takot ko ay napapikit ako at napasigaw ng malakas, ''Aaaaaaaahhhhh!!! ''. At bigla akong napatigil dahil pagmulat ng aking mga mata ay bumalik ako sa eksenang nasa jeep at lahat ng taong naroon ay nakatingin sakin na takang taka kung bakit ako sumisigaw. Sa hiya ko napababa ako ng jeep.. ''Ma-Manong.. Pakitabi na lang po, bababa na ako..'' at bumaba ako.
Napansin kong lumagpas na ako sa aking eskwelahan kaya't naglakad ako ng tuliro at parang wala sa sarili. Inisip ko ang mga nangyari kanina kung totoo ba ito o nagiilusyon lang ako. ''Siguro guni-guni ko lang iyon.. Pero imposible dahil kitang kita ng dalawa kong mata ang lahat ng nangyari.. Ang duguang babae.. Ang pulang disyerto.. Ewan. Siguro'y nakulangan lang ako sa agahan ko kanina.'' hinuha ko sa aking isip.
Ng mapansin kong nasa tapat na ako gate ng aking pinapasukan ay pumasok na ako at tumingin sa relo.. ''Shit! 20 minutes nakong late sa una kong klase.'' At nagmamadali akong tumakbo papunta sa room ko....
A/N: Hello guys! Natapos ko rin ang part one! Tbh, it's my first time na magsulat dito ng story hehe. Hope you like it :) Abangan sa part 2 kung anong nangyari kay ethan :))))
BINABASA MO ANG
The Bloody Desert
HorrorEntering the gate through the bloody desert. He feel cold. A breeze of air that touches his nape, makes his whole body shiver for what something whispers in his ears with a creepy voice of an old woman saying... ''Mag-iingat ka sa iyong mga makikit...