III. Cognizant

11 1 0
                                    

''San tayo kakain?''
.
.
.
''Ikaw, san mo ba gusto?''
.
.
.
''Uhhmm.. Sa may bulaluhan kaya?''
.
.
.
''Oh sige. Tara.''

Lumabas kami ng school ni stella at naghanap ng bulahuhan.
Ng makahanap, agad kaming umupo at ako ang umorder.

''Stella, ano sa'yo?''
.
.
.
''Bulalo malamang hahaha'' Sabay tawa niya.
.
.
.
''Sige. Oorder na ko ah.''
.
.
.
''Ah---teka. Libre mo? Sabay ngisi.
.
.
.
''Ayaw mo?''
.
.
.
''Yun oh! Salamat'' Sabay ngising abot tenga.
.
.
.
''Sige na jan ka muna.''

Close din naman kami ni stella pero nililimitahan ko dahil ayokong umasa siya na baka may feelings din ako sa kanya.

Umorder na ako. Dala ang service number at bumalik ako kung saan kami nakaupo si stella.

''Okay na. Seserve na lang nung waiter yung inorder natin.''
.
.
.
''Ahh.. Eh--Ethan.. Kwentuhan mo naman ako kung anong dahilan ng pagkalungkot mo kanina.''

Napaisip ako kung paano ko sisimulan ang kwento ko kay stella. Dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya sa mga ikukwento ko sa kanya. Pero bahala na. Bahala na si batman.

''Stella.. Naniniwala ka ba sa mga elemento? Sa mga ligaw sa espirito? O di naman kaya sa mga misteryong hindi maipaliwanag kung anong dahilan?''
.
.
.
.
.
.
''Oo naman. Nung bata pa kase ko, eh..  nakakakita ako ng mga ligaw na kaluluwa. Minsan white lady, anino ng malaking tao, duwende.. Tapos minsan pa nga, nagpapakita rin sakin yung mga namatay na naming mahal sa buhay. Kaya naniniwala ako sa mga yun, kase ako mismo eh nakasaksi at nakakita sa kanila.''

Ang sagot sakin ni stella na siya namang nagpalakas ng loob ko na sabihin sa kanya ang aking mga nakita dahil sa pareho rin pala kami ng karanasan.

''Alam mo kase.. Recently nangyayari sakin yung mga naranasan mo. Tulad na lang kanina. Papasok ako ng school at nasa jeep. Paglingon ko sa labas may nakatingin sakin babae. Tapos kanina naman sa room, kaya wala ko sa mood. Pagtingin ko kay Mr. Cruz eh may parang demonyo sa likod niya. Tapos biglang may binulong sakin. Hindi pa nga ko makagalaw kanina eh. Tapos biglang nawala. Stella di ko alam kung anong ibig sabihin ng mga nakikita ko...''
.
.
.
.
"Shit! Pareho tayo ethan, nakita ko rin yung demonyk sa likod ni Mr. Cruz kanina! Hindi na ko makaimik kanina dahil sa takot. Ayoko na kasing makakita pa ng mga elemento. Bata pa lang ako ipinagdarasal ko na na sana mawala na kung mayroon man akong third eye."
.
.
.
.
"Talaga stella?! Sobrang nakakatakot yung mukha niya. Haaaay. Paano kaya natin 'to matatakasan."

Dala ng takot at pagkalungkot, muli akong napayuko. Bigla naman akong tinapik ni stella..

"Hayaan mo ethan, andito lang ako lagi sa tabi mo. Kung kailangan mo ng tulong ko o mapagkukwentuhan nandito lang ako palagi."
.
.
.
.
"Salamat stella ah."

Maya maya pa ay dumating na ang order namin. Pagkatapos kumain ay hinatid ko na si stella sa bahay nila. Pinatuloy niya muna ako at nanood ng movie.

Bandang 6pm na ako ng lumabas sa bahay nila stella.

"Ah, sige stella salamat. Uuwi na ko."
.
.
.
Sabay ngiti ko kay stella at umalis na.
.
.
.
"Ingat ka ethan. Walang anuman."
.
.
.
Pahabol pa ni stella.
.
.
.

Habang nasa daan pauwi tila nakaramdam ako ng bigat ng katawan. Di ko maipaliwanag, para bang may bumabalot na init sakin. Hindi ako mapakali kaya naman lumingon lingon ako sa paligid. Tumingin ako sa likod, laking gulat ko ng makita ko ulit ang demonyong nakita ko kanina sa likuran ni Mr. Cruz na nakasunod sakin. Dali dali akong tumakbo. Sa sobrang bilis kong tumakbo ay hindi ko namalayan na malapit na pala ako sa bahay.

Mabilis akong pumasok at sinara ang pinto. Unakyat na ako sa kwarto ko at nagpahinga. Grabe yung tibok ng puso ko. Hingal na hingal ako at takot na takot dahil baka nasundan ako ng demonyo.

Nahiga ako sa kama at inayos ang gamit ko dahil parang binagyo ang loob ng bag ko katatakbo kanina.

Habang nagaayos ako ng gamit. Tila may naririnig akong yabag ng paa paakyat ng hagdan. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko at nahihirapan nanaman akong huminga. Papalapit ng papalapit ang mga yabag ng paa na parang papunta sa kwarto ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko at sobrang sikip na ng dibdib ko. Ng tila huminto na ang yabag  sa harapan ng pinto ng kwarto ko, sinilip ko ang kaunting siwang sa ilalim nito at laking gulat ko ng makita ko ang paa ng tila isang kambing. Mabuhok at malaki ang paa nito. Sobra akong kinilabutan sa aking nakita. Napasiksik ako sa sulok ng aking kwarto dahil tila binubuksan niya ang pintuan.

Ng mabuksan niya ito dahan dahang bumubukas ang siwang. Unti unti kong naaaninag ang mukha ng demonyo. Sobrang nakakaasiwa ang itsura nito. Tila mukha ng aso at baka. Katawan ng kabayo at paa ng kambing. Puro buhok ang katawan nito.

Papalapit itong naglakad sa akin at bigla na lang niya kong sinakal.

"Aaaaaaaahh!!... Aaaaaahh!!... Lumayo ka sakin demonyo ka!"

Sobrang lakas nito at hindi ko magawang lumaban. Sa sobrang higpit ng pagkakasakal nito sakin unti unting nagdilim ang paningin ko at ang tanging ang mukha lamang nito na gigil na gigil sa pagsakal sakin ang siyang huling rumehistro bago ako mawalan ng malay.

A/N: Chapter 3 done! Stay tuned guys! :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bloody DesertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon