Prologue
"Star, it's been awhile. Kamusta ka na? San ka ba nanggaling namiss ka namin ng sobra." Sabi ni leigh isa sa mga matalik kong kaibigan. Inisa-isa ko sila hindi ko naisip na makikita ko sila dito.
"Ang O.a naman ata nitong si Skyleigh, napainom niyo na ba ng gamot iyan haha. Nakita kasi ako nitong si mark sa isang waiting shed." Sabay turo lalaking katabi ko. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan.
"And then boom, ginawa niya akong singer sa club nila. Mahal na mahal ko ang pagkanta hindi ba? Pasensya na at hindi ko nasabi sainyo. Parang trauma parin kasi ako non. Hindi ko akalain na magiging ganon." Ang awkward sabihin pero alam na nila ung tinutukoy ko. Tumawa nalang ako para maibsan ang kaba na namumuo sa aking dibdib.
Damn! Star ang tagal na non! Ngayon ka pa ba bibigay? Alam ko ang mga kaibigan ko alam nilang hindi totoo ang mga ngiti ko. Tinitigan ko sila. Oo nga at tagal na naming hindi nagkita.
"Starlette, it's almost 3 years. Ni hindi ka man lang nagparamdam sakin o kahit isa sa mga kaibigan mo, naiintindihan ka namin kasi magkakaibigan tayo hindi ba? Nung iniisp mong walang wala ka ng masasandalan ni hindi mo man lang kami naisip." Tugon pa nito, sa aming apat na magkakaibigan kami talaga ni Sky ang magkasundo.
Naaalala ko pa ung sinabi niya sakin noon na, hindi daw maganda ang langit kung wala ang bituin. Malungkot daw tignan ang mga ito lalo na kung wala ang nagsisilbing ilaw nito. Kaya nga siguro hindi kami mapaghiwalay nito, nung mga panahong malungkot siya ako ang nagsisilbing ilaw niya. Kung pano iniilawan ng star ang sky na madilim sa gabi.
Saaming apat wala kaming pakialam sa sasabihin ng iba basta't magkakasama kami ay walang problemang aayusin mo magisa. Pero umalis ako e. Umiiyak si Skyleigh sa harapan ko at niyayakap ni Isler. Pinipiga ang puso ko tuwing nakikita kong umiiyak ang mga kaibigan ko, maliban sa pamilya ko sila ang isa sa mga kahinaan ko.
"Im sorry." Sabi ko sabay tingin kay mark na ngayo'y nagsisilbing ngumingiti at sumisenyas na sa kanyang relo. "Isler, Skyleigh sorry pero kailangan ko ng mauna. Mapatawad niyo sana ako." Tumayo ako at pumihit patalikod. Ngunit ng hindi pa ako nakakahakbang ay may humigit na sa braso ko.
"Star siguro nga kinalimutan mo na kami. Pero hindi ka magiging masaya kung alam mong hanggang ngayon may tinatakasan ka pa. Move on lette, it's been a year at may bago na siya." Isler. Napatingin lang ako sa mga mata niyang umiiyak na din. Halos makalimutan ko na atang huminga nung naalala ko na naman siya.
"Isler, tara na." Sabay hila ni leigh sakanya. Ganyan nga, masakit man para sakin. Kahit pinipiga ang puso ko. Kailangan niyong lumayo. Mahal ko kayo pero ayokong masaktan ko kayo sa mga desisyon ko. Tama si Isler mahal na mahal ko pa rin siya kahit alam kong may iba na siya. 2 years na ng malaman ko yun. At parang muling binibiyak ang puso ko.
Nagulat na lang ako sa tumapik sa akin. "Mark, ang sakit. Ang sakit sakit parin. Dapat bang lahat sila ay mawala sakin?" Niyakap ko at umiyak sa dibdib nito.
"Kailangan mong magpakatatag. Babawi ka sakanila diba? Kaya kailangan magpursige. Hanggang wala pa sila ako muna ang sandalan mo." Sabi nito at binuhat ako sa mamahalin niyang kotse. Alam niya sigurong hindi ko pa kayang maglakad at baka bumagsak lamang ako. Tahimik ang naging takbo ng byahe at medyo humupa na rin ang luha ko. At napatingin sa salamin ng sasakyan.
"Kailangan ko magpursige babawiin ko ang lahat ng sakin." Bulong ko pero alam kong narinig ito ni mark. Paliko na kami ng subdivision kung saan ako nakatira ng maaninang ko ang isang balingkinitang babaeng nagaantay ata sa isang sikat na coffee shop.
Kilala ko ito, ito yung babaeng umagaw ng lahat sakin. Tinitigan ko siya hanggang sa lumagpas kami.
Babalik ako.
BINABASA MO ANG
Stumbled
RomanceStarlette is the epitome of perfection. She's beautiful girl, smart, kind. Lahat na ata ay nasa kanya na, pero hindi siya katulad ng iba madalas ay mapagisa. Ito ang dahilan kung bakit maraming nagkakagusto sakanya. There is only one guy that starle...