1/1

36 0 0
                                    

Krystal's POV

"Anak, gising na may trabaho ka ngayon diba?"  sabay katok sa pintuan ko.

"Mamaya na mama. Palagi nalang akong stress sa trabaho lalo na yung boss kong masasabi nating walang paki-alam sa mundo."

Pagkasabi ko nun biglang umupo si mama sa gilid ng higaan ko. Eh totoo naman yung sinasabi ko ah. Ang yabang din nun nakakahighblood araw-araw.

"Hay naku anak. Alam mo ba na kung pursigido ka talaga na magtatrabaho, kalimutan mo yung mga nega sa buhay mo. Halika na at naghanda na ako ng almusal."

"Oo na po. Babakod na"

Hi! Ako nga pala si Krystal Chendra Chua. Nagtatrabaho ako sa isang sikat na companya bilang sekretarya ng CEO. Ang akala ko pogi at magalang sa mga katrabaho yung CEO namin. Eh yun pala...

FLASHBACK101

May biglang tumawag. Sino naman eto? Unregistered number?

"Uhm, he-hello?"

"Ikaw po ba si Krystal Chendra Chua?"

"A-ah opo. Sino po sila?" kinakabahan kong sagot. Delikado na kung kidnaper. Ay hindi na pala ako bata hahahaah.

"Tanggap ka na po bilang sekretarya ng companya namin. Sa Vera Company po. Bukas ka na magsisimula." parang ayaw macontain yung sinasabi niya. Totoo talaga? Walang halong biro?

"Salamat po!" sabi ko na may ngiti sa labi.

Nung mababa na ang telepono, bigla akong sumigaw.

"AAAAAAHHHHHHHH! OMYOMY EXCITED NA AKO!"

"Anong nangyari sayo ate?" takang-taka na tanong ni Azumi.

"MAGIGING SEKRETARY NA AKO, UMI!" sagot ko sabay yogyog sa kanya. Naka poker face pa rin siya. Kapatid ba kita? Yeng tetee? -,-

"Akala ko naman kung ano." sabi niya sabay alis. Ang supportive niya na kapatid ah! Damang-dama ko pramiss! -,-

*KINABUKASAN*

Maaga akong nagising. Kasi excited nga diba. Imagine mo? Sa pagmumukha kong tuh eh matatanggap pa ako bilang sekretarya? *o*

6 palang umalis na ako sa bahay. Natakot ako na baka malelate ako. Kabago-bago kung tao tapos masesante bigla diba? I cri. Malayo pa naman yung byahe.

Ng makapasok ako may tour guide ako. Kung saan kami pumupunta pero excited na ako sa desk ko tas sa mga paper works tas sa mga magiging friends ko at lalo na sa BOSS KO *o*.

Umupo ako sa upuan ko. Nahihintay kay boss at sa mga paper works ko.

(15 mins after)

Time check 7:01, wala pa rin si boss. Hay naku!

"Good morning po boss."
"Boss nasa mesa na po yung document."
"Meeting po mamaya boss 3:00pm."

Pagkasabi nila nun. Nagready na ako. Kinakabahan ako. Woohh.

"Good mor--" bati ko sana pero naputol.

"Ikaw? Ang CEO sa companyang ito? Nagpapatawa ka ba?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Oh, it's you Ms. Chua. Long time no see! Namiss mo ko?" sabay kindat yaks kadiri.

ID (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon